CHAPTER 18

110 44 3
                                    

"Masyado na atang malalim,"
Napatingin ako sa nag salita sa tabi ko kumunot naman ang noo ko dahil di ko gets "Kanina kapa tulala dyan di mo napapansing napag iwanan kana oh." Nginuso nya ang nasa harapan kaya tumingin ako dun tama nga sya nauuna na ng lumakad si Glenda at Katy papunta sa Lobby ng resort.

"I-iniisip ko lang kung anong masarap na kainin bukas lalo na tapos na ang photoshoot." rason ko.

"May alam akong kainan dyan sa kabilang bayan pero hindi yun yung tipong mga mamahaling pagkaen pero siguradong mabubusog ka.. ano?Punta tayo bukas?" Nakangiting tanong nya mabilis akong tumango.

"Sige ba! Pero siguraduhin mong masarap dyan ah dahil wala akong ibang gagawin bukas kundi ang kumaen ng kumaen." natawa naman sya sa sinabe ko.

"Ipupusta kotse ko." Nakangising sabe nya.

"Deal!"

Nag uusap lang kame hanggang sa makarating kame sa tapat ng unit ko kung saan nag aantay ang dalawa habang nakatingin samen.

"Akala namin wala kayong balak matapos sa kwentuhan eh." biro ni Glenda.

"Pano bukas nalang?" I nodded. "Goodnight girls una na ko." paalam nya sa dalawa at umalis na din.

"Ate Glenda mauna na ko pumasok, kanina pa din kase tumatawag ang kapatid ko." sabe ni Katy.

"Sige Katy sagutin mona baka emergency." Sagot ni Glenda.

"Goodnight Phoebe." bumeso sya saken bago pumasok sa room nila ni Glenda.

"Anong meron bukas?" Nakataas ang kilay at pabirong mataray na tanong nya saken natawa naman ako.

"Wala yun, Inaya lang nya kong kumaen dyan sa kabilang bayan."

"Kayong dalawa lang?" I nodded.

"Wag kang mag alala Glenda mag iingat naman ako." Agad na sabe ko alam kona kase ang ibig sabihin ng tingin nya.

"Siguraduhin mo lang. Mahirap madawit sa pangalan ni Creed Sandoval lalo na at kilalang mapag laro sa babae yan."

"I know. Kahit naman walang malisya ay lalagyan parin ng mga tao."tumango naman sya saka hinawakan sa magkabilang balikat.

"mag pahinga kana din, bumawi ka ng tulog tutal tapos na din naman ang photoshoot at bukas mag eenjoy nalang tayo bago umuwi." tumango naman ako saka bumeso sakanya "Goodnight bebe girl."

"Goodnight night."

Nandito ako ngayon sa veranda ng room ko habang hawak sa magkabilang kamay ko ang isang baso ng tubig at gamot.

'Anti depressants'

Mahigit isang taon na din ng mag umpisa akong uminom nito at walang nakakaalam na kahit sino sa paligid ko kahit si Mama. Ayaw kong mag alala sila saken lalo na at malayo ako sakanila palagi. Tuwing gabi ko ito iniinom para hindi mag hinala sila Glenda akala nila ay sleeping pills parin ang iniinom ko. Noon kase ay yun talaga ang meron ako.

Pagkatapos kong inumin ay sandali akong tumambay at pinag masdan ang dagat habang nirerelax ang isip ko. Nang makaramdam ako ng antok na isa sa side effect ng gamot ay umakyat na ko sa kwarto at ginawa ang mga dapat gawin saka humiga sa kama.

******
Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko at kahit inaantok pa ay sinagot ko ang tawag "Hello?"inaantok na sagot ko narinig ko namang natawa ang nasa kabilang linya.

"Wake up sleepyhead. Masarap mamasyal ngayon habang hindi pa ganun kainit."

"Creed.." wala sa sariling sagot ko ng mabosesan ko kung sino ang kausap.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon