CHAPTER 8

152 60 9
                                    

Halos hindi na ko makahinga sa kakatawa at sigaw dahil sa mga loko kong kapatid natigil lang kame ng may mag salita sa bukana ng pinto ng living room.

"Ang lagay eh kayo lang ang nag kakasiyahan? Hmp! Tampo na ko nyan." kunwaring nag tatampong sabi ni Mama habang nakapulupot naman ang isang braso ni Papa sa bewang nya at nakangiti ito samen.

"Pa! Sila kuya oh!" Kumawala ako sa mga kuya ko at tumakbo kay Papa at parang batang nag susumbong pero tinawanan lang ako ng mga kolokoy kong kapatid.

"Hi Princess I miss you!" Niyakap ako ni Papa ng mahigpit at hinalikan sa noo "I miss you too Papa!" Papa's girl talaga ko.

"Ako walang Kiss and Hug?" Napalingon ako kay Mama na nakadipa ang mga kamay at nag aantay ng yakap sabik naman akong lumapit at niyakap sya ng mahigpit!
Ibang iba talaga kapag Yakap ng ina pakiramdam ko lahat ng problema at lungkot ay nawawala sa bawat yakap at haplos nya. "Mag uusap tayo mamaya okay?" Mahinang sabe nito habang hinahaplos ang buhok ko na sobrang nagpapagaan sa pakiramdam ko kaya tumango nalang ako.

"Come on let's eat alam kong gutom na mga anak naten lalo na yang kambal mo." natatawang yaya ni Papa kaya natawa nalang din kame at sabay sabay na nag punta sa Dining table at masayang nag salo salo na parang katulad lang dati noong lahat kame ay dito pa nakatira ngayon kase ay may sari sarili na kameng tinutuluyan.

Si Kuya Pierre sa Penthouse ng isa naming Hotel na pag mamay ari nakatira sya na din ang namamalakad ng mga Hotels and Company. Pinasa sakanya ni Papa yun nung 26th Birthday nya 2 years ago at mas doble pa ang nilago ng sya ang humawak dahil katulad ni Papa magaling talaga sya sa business at kinatatakutan din sya kaya halos ang daming gustong kumalaban pero wala namang nanalo akala kase ng mga kakumpitensya ni Papa ay pagkakataon na nila dahil ipinasa na nito sa anak nya at dahil bata pa akala nila mapapabagsak nila si Kuya pero hindi nangyare dahil kung ano si Papa sa business ay nakuha yun ni Kuya Pierre sa sobrang strikto at seryosong tao hindi ko alam kung nagka girlfriend naba sya.

Si Kuya Payton naman ay ang namamalakad ng mga Beach resorts namin kaya madalas ay wala sya dito sa Manila. May long time Girlfriend din sya si Ate Mikka at close kameng dalawa kahit nasa London sya.

Habang si Kuya Primo naman, photographer sya at lagi din wala dahil mas gusto nya ang mag travel at mag picture ng kung ano ano. Hinayaan naman sya nila Papa sa gusto nya tulad ko.

Mas Matanda ng 2 years saken sila kuya Payton at kuya Primo si kuya Pierre naman 5 Years.

"Peirre anak, wala kapa bang balak mag asawa? You know tumatanda na kame ng Papa mo." natawa ako ng mabilaukan si Kuya Pierre dahil sa tanong ni Mama ang dalawa ko namang kuya ay nag pipigil ng tawa.

"Ma.. pano mag aasawa yan eh girlfriend nga wala hahah-Shit kuya!" Natawa ako lalo ng biglang batukan ni Kuya Pierre si kuya Primo.

"Your mouth young man!" saway ni Papa na kinatikom ng bibig nya at sinamaan ng tingin si Kuya Pierre pero nginisian lang sya nito saka bumaling kay Mama.

"Ma, darating din tayo dyan okay."

"Hays .. ang panganay ko talaga. Oh ikaw Payton? Anong balita sainyo ni Mikka ? Wala paba kayong balak magpakasal?" Ngumiti naman si Kuya Payton at kitang kita sakanya na mahal nya talaga si ate Mikka.

"Dont worry Ma .. malay mo Soon." Nakangiting sagot nya.

"Yiiiieeeee! Excited na ko magka apo!"
Nasamid naman si Kuya Payton sa sinabe ni Mama kaya tinawanan namin sya.

"Ma!"

"Ayy ! Hehe." nag Peace sign naman si Mama at bumaling kay Kuya Primo pero agad na umiling to at nag taas ng dalawang kamay na akala mo sumusuko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now