CHAPTER 11

138 53 1
                                    

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko at ngayon ay ready na ko at inaantay nalang sila Glenda at Katy dito sa unit ko buti nalang pagkatapos naming kumaen kagabe ay tinulungan akong ng girls mag ayos ng gamet ko para sa dadalhin ko sa resort ngayon. Wala din akong Idea kung saang resort kame dahil si Glenda ang nag aasikaso nun. Nag suot ako ng mini off shoulder floral A-line dress na abot hanggang sa kalahati ng hita ko.

"Ganda na Sexy pa san kapa?" Nakangising sabe ni Leigh Ann.

"Kay Phoebe kana," natatawang sagot ni Antonette. Napailing nalang ako dahil sa kalokohan ng dalawang babaeng to. Yes,Nandito parin sila at sasabay nalang daw silang bumaba samen. "Gusto ko talaga sumama kaso boring naman kung di kasama si Leigh dahil panigurado busy naman si Phoebe." Nakangusong angil ni Antonette.

"Alam mo naman ang parents ko pahirapan pa ngang pumayag kagabe diba."

"My God girl! Ewan ko din ba dyan kila tita at tito 24 kana pero kung ituring ka akala mo 10 yrs old." nakangising sabe ni Antonette kahit ako napailing nalang. Nag kibit balikat lang si Leigh. Nang marinig ko ang Buzzer ay ako na din ang nag bukas.

"Goodmorning Miss Phoebe."nakangiting bungad ni Katy at napalingon sa likod ko at nanlake ang mga mata kaya nakangiti ako
"Nette! Leigh!" Masayang bati nito at nagyakapan sila.

"Katy! Kaloka ka namiss kitang babae ka pano kung nasan si Phoebe nandun ka din di kona tuloy nakikita inaanak ko." Nakangusong sabe ni Antonette.

"Alam mo naman kailangan kumayod may pinapagatas at pinag aaral pa ko." Tipid ngiting sagot nya.

"Tsk kase naman sabe ko nga sakanya tumigil na sya at nandito naman tayo para suportahan sya." Sabe ko.

"Oo nga Katy, Nandito lang kame pwede mo naman kame hingan ng tulong" nakangiting dagdag ni Leigh umiling naman si Katy at ngumiti.

"Malake na ang tinulong nyo saken noon sa pag bubuntis at panganganak ko palang.. lalo kana Phoebe kaya mas gusto ko ang ganito pinag tatrabahuhan ko." sagot nya. Napailing nalang kame. Ganyan talaga si Katy kaya alam naming wala na kameng magagawa.

"Asan nga pala si Glenda?"

"Nasa baba sya sa Lobby nag aantay kausap kase nya yung staff ng Hotel para sa room naten.. tara na ?" Tumango naman kame at sabay sabay na lumabas ng Unit. Naabutan namin si Glenda na nag hihintay sa lobby at kumaway samen. Nang makalapit naman kame ay nakipag beso ito saken at sa girls.

"Hey! Di ko alam na nag sleep over kayo ulet dito." Gulat na sabe ni Glenda pagkakita sa dalawa.

"Hehe biglaan lang din kase." Nakangiwing sagot ni Leigh Ann.

"Hindi naman ba kayo nag inom?" nakataas ang kilay nyang tanong.
Pare pareho kameng umiling at natawa. Paano kase sa tuwing magkakasama kame kundi pag shoshopping ay foodtrip at pag iinom naman ang bonding namin.

"Nah. Alam ko namang hindi pwede dahil may photoshoot today." sagot ko.

"Good. O'sya tara na at mahaba pa ang byahe naten." nag paalam na din sila Leigh Ann at Antonette kaya naman dumiretso na kame sa Van kinabit ko agad ang airpod at nag suot ng eye mask inaantok pa ko dahil anong oras na din kame nakatulog kagabe.

Nagising ako sa tapik saken kaya naman nag ayos ako at tumingin sa bintana pero tanging napaka gandang dagat lang ang nakita ko kaya bumaba na ko ng Van handa na sana akong lumanghap ng maalat alat na hangin at damahin ang inet ng araw pero halos mahigit ko ang hininga ko ng pag talikod ko ay bumungad saken ang napaka laki at napaka gandang Resort. Pero hindi yun ang nakapag patigil saken kundi ang naka lagay sa bungad nito ..

'YILMAZ RESORT'

"Shit!"

"May problema ba Phoebe?"
Aligaga akong lumingon kay Katy at nakangiwi.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now