CHAPTER 21

113 42 13
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula ng makauwi kame galing sa Resort.
Isang linggo na din nakalipas ng makita at masaksihan ko yung kay Trisha at Helios. Sa buong linggo ay wala akong ginawa kundi ang abalahin ang sarili ko para lang maiwasan kong maalala yun kaya kahit pagod na ko sa ilang schedules ay hindi ko ininda at pinilit ko paring tumanggap pa ng iba kahit si Glenda at Katy ay nag tataka na din saken at nag aalala.

Sa sobrang busy hindi na ko nakakapag Cellphone o social media kanina ko lang na check pero hanggang messenger lang at sobrang pag tataka ko dahil tadtad ako ng chats galing sa mga kaibigan ko pati na din sa pamilya ko at mas lalong tadtad galing kay Creed tinatanong nila kung nakapag bukas naba ako ng Facebook at kung kamusta daw ba ko. May missed callls din galing kila kuya. Pero kahit isa ay hindi ko nareplyan dahil bukod sa nag tataka ay maaga din kameng naging busy kanina dahil sa isang saglet na photoshoot then ngayon ay nasa back stage kame para sa guesting ko maya maya.

"Bebe girl, baka naman magkasaket kana nyan. Puro ka nalang trabaho halos hindi kana nakakakaen ng tama."

"Okay lang ako Glenda. Naboboring kase ako kapag may bakanteng oras ako."

"Pero kailangan mo din mag pahinga Phoebe." seryosong sagot nya at tinawag na nya ko sa pangalan ko kaya tumango ako bilang pag suko.

"Okay.. promise after ng guesting ko bukas di na muna tayo tatanggap. Okay na?"

"Yeah! Good girl." natigil kame sa pag uusap ng biglang dumating si Katy at lakad takbo ang ginawa nito habang bitbit ang Ipad "Nyare sayo Katy?"

"Tingnan nyo dali! Trending ngayon oh." kinuha ko naman ang ipad sakanya at tiningnan kung anong tinutukoy nya pero natulala lang ako dahil sa nakita ko "grabe! Hindi ko napansing wala sila nung gabe na yun kase medyo may tama na din ako dahil sa nilaro naten."

"Patingin nga!" Naramdaman ko nalang kinuha ni Glenda sa kamay ko ang Ipad "kaya naman pala eh! Sabe na nga ba masyadong close ang dalawang to at di mapag hiwalay."

"Pero bagay naman sila diba Ate Glenda? Pansin ko din yung mga pag alalay ni Helios kay Trisha eh."

Oo. Si Helios at Trisha ang laman ng Article at buong social,media mga pictures nila nung nasa Resort kame meron nung iniwan namin sila ni Creed sa restaurant at muhkang dinner date ang dating. Meron din na nakaangkla ang braso ni Trisha dito habang nag lalakad at kung ano ano pa yung iba ay crop photos pero ang mas dumurog saken ay ang isang picture. Hindi ko alam kung sino at paano pero may kumalat ng Pictures nila nung gabeng nasa garden sila kung saan ko sila nakita pero ang pinaka masaket saken ay yung picture kung saan biglang hinalikan ni Trisha si Helios kung titingnan sa picture muhka talaga silang magkarelasyon Nakahawak ang isang kamay ni Trisha sa pisngi ni Helios at ang isang kamay sa batok nito samantalang ang ang isang kamay ni Helios ay nakahawak sa balikat nito.

So kaya pala tadtad ako ng chats and text dahil dito..

"Hala girls dali! Panoorin naten to naka live interview si Trisha at Heli--ayy! Excited?" Wala sa sariling kinuha ko sakanya ang Ipad at pinanood ang Live interview magkatabe sa isang sofa ang dalawa habang nasa gilid si Josie ang reporter naman ay nasa haapan nila.

"So, siguro naman ay aware na kayo dun sa kumalat na pictures nyo na nasa isang Resort kayo tama ba?"
Tumango naman ang dalawa pero si Trisha ang sumagot.

"Yes po. May Photoshoot po kase kameng ginawa dyan with my team at kapwa endorcer." nakangiting sagot nya "and regarding naman dun sa photos Yes nakita na nga po namin last night."

"So .. Any comment about the photos? Sasagutin nyo naba ang tanging tanong ng mga tao lalo na ang mga fans nyo. Ano na nga ba ang status nyo? Are you guys dating o baka naman kayo na talaga?"

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now