Playboy

667 43 3
                                    

ANNIKA

RAMDAM KO ang maya't mayang sulyap ni Andrus sa akin habang kumakain. Minsan ay pinapatulan ko ngunit madalas ay hinahayaan ko na lang.

"Pasensya na, hija..." biglang sambit ni Tita Aurelia sa babaeng sundalo na kasama ni Andrus. Ano nga ulit ang pangalan niya? "Hindi kasi ako sanay na may babaeng dinadala rito ang anak ko."

Akala ko talaga pagagalitan na ni Tita Aurelia si Andrus kanina dahil nadatnan namin ito na may kasamang babae sa bahay nila. Akala ko sasabihin ko na kay tita na,

"Nasaan na po ang sinasabi mong Andrus na masungit at seryoso sa kanyang trabaho kaya walang panahon sa ibang bagay? Tita, babaero po ang anak n'yo!"

Pero nag-explain agad si Andrus kung bakit may kasama itong babae. Naniwala naman si tita kasi nakita rin niya ang namamagang binti nito. Inirapan ko iyon.

Mukha bang ospital ang bahay nila? Kung masama ang lagay ng babaeng kasama niya, dapat sa ospital niya dinala at hindi rito.

"Naku, ayos lang po, ma'am. Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya. Wala po dapat ako rito pero nagmagandang-loob si Technical Sergeant Dela Cerna na patuluyin ako upang bigyan ng paunang lunas sa sakit ng binti ko. Pasensya na po talaga.." magalang na tugon ng babae.

Uminom ng tubig si Andrus bilang pagtatapos. "Iuuwi ko na siya, Ma."

Binitawan ni Tita Aurelia ang hawak na kutsara't tinidor. Doon ko lang napansin na tapos na rin pala siya kumain. Ako na lang ang hindi pa!

"Paano? Nasaan ba ang sasakyan mo, Andrus?"

"Magta-tricycle na lang kami."

Tumikhim si Tita Aurelia bago hinarap muli ang babae. "Saan ba ang bahay mo, hija?"

"M-Makalagpas lang po sa bahay ng mga F-Faustino..."

Natigilan ako sa pagkain. Pag-angat ko ng tingin, napakurap ako nang makitang nakatingin silang lahat sa akin. Umiwas agad ang babae habang si Andrus nama'y seryoso pa rin ang mga mata. Si Tita Aurelia lang ang tumitig sa akin na para bang nanghihingi ng pabor.

"Why, tita?" tanong ko dahil mukhang may pinapahiwatig talaga siya.

"Puwede ba nating isabay sa pag-uwi si Lauren mamaya?"

Nanlaki ang mata ko bago tumingin kay Andrus na nakakunot na ang noo habang nakatingin sa ina. Mukhang pati siya'y tutol sa gustong mangyari nito.

"Ma, hindi na kailangan."

"Ano ka ba, Andrus! Madadaanan din naman ang bahay ng kaibigan mo. Mas mabuting isabay na namin siya, kung ayos lang kay Annika..."

Sa totoo lang ay hindi ayos sa akin! Ano'ng akala nila sa sasakyan ko? Taxi? Private service?

Pero dahil si Tita Aurelia ang humihingi ng pabor, ano'ng magagawa ko?

"H-Huwag na po," biglang sambit ni Lauren. "N-Nakakahiya naman kay Miss Annika.."

Miss Annika? Wow! Wala akong natatandaang pinakilala ko ang sarili ko sa kanya kaya hindi ko akalaing kilala niya ako. Well, dala ko ang apelyido ni Papa kaya hindi na dapat ako magulat.

Tinaasan ko siya ng kilay bago uminom ng tubig at punasan ng tissue ang bibig. "Fine. Ihahatid ka na namin."

Lumapad ang ngiti ni Tita Aurelia at magiliw na nagsalita, "Salamat, Annika! Ang bait mo talagang bata!"

Napangisi ako.

Mabait? Mabait lang naman ako dahil sa kanya. Kung hindi niya sinabi 'yon, hindi ako mag-o-offer ng tulong sa mga sundalong ito.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon