CHAPTER 3

172 70 5
                                    

Pagkapasok ko sa condo ko ay halos takbuhin kona ang sala at Sumalampak ako sa couch pinikit ko ang aking mga mata sa sobrang pagod ngayong araw na to. Sunod sunod na photoshoot ang ginawa namin at na extend dahil nga sa biglaang meeting kanina. Makakatulog na sana ako ng kumalam ang sikmura ko kaya napamulat ako at napatingin sa wall clock dito sa sala 10pm na at hindi ako ganung nakakaen kanina dahil sunod sunod ang kailangan naming matapos dahil nga sa binago ang schedule ko para sa makalawa ay maisingit ang guesting.

Naglakad ako sa kusina at nag hanap ng makakaen pero bumagsak ang balikat ko ng makitang puro beer at miniral nalang ang laman nun halos.
Nakalimutan ko palang iremind si Katy na wala na kong stocks dahil binanatan ng magagaling kong mga kaibigan nung isang araw.

Nag pasya akong mag palit ng Pajama at spaghetti crop top at nag patong ng jacket. Hindi ko naman na kailangan mag tago ng muhka dahil wala naman akong ibang pupuntahan hindi katulad kapag sa mansion ang punta ko. Balak kong pumunta sa convenience store sa tapat ng building nitong condo ko. Mag hahanap ng pwedeng makaen.

Pagkapasok ko sa store ay dumiretso agad ako sa mga ready to eat nang heavy meals. Kumuha ako ng isa at saka kumuha ng coffee.

"Pwede na to" kibit balikat na sabe ko.

Habang nag hahanap ng ibang pwedeng makaen ay di ko namalayang may makakasalubong ako at dahil maliit lang ang daan nagkabunggo kame at nahulog ang dala ko.

"Sorry miss." tinulungan nya akong kunin ang mga dala ko.

"No. It's okay di kase ako tumitingin sa daan." sagot ko habang nakayuko parin at ng tumingala ako ay natigilan ako dahil sa kaharap ko. Makapal ang kilay matangos ang ilong at katamtaman ang labi nito para sa isang lalaki. Medyo moreno ang kulay ng balat nya Magulo ang buhok nya na blonde na akala mo hindi sinuklay pero nakadagdag yun para mas lalong syang maging attractive at magandang lalake pero ...

Halatang madami nang pinaiyak ang isang to.

kung di lang nya nabitawan ang hawak nyang can beer ay di ko pa mapapansin na nanlalaki ang mga mata nya at medyo nakaawang ang bibig nya habang nakatingin saken. Napakurap kurap naman ako at tumayo nag umpisa na kong mag lakad sa cashier.

"Go-Good evening p-po mam."naiilang at medyo tulala na bati saken ng babaeng cashier. Ngumiti naman ako at bumati din sakanya at inantay syang matapos saka inabot saken ang pinamile ko nang tingnan ko sya ay parang may gusto syang sabihin pero muhka syang nahihiya kaya naman ako na ang nag tanong.

"hmm.. may sasabihin ka?"

Nagulat naman sya at medyo napayuko "a-ano po .. p-pwede po ba mag papicture?" Nahihiya nyang tanong napangiti naman ako at lumapit sakanya. "Sure." sagot ko. Lumiwanag naman ang muhka nito saka kinuha ang cellphone at sabay kaming ngumiti sa camera.
"Naku maraming salamat po mam! Matutuwa po ang may sakit kong bunsong kapatid dito kase sobrang idol nya po kayo." parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa nakikita kong saya sa muhka nya para sa kapatid nya.

"You're welcome. Anong pangalan ng kapatid mo?"

"Lana po mam."

"Pwede ko bang mahirap cellphone mo?" Nag tataka man ay inabot nya parin saken. Tinapat ko saken ang video camera saka ako ngumiti at kumaway dun.
"Hi Lana ! This is Phoebe Cardona. Nasabi ng ate mo saken na idol mo daw ako? Maraming salamat sayo Lana. Ngayon pwede mo ba akong pag bigyan sa Favor ko? Sabe ng ate mo may saket ka daw .. so, I want you to fill your mind with positive thoughts and happiness. Kung ano man ang sakit mo, alam kong malalagpasan mo yan para sayo at para sa ate mo. Take care always muah!" Nag flaying kiss ako at kumaway sa camera bago ko pinindot ang stop. Nakangiti kong inabot sa cashier ang cellphone nya at nakita kong nag pupunas sya ng luha.

"M-maraming salamat po mam Phoebe sobra sobra po syang magiging masaya pag uwi ko tama po talaga ang kapatid ko kahit di ka pa po nya nakikita sa personal lagi nyang sinasabe na .. hindi lang kayo maganda,mabait din talaga kayo."naiiyak na sabe nya ngumiti naman ako at tumango.

"Walang anu man." tumalikod na ako at lumabas ng convenience store. Naalala ko kase sa kapatid nya ang isang taga hanga ko noong hindi pa man ako nakakarating kung nasan man ako ngayon. Sya ang number 1 fan ko kaya ko din talaga pinursigi na pasukin ang mundong to.
Napahinto ako sa pag lalakad ng may humarang sa daan ko pag angat ng tingin ko ay nagulat ako dahil sya yung lalake kanina sa store. Nakangiti ito saken at naglahad ng kamay.

"Hi ! I'm Creed. Ako yung kanina sa Store hehe." Tiningnan ko naman sandali ang kamay nya saka alanganing tinanggap yun.

"Phoebe." Sagot ko. Nag lakad na ko ulet papasok sa lobby ng condo na tinutuluyan ko ng mapansin ko na nakasabay sya saken.

"Ikaw yung sikat na singer and model diba?" Tumango naman ako kahit nag tataka kung baket nakapasok sya dito. Hindi kase agad agad pinapatuloy ang kung sino man dito mahigpit ang security nila dahil halos mga tulad ko ang nakatira dito ang iba naman may mga sinabe din sa buhay. Siguro dito din sya tumutuloy.

"May unit ka din dito?" Di ko napigilang tanungin.

"Yeah. Ngayon ko lang nalaman na may unit ka din pala dito."
Nakangiting sagot nya saken. Sabay kameng pumasok sa elevator.

"Oo sa 23rd flr ako."

"Any way, nakita ko yung kanina sa store.."

"Hmm .. ganun ba."

"Sobrang napasaya mo yung cashier kanina." Napangiti naman ako at napansin kong napatitig sya saken.

"Malapit lang talaga loob ko sa mga may sakit." tumango naman sya at ngumiti din.

"Marami akong kilalang mga sikat at mga kilalang tao pero bilang sa daliri ang tunay at bukal ang puso."napatingin ako sakanya dahil sa sinabe nya "nakikita ko sa mata at ngiti mo ang saya kaya masasabi kong totoo ka sa ginawa mo kanina."

"Wala namang rason para mag kunwari o mag panggap para lang makatulong at mag pasaya ng tao mas sumasaya ako kapag nakakagawa ako ng ganun." nakangiting sagot ko sakanya. Nakatitig nanaman sya saken kaya naman iniwas ko ang tingin ko dahil tumunog na ang elevator at nasa 23rd flr na kaya naman ng bumukas yun ay nag paalam na ko.

"Una na ko." Sabe ko.

Ngumiti naman sya at kumaway saken
"Nice to meet you Miss Phoebe."

Tumango ako saka na lakad papunta sa unit ko at niready kona ang binile kong pagkaen kanina dahil ngayon ko lang ulet naramdaman ang gutom.
Habang iniinit ko yun ay nag scroll ako sa fb ko at may notif na biglang lumabas kaya naman tiningnan ko yun. Ganun din sa IG at Twitter ko inuna ko ang Fb.

Creed Sandoval sent you a friend request

Napakunot ang noo ko at tiningnan ang profile nya. Sya yung kaninang kausap ko. Halatang madami nga syang kakilala na hindi basta basta dahil may mga pictures sya na may kasamang ibat ibang artista,politika at mga negosyante.
Muhka din syang party person dahil panay puro parties and Bar ang nasa pictures nya. Ang dami ding likers at followers ng isang to at karamihan sa mga tag photos at post ay mga babae.

Napailing nalang ako at inaccept ang friend request nya sa fb pero di ko na pinansin sa Twitter at IG dahil bihira naman ako mag bukas sa mga yun. Fb lang medyo madalas dahil dun ako kinocontact ng mga girls.
Pagkatapos kong kumaen ay naligo ako at sumalampak sa kama ng walang suot na kahit ano.
Hindi ko na kailangan uminom ngayon ng pills dahil sobrang pagod.

Panibagong bukas nanaman ...


------
Alright ! Hanggang dito na muna !
Maiiksi lang ang bawat chapters ko dito sa TOTGA para hindi masyadong maubusan ng Topic .

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora