Black

420 21 1
                                    

ANNIKA

NAKAPALIBOT KAMI sa parihabang lamesa sa opisina ni Inspector Dorantes. Siya ang nasa kabisera habang kami naman ni Finian ang nasa magkabilang gilid niya. Katabi ko si Andrus habang si Damian nama'y nasa tabi ni Finian.

Kahapon nangyari ang pag-kidnap kay Papa kaya agaran ang pagluwas namin ni Lisa kahit na dapat ay sa susunod na araw pa. Si Damian ang gumawa ng paraan para mangyari 'yon. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon dahil mas nanaig sa akin ang takot para sa kalagayan ng kapatid ko. Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa isipan ko nang tumawag siya kaya hindi ako makampante.

"Kailan ka pa tinawagan para roon?" tanong ni Inspector Dorantes kay Damian, tinutukoy ang taong nang-blackmail dito.

Sinabi na ni Damian ang tungkol sa nalalaman niya dahil kinausap ko siya tungkol sa nangyari kay Papa. Siya ang agad kong tinawagan pagkatapos akong tawagan ni Finian dahil alam kong malaki ang maitutulong niya. Laking pasasalamat ko dahil nasa byahe na siya papuntang Elena no'ng araw na 'yon.

"Last week pa."

"At nasa Elena ka noong tinawagan ka?"

"Nasa Maynila ako no'n dahil ako ang representative ni Papa para sa mga meeting niya. Hindi kasi siya makadalo dahil kasama niya ang mga municipal and barangay officials para sa paghanda sa paparating na bagyo."

"At wala kang pinagsabihan na kahit sino noong unang beses na tumawag siya sa 'yo?"

Nagtama ang mata namin ni Damian. Pakiramdam ko tuloy biglang lumamig ang paligid. Wala akong makita roon kundi kadiliman. Alam ko ang sagot sa tanong ni Inspector Dorantes ngunit hindi ko alam kung bakit kabado pa rin ako.

"Wala akong pinagsabihan dahil abala ang lahat sa rescue operation. At isa pa, I did my own investigation. Marami akong kakilala na puwedeng tumulong sa akin bukod sa inyo para mahanap ang taong 'yon."

"Kahit si Papa, hindi mo nakausap?" garalgal na boses ng kapatid ko. "Hindi mo sinubukang lapitan siya at kumbinsihin na palayain si Lorenzo gaya ng gusto ng nang-blackmail sa 'yo?"

"Why would I do that?" kunot-noong tugon ni Damian. "Isang kriminal tapos tutulungan kong makalaya? Have you forgotten that he's also the one who killed your mother? At isa pa, do you think makukumbinsi ko ang tatay mo?"

Hindi nakaimik ang kapatid ko. Mataman lang siyang tumitig kay Damian na ngayo'y nababalutan ng matinding galit dahil sa nangyayari ngayon.

"Hindi ko lang akalain na dahil sa hindi ko pagsunod, gagawin niya ito kay Mayor Alvaro," dagdag ni Damian habang nagngangalit sa galit. "Sinubukan kong paniwalain siya na kinukumbinsi ko nga si Mayor Alvaro para mapahaba ang pag-uusap namin. Kailangan kong gawin 'yon para mabigyan ng sapat na panahon ang team ko upang hanapin siya. Kaya lang, ganito ang ginawa niya. I didn't see it coming."

"Kung gano'n, ano ang resulta ng imbestigasyon mo?" si Inspector Dorantes na nakatitig nang diretso kay Damian.

"Nahanap namin ang location ng number."

Napatayo ako nang diretso roon habang si Finian nama'y napaharap nang maigi kay Damian.

"Saan?" Naunahan ako ng kapatid ko magtanong.

"Dito sa Santa Fe," walang pag-aalinlangan niyang sagot na nagpasinghap sa akin. "Nang subukan naming i-narrow down ang location, hindi na namin ito ma-trace. Nakuha na nila si Mayor Alvaro kaya siguro hindi na active ang number."

Natulala ako sa blangkong lamesa. Galit ako ngunit mas lumala 'yon nang marinig ang sinabi ni Damian.

Hindi ako makapaniwalang nandito lang sa Santa Fe ang taong dumukot kay Papa! Mas lalo lang umigting ang kagustuhan kong hanapin ang kinaroroonan nila.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon