CHAPTER 35

137 41 3
                                    

Pababa palang ako ng hagdan ng kumalam ang tyan ko dahil sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Kaya dumiretso agad ako at naabutan kong nag luluto si Helios ng naka topless at boxer short lang nakatalikod kung nasan ako. Malaya kong pinag masdan ganda ng katawan nya lalo na ang biceps nya. Noon naman ay maganda na talaga ang katawan nya kahit mga teenaged palang kame pero tama lang sa edad nya. May abs na din sya noon pero hindi tulad ngayon sobrang lake ng inimproved ng katawan nya dahil mas naging mahubog ang mga muscles nya at abs nya na makakapag laway talaga. Bumaba ang tingin ko sa matambok nyang pang upong napangiti ako. Dahan dahan akong lumapit saka sya niyakap mula sa likod.

"Goodmorning Love." Abot hanggang tengang ngiti ng batiin ko sya. Umikot naman sya paharap saken saka hinawakan ang magkabila kong pisngi para mahalikan nya ko. Awtomatikong naipulupot ko ang dalawang braso sa batok nya at tumingkayad. Inihawak naman nya ang dalawang kamay sa bewang ko. Simpleng halik matagal o hindi nakakapag buhay ng mga paro paro sa tyan ko. Hinihingal na tinigil namin ang halik at parehong nakangiti.

"Goodmorning sleepyhead, Maupo kana dun malapet na matapos to." I nodded bago naupo sa upuan. Kahit noon sya din ang madalas mag luto saming dalawa dahil aminado talaga akong hindi ako fan ng pag luluto kaya sya ang nag aasikaso ng pagkaen ko sa tuwing nandun ako sakanila o kaya pag nandun sya samen.

Maya maya nilapag na nya sa mesa ang Fried rice na hinaluan nya ng carrots, beans and beef meat then sa ibabaw may sunny side up. Sa isang plato naman ang favorite kong vegetable salad nakangiti syang umupo sa upuan sa harap ko.

"Tataba na ko nyan." nakangusong reklamo ko. Sa loob ng limang araw dito ako nag stay sa penthouse nya. Palaging heavy meals ang niluluto nya. Ayaw nyang pumayag na panay vegetable salad lang ang lunch or breakfast. Hindi kase ako pwedeng panay kaen ng heavy meals dahil madalas may biglaang photoshoot lalo na ngayon hindi ko alam ang schedule ko dahil hindi ko naman nacocontact si Glenda dahil sira ang phone ko. Paniguradong nag bubuga na ng apoy yun.

"Yeah. Yun nga ang plano ko, you need to eat a lot masyado kang sexy sa katawan mong yan. Konti nalang mang dudukot na ko ng mga mata."
bumusangot ang muhka ko sa sagot nya. kumuha sya ng kutsara at sinubuan ako. Nag umpisa na din syang kumaen pati ako. Inubos ko muna ang laman ng bibig bago nag salita.

"Possessive."nakangusong sagot ko nginisian naman nya ko.

"Yes, and you know that Love."

"Paniguradong bubugahan ako ng sermon ni Glenda nito Love." parang batang sumbong ko na kinatawa nya ng mahina.

"I don't care, as long as nandito ka saken bubusugin kita hindi lang sa pagkaen pati na din sa kama."Nakangising sagot nya na kinatanga ko kaya napalo ko sya sa braso.

"Bastos!" Pinandilatan ko sya ng mata.

"Sayo lang naman." Kibit balikat at nakangising sagot nya na kinailing ko nalang.

Nahinto lang kame ng biglang mag ring ang cellphone nya na nakapatong sa mesa. Sabay kameng napatingin dun pero nag iwas agad ako ng tingin ng makitang si Trasha yun. Nagulat pa ko ng hawakan nya ang isang kamay ko kaya napatingin ako sakanya nakangiti sya na para bang sinasabe nyang walang ibang ibig sabihin yun.

"Hey Trish." natigilan pa ko ng sagutin nya sa harap ko ang tawag nag taka ako ng kumunot ang noo nya.
"What photos?....Yes. She's here in my place right know... alright. Pupunta ko." saka nya binaba ang tawag at may kinalikot sa cellphone nya natigilan ako ng mag dilim ang muhka nya nanlilisik ang mga mata sa cellphone kaya kinuha ko naman yun at tiningnan. Nag init ang sulok ng mga mata ko sa nabasa at nakita.

'PHOEBE CARDONA PINUNTAHAN SI HELIOS GAUTHIER SA TINUTULUYANG PENTHOUSE NITO'

'TULUYAN NA NGA BANG NAAGAW NI PHOEBE SI HELIOS KAY TRISHA?'

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now