CHAPTER 41

124 41 2
                                    


"Aaaaaww! Ang sweet!"

"Ang cute nila!"

"Little Phoebe and Little Helios."

"Sila ba yan?"

"Oo kaya!"

"Talaga palang magkababata sila no?"

"Oo nga eh ang sweet naman .."

Dinig kong bulungan sa paligid.
Nakangiti ako at pinapanood ang mga pictures namin ni Helios noong mga bata pa kame na pinapakita sa Big screen sa likod nya. Maya maya tumigil yun sa picture nung nag highschool na kame. Nagsalita sya sa mic kaya nabaling sakanya ang atensyon ng lahat.

"Hi?" Awkward na bati ni Helios sa lahat na kinatawa ng iba pati kame.
"Sorry, I just feel awkward after what happened earlier. Pero dahil naipaliwanag na din naman ni Trish. May dalawang bagay pa sana akong gustong sabihin if that's okay with you guys?" Samut saring hiyawan naman ang tugon ng mga tao sa paligid kaya.

"Thankyou." he smiled then he searched for my eyes. Lumawak ang ngiti nya ng magtagpo ang mata namin lalo din tuloy akong napangiti.
"First .. as you can see, nasa likod ko ang mga pictures namin ng childhood sweetheart.. Bestfriend .. Girlfriend and hopefully future wife ko. You all know her of course. I am so freaking happy and excited that now I can proudly tell and shout to the world that she's my girl .. she's mine.. only mine again after 5 years of waiting and hoping. I am so proud to be able to call you My Love again .. Phoebe Maureen Cardona Yilmaz.. I Love You so damn much."

Nag hiyawan ang mga tao dahil sa sinabe nya nag umpisa namang mang asar ang mga kaibigan ko pati si Trisha ay tinutukso din ako na may kasamang sundot pa. Samantalang ako ay walang tigil ang pag iyak habang nakangiti. Sobra sobrang saya at ginhawa ang nararamdaman ko sa mga oras na to na parang lahat ng bigat saket takot na tiniis ko ng limang tao ay nawala ng parang bula.

"I love you too.." Bulong ko sa hangin habang nakatingin sakanya na kinalawak ng ngiti nya.

Natahimik ang lahat ng mag umpisa syang mag tipa sa hawak na gitara at hindi inaalis ang mga tingin saken ganun din ako na parang kameng dalawa lang ang nandito ngayon. Hanggang sa muli ko nanamang narining ang napaka lamig at magandang nyang boses na nakapag pabilis lalo sa tibok ng puso ko tulad dati tuwing kinakantahan nya ko.

🎶I found a love for me
Darling , just dive right in and
Follow my lead .. Well ,
I found a girl. Beautiful And sweet
Oh, I never knew you were that
Someone waiting for me ..

Nalipat ang tingin ko sa big screen ng mag umpisa ulet na mag play ang mga pictures namin nung high school. Pictures nung sinagot ko sya, pictures kung gaano kame lalong naging sweet and pictures kung saan ang debut ko na sya ang partner ko maging ang both family namin ay nandun din at yung time na katatapos lang magawa ang tattoos namin..pareho kameng nakangiti sa camera habang pinapakita ang kaliwang kamay.

🎶Cause we were just kids
When we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time ..
But darling , just kiss me slow
Your heart is all I own and in your eyes, you're holding mine ..🎶

Muling nag tama ang mga mata namin kahit malayo layo ay nakikita ko ang kislap na punong puno ng pagmamahal at saya sa kulay aboy nyang mga mata. Parehong hindi maalis ang ngiti sa mga labi namin kahit na patuloy ako sa pag iyak. Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa high chair saka nag lakad habang kumakanta kahit wala na syang mic patuloy parin sya na para bang saken lang naman nya gustong iparinig at ako lang nakikita nya. Halos hindi kona marinig ang iba dahil sakanya lang naka focus ang buong atensyon ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora