Sound

542 26 2
                                    

ANNIKA

MASAKIT ANG buong katawan ko paggising. Sinubukan kong gumalaw ngunit kahit ang kamay ko'y hindi ko maramdaman. Matagal bago ko napagtanto na nakatali ang buong katawan ko sa isang upuan. Ang kamay at paa ko ay pareho ring nakagapos nang mahigpit.

"Ate!" Punong-puno ng kaba at takot ang mga mata ng kapatid ko habang nakatitig sa akin. Pawis na pawis siya at mukhang kanina pa nagbabantay para sa paggising ko. "Ate, are you okay?"

Dahil sa tanong niya, biglang nanumbalik sa alaala ko ang huling nangyari.

May humampas sa ulo namin ni Finian kaya parehas kaming nawalan ng malay. Ngunit bago ako makatulog, nalingunan ko si Norman na may hawak na baril na ginamit niyang panghampas sa amin.

And now, we're here in the middle of nowhere. Nakakulong kami sa isang kuwarto. Walang ilaw. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag ay ang ilaw galing sa bilog na buwan na tumatagos sa bintana.

"Ate, are you okay?!" pagalit na tanong ng kapatid ko. Napatingin ulit tuloy ako sa puwesto niya.

Gaya ko, nakaupo rin siya sa upuan habang nakatali. Ang paa at kamay niya'y nakagapos din. Siya ang natatamaan ng ilaw ng buwan mula sa bintana kaya kitang-kita ko ang itsura niya. Nasa bandang sulok ako ng kuwarto, pinagkakaitan ng liwanag.

Magkalayo ang puwesto namin kaya naiintindihan ko ang iritasyon na nararamdaman niya. Hindi niya ako makita nang maayos dahil walang ilaw sa bandang puwesto ko.

"Fin, where are we?" tanong ko sa garalgal na boses. Bukod sa masakit ang lalamunan ko dahil sa lamig ng panahon, uhaw na uhaw rin ako.

"Oh, thank God!" mahinang bulalas ni Finian. "You're finally awake! Kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising. I-I thought..."

Umupo ako nang maayos kahit nahihirapan. Sinubukan ko ring gumalaw at ialis ang sarili sa dilim para naman makita niya ako nang masinsinan. Kaya lang, hirap na hirap akong kumilos dahil sa higpit ng pagkakatali sa akin.

"Don't move," utos niya nang marinig ang paglangitngit ng upuan ko sa sahig. "Baka marinig tayo ng mga nagbabantay sa atin."

Napabaling tuloy ako sa pintuan na nagliliwanag ang gilid dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas. Dahil yata roon natuon ang atensyon ko, bigla akong nakarinig ng mga boses. Ngayon, alam ko nang may tao nga sa labas.

"Nasaan ba tayo?" ulit ko.

"I'm not sure," pabulong niyang sinabi. "Base sa naririnig ko sa labas ng bintana, parang nasa labas tayo. I'm not really sure."

"Nasa labas?"

"Yes. The temperature here is cold because of the wind coming from that window." Inangat niya ang tingin sa bintana kaya mas naging klaro sa akin ang mukha niya. "And based on my observation, this room is made of wood kaya kaunting galaw lang natin, siguradong maririnig nila agad. Bukod doon, nakaririnig din ako ng mga kaluskos sa labas. I think we're not located inside of a house. We're in the outside."

Mukhang kanina pa siya gising kaya ang dami niyang nasasabi.

"I'm thinking that we can escape from here through that window. Kaya lang, ayaw kong umalis nang hindi kasama si Papa."

Si Papa! Oo nga pala! Kasama rin namin siya kanina! Kung wala siya rito, nasaan kaya siya?

Bago ko pa matanong 'yon, biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Napasinghap kami ni Finian dahil sa gulat.

Pumasok si Hugo Ceja kasama si Norman at... Papa! May dalawang lalaki sa likod ni Papa na tila nagbabantay sa bawat kilos niya.

Namilog ang mata ni Papa nang makita ang kundisyon namin. Ramdam kong gusto niyang lumapit ngunit pinanatili niya ang posturang kalmado.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon