CHAPTER 28

120 45 2
                                    

Mabilis na lumipas ang isang buwan at naging maayos naman ulet ang naging takbo ng buhay ko. Mas lalong dumami ang mga endorsement company na gustong kumuha saken. May bagong kanta din akong kalalabas lang at halos maubos agad ito sa mga stores. Kay Creed naman, well nag improved naman ang samahan namin but not what you think it is. Naging mas close lang kameng dalawa, halos kabisado na nga nya ko .. kapag wala ako sa mood, masaya or malungkot nahuhulaan nya agad kaya hindi din ako makapag sinungaling sakanya. Halos araw araw nakatambay sa condo ko pero syempre kasama namin si Katy na madalas kasama si baby Kurt nakakatuwa nga dahil close na close ito kay Creed.

"Baby ready kana? Nag hihintay si Payton sa parking." Tanong saken ni Kuya Primo na nasa sala ng Unit ko and yes hindi na din naman tago sa mga tao na kapatid ko sila. Kaya malaya na silang makapunta dito at nakakalabas na din kame ng magkakasama tulad ngayon kasama ko silang pupunta sa Mansion dahil 24th birthday ko na bukas at gusto ni Mama na dun ko icelebrate dahil nag invite daw sya ng mga bisita.

"Yes kuya tara na."

******
"Sino sino ba kase ininvite ni Mama? Sabe ko naman kase hindi na kailangan. Simpleng salo salo lang okay na saken basta kasama ko kayo." Tanong ko sakanila habang ang mata ay nakatutok sa facebook. Private account ko ito, dito ako nag aaccept ng mga friends,family and relatives napakatagal na din ng gamitin ko to. Ang Public account ko kase ay pang work at mga kasama ko sa industry ang nandun.

Nasa byahe na kame ngayon papuntang mansion iisang sasakyan lang ang ginamit namin dahil sabe ni Kuya Payton sya din naman daw mag uuwi saken. Nag sscroll ako sa news feed ng mapatigil ako sa isang picture wala sa sariling clinick yon at zinoom.
Napatitig ako sa muhka nya.. kung hindi ako nag kakamali nasa veranda sya ng Mansion nila sa America nakatagilid sya at bahagyang nakarap lang ang ulo kaya half face lang ang kita nakatukod naman ang parehong siko nya sa railings habang nakapatong ang baba nya sa magkasiklop na kamay. Sa kanan naman nya ay nakaharap at kunwaring sad face na si Heather, ang lake na ng pinag bago nito .. dati ay sobrang kikay at puro pink ang suot ngayon makikita talagang nag matured na sya .. kakapost lang din 2 days ago binasa ko naman ang Caption.

'Aaww! My brother is so sad coz he miss her so much..'

Ganon ba nya kamiss si Trisha?

Napangiti nalang ako ng mapait. Natural girlfriend nya eh pero sa totoo lang wala talaga akong balita kung kamusta na ang relasyon nila kung dati ay palaging may mga guesting,shoots or recording silang pinupuntahan na magkasama ngayon ayaw wala. Simula nung araw na ng interview ay hindi na ko nakarinig ng new projects nilang dalawa maliban kay Trishia dahil sa pagiging artista nito. Ang narinig ko nalang after 2 weeks ay umuwi si Helios sa US at hanggang ngayon ay nandun parin sya.

"Naririnig mo ba ko baby?" Napakurap ako saka tumingin sa rear mirror nakakunot ang noo ni kuya Primo. "I guess not." dagdag nya.

"Sorry kuya may nakita lang kase ako, ano nga ulet yun?" Nakangiwing tanong ko.

"Sabe ko, ininvite din ni Mama ang Gauthier Family. Sinabe ko lang kase baka magulat ka mamaya." kibit balikat na sabe nya. Natulala ako ng ilang segundo bago tumango.

Tumingin nalang ako sa bintana ng kotse at napaisip, limang taon na din ng huling makita at makausap ko sila. Isa sila sa iniwasan ko noon dahil ayaw ko makarinig ng kahit ano tungkol kay Helios noon at dahil alam kong susundan nya ko kung alam nya kung nasan ako ng panahon na yun.

Baket ba ko kinakabahan na makita sila ? Eh wala naman yung taong iniiwasan ko noon at nasa US kaya ayos lang naman.

"We're here." lalo akong nakaramdam ng kaba ng huminto na pala ang kotse sa parking ni Kuya Payton. Sabay sabay kaming bumaba inakbayan naman agad ako ni kuya Primo habang nasa likod si kuya Payton.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now