CHAPTER 13

136 52 0
                                    

"C-creed ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"May business meeting ako kaninang umaga at dito sila naka stay sa Yilmaz resort. Ngayon din dapat ang uwi ko kaya naisipan kong mag libot pero muhkang mag gusto ko na muna dito." nakangiting sagot nya.

"Ganun ba, pasensya na nga pala di ako tumitingin kaya nabangga kita."

"It's okay, basta ikaw Miss Asul."
Bumusangot naman ang muhka ko sa tawag nya saken. Mag sasalita na sana ako ng may mag salita sa likod namin.

"Okay ka lang Phoebe?" Si Katy.

"Phoebe okay ka lang? Di ka kase tumitingin sa dinadaanan mo eh." Dagdag ni Glenda tumango ako.

"Okay lang ako, buti nga at napigilan ang muntik kong pagkabagsak."awkward kong sagot at napatingin kay Creed.

"Hi beautiful girls." Nakangiting bati nya sa dalawa.

"Hello Mr Sandoval" Bati ni Katy dito
Napansin kong tinitigan naman sya ni Creed at kumunot ang noo hindi nya siguro namuhkaan si Katy ngayon dahil madalas naka tali ang buhok nito at nakasuot ng jeans at tshirt.
Muhkang napansin naman ni Katy yun kaya nailang sya sa tingin ni Creed "a-ahm Katy. Yung assistant ni Miss Phoebe."

Tumango naman si Creed at nginitian sya "Sorry .. para kasing bigla kang naging pamilyar saken, by the way You look good." puri nya na kinapula ng muhka ni Katy at nag iwas ng tingin.

"S-salamat."

"Napadayo ang isang Creed Sandoval dito?" Tanong ni Glenda.

"Meeting. At hindi ko inexpect na makikita ko kayo dito."

"Photoshoot ni Phoebe bukas kaya 2 days and one night kame dito eh ikaw? Tapos na meeting o nag hahanap ng mabibigwit ?" Pabirong tanong ni Glenda natawa naman si Creed at umiling.

"Tapos na kaninang umaga, Mamaya na sana ang uwi ko pero naisipan kong mag libot muna and eto nakita ko si Ms Asul."

"Guys! Tara na dinner is ready."
Sabay sabay kaming napalingon ng tawagan kame ng kasamahan namin.

"Una na kame. Creed pwede kang sumabay samen if you want. Antayin namin kayo dun ha." tumango naman ako at bumaling kay Creed.

"Come join us." Nakangiting alok ko.

"Ha? No .. it's okay. Nakakailang Out sider ako." natawa naman ako may hiya pala to.

"Tara na.. diba inaaya mo din naman ako mag lunch? Oh edi parang nag dinner na din tayo ngayon." natawa naman ito at napailing.

"Yeah at kahit isang beses di ka umoo." Sabay iling nya.

"Hindi naman sa ayaw ko .. kaya lang wala talagang time eh. Madaliang pagkaen nga lang nagagawa ko para lang di kame mag over time."

Nag umpisa na kaming mag lakad habang nag uusap ngayon ko lang napansin na palubog na pala ang araw kaya pala kakaen na. Naramdaman ko din ang lamig kaya naman napayakap ako sa sarili ko napatigil naman ako sa pag lalakad ng tumigil ang kasama ko at napatanga ng hubarin nya ang tshirt nya sa harap ko.

Diyos ko uso ba ang 6 pack abs ?

"Ganda ng tanawin nu?" Nakangising tanong nya at napaiwas ako ng tingin dahil kahit padilim na alam kong nakikita parin ang pamumula ng muhka ko.

"B-baket kase nag huhubad ka dyan." Naiilang na tanong ko.

"Para dito," natigilan ako ng lumapit ito saken at isuot sa ulo ko ang tshirt nya kaya napaangat ako ng tingin sakanya at nakatingin din pala sya saken. "Isuot mona malamig mahirap na baka sipunin kapa may shoot ka bukas. Ang weird kase kung ano ang mag tutuloy na mag suot sayo nyan."at napalingon sya sa cottage kung saan nakatingin samen ang mga kasama namin kaya napalayo naman ako sakanya dahil masyado syang malapit saka ko sinuot din ang Tshirt nya na umabot yun hanggang sa gitna ng hita ko kung hindi lang malamig ay di ko susuotin to. Hindi ko na din kase alam kung nasan ang cover up ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant