CHAPTER 38

125 42 1
                                    

WARNING : CONTAINS MATURED SCENES

----

Katatapos ko lang maligo saka nag lagay ng skin care. Nag suot ako ng night dress dahil naisipan kong bumaba para manood ng movie 9pm palang naman may tv naman sa kwarto ko pero hindi ko naeenjoy tulad pag nasa living room ako gusto kase maingay ang Unit. Kapag sa kwarto kase parang ang lungkot ng unit ko dahil nakakulong lang ako dun.

Lumipas ang isang linggo simula ng dito nag sleep over ang mga kaibigan ko at sa loob ng isang linggo na yun wala akong ibang ginawa kundi ang maglinis ng unit ko, manood ng movies at matulog .. hindi kase ako pwedeng lumabas labas dahil masyado pang mainit ang mata samen ng mga tao. Hanggang ngayon kase wala parin kameng naririnig sa kabilang team kung anong plano nilang gawin kaya hindi na din muna ako pinag bibigay ng statement ni Glenda.

Hindi naman din ako naiinip mag isa dito actually nung isang araw lang nandito ang tatlong kuya ko. Syempre nung una puro sermon dahil bigla nalang akong umalis nung birthday ko tapos di nila ako macontact then bigla nalang may panibagong mga issues na sumulpot kaya pinaliwanag ko naman sakanila ang nangyare sa meeting and sa relasyon namin ni Helios.

Speaking of him, isang linggo na din akong walang naririnig sakanya. Hindi sya tumatawag or kahit text manlang. Kinakabahan ako at natatakot sa totoo lang. Kinakabahan kase hindi ko alam kung anong balita sakanya at sa meeting nila. Natatakot kase kahit alam kong mali hindi ko maiwasang mapaisip na baka .. baka nag bago ang isip nya? Na baka si Trisha talaga ang mahal nya at narealized nya yun nung magkita sila.

"No.. wag kang mag isip ng ganyan Phoebe! You know Helios, mahal kaya nya okay?" Parang tangang kausap ko sa sarili. Kaya para malibang nag open nalang ako ng IG.

Habang nag sscroll ako ay napatigil ako sa Post ni Trisha kakaupload lang 3hrs ago. Ramdam kong nag init agad ang sulok ng mga mata ko. Picture ni Helios at Trisha naka sakay sa kotse at kung hindi ako nagkakamali kotse to ni Helios. Nakaharap si Trisha sa camera at nakangiti habang nakaturo kay Helios na nasa Driver's seat Nakangiti din sya at kitang kita ko sa mga mata at muhka nyang sobrang saya nya... sobrang saya nila.

Caption : Look who's happy? after years of waiting .. I'm so happy too.

Napasandal ako sa couch at tulalang nabitawan ang cellphone.

A-anong ibig sabihin ng caption na yun ? Na after years of waiting narealized nilang nagmamahalan sila? Na narealized ni Helios na kay Trisha sya tunay na masaya?

"No..no! Paranoid ka lang Phoebe!" wala na kong ibang nagawa ng mag unahang umagos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak ng biglang tumunog ang buzzer ng Unit ko. Hindi ko sana papansin pero hindi tumigil sa pag bubuzzer ang tao sa labas kaya kahit umiiyak tumayo parin ako yakap yakap ang throw pillow at humihikbi kong binuksan ang pinto ng Unit ko pero nakayuko lang ako dahil ayokong ipakita ang muhka kong puno ng luha.

"Kung s-sino ka man p-pwede bang wag kana muna ngayon m-mang istorbo? G-gusto ko kas----

"What the?! Why the hell are you crying Love?!" Natigilan at natulala ang tingin ko sa sapatos ng taong nasa labas ng mag salita ito. Nagulat pa ko ng bigla nya sakupin ang dalawang pisngi ko at iangat ang tingin sakanya kitang kita ko ang pag aalala sa muhka nya.

"H-helios.." mahinang bulong ko.

"Yes? It's me Love .. tell me what happened and why are you crying?!"
Para naman akong batang umatungal sa pag iyak na kinataranta nya bigla.

"Shit! The fuck? Hey Love.. may masaket ba sayo?! Do you want me to bring you to the hospital?! .... Shit! Love please stop crying for pete's sake! You're scaring the shit out of me!" sunod sunod nyang tanong pero hindi ko agad nasagot dahil sa pag iyak naramdaman ko nalang binuhat nya ko at inupo sa couch.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt