CHAPTER 29

129 44 23
                                    

WARNING : Masakit sa puso!
Oh ano ? Akala nyo SPG na ? Easy darating din tayo dyan hehe

******
Umuwi ako sa bahay ng tulala at hindi alam ang gagawin matapos ang pag uusap namin ni Lola Almira para humingi ng tulong saken. Kung sana ay ibang bagay ay napaka dali para saken na kausapin si Helios pero .. iba ngayon. Napaka tagal na naming pangarap na sabay makapasok sa Music industry hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa ganito lalo na't hindi namin ginamet ang koneksyon ng mga pamilya namin dahil kung ginawa namin yun isang pitik lang mararating namin ang gusto naming dalawa pero hindi kame ganun..

At dahil litong lito ako, sinabe ko kay Mama ang nangyare nagulat at sobrang nag alala sya sa lagay ng lolo Fernan pero sinabe ko sakanya na nag papagaling ito at wag sasabihin kila Tita Hailey.

"Ma, anong gagawin ko? Paano ko kakausapin si Helios tungkol dito kung alam kong simula pa noon ay ito din ang gusto nya." umiiyak na tanong ko sakanya habang yakap yakap nya ko nandito sya sa kwarto ko ngayon.

"I know anak, pero kailangan mo syang kausapin at ipaintindi sakanya."

"Paano kung h-hindi din sya makinig saken Ma? K-kilala ko si Helios, Yes. Nakikinig sya saken pero may paninindigan sya lalo na pag pangarap namin ang pag uusapan."

"Kung ano man ang maging desisyon nya anak tanggpin mo. Pumayag man sya o hindi wala na tayong magagawa atleast sinubukan mo anak."

Kinabukasan nag pasya akong puntahan si Helios sakanila. Nung una ay nag taka pa sya dahil hindi ako nag sabeng pupunta ako at napaka lambing ko sakanya. Noon pa man ay malambing na ko sakanya at ganun din sya saken pero mas dinoble ko ngayon dahil hindi ko alam kung papaano sisimulan na kausapin sya.

"Love, what is it? you look bothered. is there something you want to tell me?" Tanong nya. Mataman syang nakatingin saken habang nakaupo ako sa hita nya paharap sakanya nakapulupot din ang mga braso ko sa leeg nya habang nasa bewang ko naman ang mga braso nya. Nandito kame ngayon sa kwarto nya. Pinapayagan naman ako nila Tita at tito dahil kahit simula noon ay tambayan na namin to.

"Love .. I know naman na importante sayo na makapasok tayong dalawa sa Music industry right?" Kumunot ang noo nya habang nag naguguluhang tumango.

"Yeah and ?"

"I just wanna ask you if .. K-kaya mo bang pag sabayin lahat? I mean, you know ilang taon nalang mag uumpisa kanang mag training sa Company nyo and for sure nasa Industry na tayo nun.. paano mo pag aaralan at ma'mamanage ng maayos ang negosyo nyo kung sakaling maging hectic ang schedules naten?" Matagal nya akong tinitigan natigilan ako ng dumilim ang muhka nya kaya pasimple akong lumunok.

"Did lolo talked to you to convince me?" Tanong nya gamit ang iritado at malalig na boses. Mabilis akong umiling.

"No... it's just that .. hmm.." naging malikot ang mga mata ko dahil hindi ko matagalan ang tingin nya.

"What?" Hinawakan nya ko sa panga saka hinarap sakanya kaya napanguso ako.

"L-lola Almira talked to me last time, sinabe nya na nag talo kayo ni lolo Fernan." umiwas sya ng tingin at parang batang sinubsob ang muhka sa pagitan ng dibdib ko saka ako niyakap ng mahigpit.

Yun lang ang sinabe ko sakanya, hindi ko sinabe ang nangyare sa lolo nya gaya na din ng hiling ni lola Almira.

"I can do it. Kayang kong pag sabayin lahat kaya wag mo nang isipin yun okay." He said.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now