CHAPTER 27

115 47 2
                                    

Nakapulupot parin ang isang braso ni Creed sa bewang ko hanggang sa makarating kame sa gitna ng stage kung saan may tig isang pang dalawahan na couch naupo kame sa kanan at naupo naman sa kaliwa ang dalawa. Habang nasa gilid naman ang host na naka upo sa pang isahang upuan. Ang mga audience ay kanya kanyang hiyawan merong sinisigaw ang pangalan namin ni Creed meron din naman ang pangalan nila Trisha dahil halos nahahati sa mga fans namin ni Trisha ang audience, may iilan kaseng mga pinapasok at ang karamihan naman ay nasa labas. Ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng kamay ko hindi dahil sa itatanong saken kundi dahil sa presensya ni Helios na halos katapat ko lang kaya naman pasimpleng hinawakan ni Creed ang isang kamay ko at nginitian ako. Medyo nabawasan ang kaba ko at nginitian din sya. Napasulyap ako sa harap pero napaiwas ulet ng mapansin kong nakatingin sa mga kamay namin ang mga mata ni Helios.

"What a sweet couples we have here right now, nakakakilig diba?" Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Pare pareho naman naming sinuklian ng ngiti maliban kay Helios na nanatili ang blangkong expresyon.

"Hello Mr Creed Sandoval, mabuti naman at napapayag kang lumabas sa isang Tv show. Sa pagkakaalam ko ay hindi ka pumapayag sa mga ganito." Nakangiting sabe ng host. Natawa naman ang katabe ko.

"Yeah, I prefer partying with my friends than this but today is different." sagot nya at sumulyap saken. Ngumiti naman ng malawak ang host at nag papalet palet ng tingin samen.

"Hmm.. different..parang alam kona kung baket." makahulugang sagot nito na kinangiti lang ni Creed. Bumaling naman sya sa kabila.

"So kamusta naman ang TRISHEL couple? Hindi naman ba kayo nagkaron ng problema o pag tatalo dahil sa mga issues last time?" Tipid na ngumiti si Trisha.

"Hindi naman, okay naman kame ni Hel and we both know the truth anyway."simpleng sagot ni Trisha.

"Eh ikaw Helios? Anong masasabe mo?" Baling nya dito pero seryoso lang ang muhka nito at hindi kakikitaan ng emosyon.

"We're good." Sagot nya gamit ang malamig na boses kaya natigilan at nagkatinginan naman kameng apat kasama ang host. Maya maya ay pilit na tumawa ang host at binalingan ako. Napansin ko din ang pasimpleng pagkausap ni Trisha kay Helios.

Ano bang nangyayare sa dalawang to?

"Kamusta ka Phoebe? Last time na nandito ka you brokedown in tears .. at kahit hindi mo sabihin, ramdam namin ang bigat at saket ng pinag dadaanan mo that time." Bakas ang lungkot sa muhka nya kaya tipid lang ako ngumiti sakanya.
"If you dont mind itatanong ko na din, the title that you sang is The One That Got Away and we all know na ang kantang yun ay dedicated para sa mga Ex or Lover naten sa past na bukod tanging hindi naten makalimutan.. at kinanta mo yun ng sobrang emotional that time na para bang pinaparating mo sakanya ang laman ng bawat lyrics,tama ba ako Phoebe?" Napalunok ako sa sobrang kaba ni hindi ko nga namalayan na ilang minuto din akong hindi nakaimik kung hindi pinisil ni Creed ang kamay ko at nginitian ako. Kaya huminga ako ng malalim at tumango.

"Yes." Tipid ngiting sagot ko.
kasabay nun ay mga bulungan. Ang iba ay nag tatanong kung sino kaya, ang iba naman pinapalakas ang loob ko.

"Ooow .. I really hope that your okay now."

"Yes .. Maayos naman na ko at dahil yun sa Pamilya at mga kaibigan ko na hindi ako pinabayaan at laging nasa tabi ko. Syempre pati ang mga taong lalong nag paramdam ng pagmamahal at suporta nila saken kahit nakita nila akong naging mahina.." nakangiting sagot ko.

"Buti naman kung ganon.. siguradong panatag na ang mga fans mo ngayon,"nag hiyawan naman ang nga fans ko na nasa studio kaya kinawayan ko sila.
"Maiba tayo, at curious talaga ako eh .. kailan lang balibalitang anak mayaman ka at galing ka sa isang napaka kilalang pamilya? Totoo bang isa kang Yilmaz?" Naging tahimik naman ang studio habang hinihintay ang isasagot ko. Huminga ako ng malalim at tumango.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now