SPECIAL CHAPTER - HELIOS AND PHOEBE

116 28 14
                                    

N/A : This chapter is dedicated to
@Alhieros08 @gooimo192 @imyours120 @sisterakas_much

Thank you so much sa walang sawang pag comments and votes sa APT dito sa watty!

And sa mga readers and supporters ng APT sa FB na wala ding sawang mag comments kahit ang ingay na naten dun 😂 Thank you soooo much!

Sana magustuhan nyo to muuah!

~~~~

"Hey bro relax! Para kang sinisilaban ng apoy dyan." Natatawang sabe nito sabay tapik sa balikat ko. Hindi ko magawang tumawa sa biro nya. Bukod tanging naririnig ko lang ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko habang sulyap ng sulyap sa aisle kung nandun na ba ang pinakamamahal kong babae.

"Hindi ka tatakbuhan nun kahit pinilit na namin sya kagabe." mabilis akong lumingon kay Primo sa pagkakataon na to saka sya pasimpleng sinuntok sa balikat. Mahirap mang aminin pero sya ang best man ko.

"Ass-asong gala ka!" Mahinang singhal ko sakanya at di maituloy ang sasabihin dahil napatingin ako sa Pari. Kinatawa naman nya kaya napatingin samen ang mga magulang ko pati ang mga kaibigan namin maging sila Payton at kuya Pierre. Nakita ko ding sinamaan sya ng tingin ni Antonette at Mom na buhat ang walong buwan naming anak ni Phoebe na si Hellion Zeus habang buhat naman ni Dad ang kambal nito na si Hunter Zayn.

"Pakyu ka bro kasalanan mo kase."

"Masunog ka, katabe ka pa naman ng altar." nakangisi kong asar sakanya.

"Palibhasa pangalan mo palang sanay na sa inet kaya di kana takot." nakangising bawi nya na kinailing ko nalang saka huminga ng malalim habang hinihintay na mag umpisa.

"Anyway, Buti naisip nyo 'dito ikasal sa resort..ayos din pala." napangiti ako.

"Yeah.. it's our dream wedding, isa pa nangako kame sa isa't isa na wala kameng ibang itatayong alaala dito kundi masasaya at espesyal lang at magkasama kame."

Hindi pa man sinasabe saken ni Phoebe na gusto nya ditong ikasal, alam kona noon palang dahil pangarap ko din na dito kame maikasal kung saan napaka espesyal ng lugar na to para samen.

"Wow.. iba na talaga nagmamahalan." Naiiling nyang sagot. Napangisi naman ako.

"Baket nagmamahal ka din naman diba?" Natawa ko ng bumusangot ang muhka nya.

"Shut up." sagot nya. Napailing nalang ako saka tumingin ulet sa bungad ng aisle.

Nakikita ko ng nag hahanda ang lahat sa bungad ng Aisle pero hindi ko makita ang babaeng pakakasalanan ko. Isang linggo kameng hindi pinagsama ng mga magulang namin kahit na sa Penthouse ko sila nakatira pinauwi talaga sila sa Mansion ng mga Yilmaz dahil bawal daw kaya naman sabik na sabik akong makita sila.

"Seriously bro wag kang mag alala kagabe pa yun hindi makatulog sa sobrang excitement para sa araw to at para makita ka." Napangiti ako sa sinabe nya saka tumango.

"I am too.. Halos wala din akong tulog mag damag kakaantay na sumikat ang araw dahil sa wakas .. mapapakasalan ko na ang nag iisang babaeng mahal na mahal ko." sagot ko sakanya na akala mo nakalutang ako sa ulap sa sobrang saya. Nakangising umiling naman sya.

"Ang cheesy bro!" Natatawang sabe nya pero sumeryoso din naman "But seriously, I wanna say thank you dahil nagawa mong hintayin at patuloy na mahalin ang kapatid sa kabila ng pag iwan nya sayo." Nakangiti akong umiling.

"Ako man ang iniwan nya pero alam kong saaming dalawa, sya ang mas nasaktan ng todo. Sya ang nag sakripisyo kahit alam nyang sobra syang masasaktan pero para saken at para sa mga taong mahal ko at mahal din nya kaya nya ginawa yun.. kaya hindi moko dapat pasalamat bro, dahil alam kong walang katumbas ang saket na dinanas nya kahit pa ang ilang taon kong pag hihintay sakanya."

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now