CHAPTER 37

132 40 4
                                    

Maaga akong nakarating dito sa parking kung saan ang usapan namin ni Glenda. Nag pahatid ako sa driver nila Mama dahil wala naman kase sa mansion ang Kotse. Nandito lang ako sa loob simula ng dumating kame, maya maya nakita kona Kotse ni Glenda huminto sya sa tabe namin pagka baba nya kaya binuksan ko din ang pintuan para bumama at bumeso sakanya.

"Are you ready bebe girl?" kahit kinakabahan tumango parin ako. Makakaharap ko kase si Mrs Roxas ngayon. Kung dati ay panatag akong nakakaharap sya ngayon ay hindi. Dahil laman ako lagi ng balita una ay maayos pa hindi nya kame pinatawag dahil nasulusyonan din naman agad pero iba na ngayon.

Hinawakan ni Glenda ang kamay ko at sabay kame pumasok ng building. Napansin kong napapatingin sila samen well, saken lang pala. Karamihan sa mga matang nakatingin saken ay mapanuri.. kita mo sakanila ang pagka disgusto marahil naniniwala silang mang aagaw ako, desperada o isang ahas gaya ng nasa articles. Pero hindi ako nag yuko ng ulo o umiwas manlang ng tingin. Isa kong Yilmaz, hindi ako magyuyuko ng ulo para sa mga taong mapang husga. Hindi manlang inaalam ang buong storya at lalong lalo na dahil wala akong inagaw.

"Nasan si Katy?" Tanong ko.

"Hindi sya nakasama kase may saket si Kurt. Sinugod sa hospital kagabe, napaka taas daw ng lagnat." bigla akong nakaramdam ng pag aalala dahil sa sinabe nya.

"Kamusta si baby kurt? Ano daw sabe ng doctor?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hindi kopa alam eh, hindi sumasagot si Katy sa tawag ko." Umiiling na sagot nya.

"Mabuti pa, puntahan naten sa hospital mamaya baka kung anong saket ni Baby Kurt."

"Of course we will. Dont worry." Tipid ngiting sabe nya.

Huminto kame sa pinto kung saan ang room na madalas pinag memeetingan namin. Huminga ako muna ako ng malalim bago tinanguhan si Glenda na buksan ang pinto. Bumungad samen si Mrs Roxas na seryoso ang muhka habang nakatingin sa Laptop nya. Habang ang ilan naman nakangiti samen may pailan ilang palihim kung humusga ng tingin pero binaliwa ko nalang at nginitian ang iba.

"Goodmorning Mrs Roxas." bati namin sakanya. Nag angat naman sya ulo at saken agad sya tumingin .. sinara nya ang laptop saka pinatong ang dalawang siko sa mesa at pinag siklop ang mga kamay.

"Please sit down." Sabe nya gamit ang mababang boses. Naupo kame kaharap nya. "Phoebe.." Nag angat ako ng tingin ng tawagin nya ko

"Yes Mrs Roxas."

"Dederetsohin na kita. I am really disappointed in you, Nung una pinalagpas ko dahil naniniwala ako na baka kagagawan nanaman ng mga paparazzi.. binibigyan ng malisya or ineedit lahat and to think na alam ng lahat pati kame na may relasyon si Trisha at Helios Gauthier like you and Mr Creed Sandoval. Pero ano itong mga nakita kong pictures nyo ni Helios? at nasa Hotel kayo Phoebe maraming taong nakakita sainyo. I didn't expect na darating ang araw na magiging isa ka sa dahilan kung baket nag kakagulo ngayon ang Management team.." kitang kita talaga sa muhka nya na ang pagka dismaya dahil sa nangyayare. Nilibot ko din ang tingin ganun din sila ang iba ay napa iling.

"I'm really sorry Mrs Roxas, Sainyo ding lahat.. hindi ko din ineexpect na aabot sa ganito. Alam kong napaka lakeng abala nito sa lahat. Pero gusto ko lang linawin na wala akong inapakang tao o inagaw." kitang kita sa mga muhka nilang naguluhan sila sa huli kong sinabe.

"Really .. Wala kang inagaw? So tinatanggi mo ang mga nasa pictures kung saan kitang kita na pinuntahan mo si Helios sa hotel." Sarkastikong tanong ni Megan, sa lahat ng nasa Management team sya talaga ang mahirap pakisamahan dahil sa pagiging mataray at prangka nya mag salita.

"Megan.. kalma girl,medyo masaket sa tenga eh. Pinuntahan agad? Hindi ba pwedeng una palang magkasama na silang dalawa at SABAY na NAG PUNTA sa PENTHHOUSE?"sarkastiko at nakataas ang isang kilay na banat ni Glenda. Tinaasan naman din sya ng kilay ni Megan.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now