CHAPTER 5

154 64 3
                                    

Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay ko habang titig na titig sa dalawang taong nasa gitna at magkahawak ang kamay habang kumakanta. Ang mga taong panay ang hiyaw ay tila hindi ko marinig dahil tanging naririnig ko lang sa ngayon ay ang nag wawala kong puso at halos madurog ng hawakan ni Helios ang pingi ni Trisha habang kumakanta at nakatingin sa isa't isa na akala mo ay tunay na magkasintahan.
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko ng maramdamang nag babadyang tumulo ang mga luha ko saktong pag dilat ko ay halos mapigilan ko ang pag hinga ng tumama ang paningin ko sa lalaking ngayon ay nakatingin din saken pero wala na kong mabasang emosyon hindi katulad noon.

Gulong gulo ang isip ko at puno ako ng tanong kung baket sya nandito.
Kung anong sumagi sa isip nya at pinasok nya ang magulong industriyang ito. Paano ang pamilya nya? Pumayag ba ang mga ito? Lalong lalo na ang Grandparents nya.

Natauhan ako ng mag palakpakan ang mga tao at tumayo sila Tita Vicky at Tito Joe para makipag kamay sa dalawang taong nakalapit na pala samen napatingin nalang ako sa ibaba para itago ang halo halong emosyon na alam kong kita sa muhka ko ngayon.

"Hi Phoebe!" Napaangat ako ng tingin ng bigla akong batiin ni Trisha at aktong bebeso kaya naman napatayo ako ng bahagya para hindi sya mahirapan pero ang hindi ko inasahan ay ang sunod na lalapit saken nahigit ko ang pag hinga ko ng maramdaman sa bewang ko ang isang braso nya at halos dumikit sa gilid ng labi ko ang labi nya na dapat ay pag beso nya lang pero dahil nakatagilid ay alam kong hindi yun kuha sa camera.

"Helios." sabe nya. Gamit ang malamig na boses na pagpapakilala saken pagkatapos nyang humiwalay at nilahad ang kanang kamay nya saken.

Umayos ka Phoebe! Limang taon na ang nakalipas dapat umakto ka ng Normal dahil ikaw ang may gusto nito.

Huminga ako ng malalim bago nag salita "hello, I'm Phoebe nice to meet you." nakangiti kong sagot sakanya.
Sabay kameng naupo pagkatapos.

Hindi ako mapakali ng umusog si Trisha sa kabilang side at ngayon ay sa gitna namin naupo si Helios.
Ramdam kong tumayo ang balahibo ko ng magdikit ang mga braso namin kaya naman pasimple akong tumagilid para makaiwas pero kumirot ang puso ko ng dumako ang tingin ko sa likod ng dalawa dahil ang kanang braso ni Helios ay nasa sandalan at parang halos nakaakbay na sya kay Trisha. Muhka talaga silang close sa isat isa, wala sa sariling napatingin ako sa kaliwang wrist nya at umaasanag nandun parin ang tattoo na kaparehas ng saken pero hindi makita dahil may suot syang relo. Kaya napahawak nalang din ako sa left wrist ko na may sout ding relo.

"Grabe! Nakakakilig kayong dalawa Trisha and Helios." sabe ni Tita Vicky.

"Oo nga. Lalo na yung pa hawak hawak sa pisngi ni Trisha at pag holding hands naku!" dagdag ni Tito Joe.

Nag hiyawan naman ang mga fans ni Trisha dahil sa kilig at Sumisigaw ng
"TrisHel" napaiwas nalang ako ng tingin at pilit nag fofocus sa pag uusapan na nasa harapan ko.

Sana matapos na to ..

"Salamat po! Salamat sainyo at nagustuhan nyo ang performance namin ni Hel." Nakangiting sagot ni Trisha.

"Wow! Hel? Muhkang close na close kayo ah. Matagal na ba kayong magkakilala or you know.. may something sainyo?" Nakangiti ng nakakaloko at taas baba ang kilay na tanong ni tito Joe.

Phoebe wag kang papaapekto!

"Naku tito Joe kayo talaga!Magkaibagan lang po kame ni Hel."

"Magkaibigan? Parang hindi naman Diba Phoebe?" Nagulat ako ng bumaling saken si Tita Vicky at pinilit kong maging masigla at ngumiti,

"Oo nga po. Ang sweet nila."

Shet ! Torture !

"Hindi na kame mag tataka kung isang araw ay mabalitang 'from friendship to Dating' na ang status nyong dalawa lalo na at bagay na bagay kayo!" tita Vicky said.
Ngumiti lang ang dalawa at napansin kong napatingin si Trisha kay Helios at namula kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now