Indenial

611 34 4
                                    

ANDRUS

"Alam n'yo, malakas talaga ang kutob ko, eh! Sure ako na sila nga 'yong mga holdaper na hinahanap n'yo. Ilang gabi ko na rin sila minamanman at kakaiba talaga ang mga kilos nila."

NAGKATINGINAN KAMI ni Spencer sa inihayag ni Dajani. Parehas kasi kaming hindi naniniwala na may kinalaman ang mga nakita ni Dajani sa hinahanap naming kasabwat ni Danilo Dimaano. Ito ang mga dahilan kung bakit may agam-agam kami:

1. Hideout. Gaya nga ng konklusyon ko noong unang beses kong narinig ang sumbong ni Dajani, imposibleng magtago sila sa lugar kung saan malapit ang bahay ng mga Faustino, at sa mismong tabi ng bahay ni Dajani. Kung ako ang holdaper, hinding-hindi ako lalapit sa mga taong naghahanap sa akin. Mahigpit ang security sa bahay ng mga Faustino at hindi ako papayag na mahuli nila ako. At isa pa, hindi rin ako magtatago sa lugar kung saan malapit ako sa bahay ng isang sundalo.

2. Kung sila iyon, bakit hindi sila hinuli ng mga pulis na sumagawa ng search operation? Ayon sa report ni Spencer, inuna nilang imbestigahan ang bayan ng Santa Fe dahil dito naganap ang holdup. Lahat ay nalibot nila, maging ang lugar kung saan nakatira si Dajani. Cleared ang lugar nila dahil wala roon ang mga sasakyang hinahanap namin.

3. Kung isusumbat ni Dajani na walang plaka ang mga sasakyang iyon gaya ng mga sasakyang nakita sa CCTV, masasabi kong hindi iyon matibay na ebidensya. Ayon sa imbestigasyon ni Spencer, wala pa raw available na plaka para sa mga sasakyang nakita ni Dajani kaya madaling araw ito bumyahe para hindi mahuli. Nagpresinta rin ang may-ari ng sasakyan ng mga papeles para tumibay ang kanilang statement. Humingi pa sila ng paumanhin dahil mali rin ang ginawa nilang pagbyahe na walang plaka.

Case closed na ito para sa amin ni Spencer ngunit hindi para kay Dajani. Malakas ang kutob niya na ang mga lalaking nakita niya ay may kinalaman sa mga hinahanap namin.

Suminghap si Spencer bago ginalaw-galaw ang kanyang swivel chair. Nakatitig siya kay Dajani na nakatayo ngayon malapit sa white board. Nakaupo naman ako sa harap ng lamesa ni Spencer, pilit iniiwas ang tingin kay Dajani dahil nararamdaman kong uulitin ko na naman ang sinabi ko kanina. Ayaw ko na ulitin dahil mauubos lang ang oras namin.

"Dajani, case closed na ito," malumanay ngunit mariing sambit ni Spencer. Para bang gusto niyang dahan-dahanin ang pagbigkas ng mga salita upang tumatak ito sa isipan ni Dajani. "Pero kung gusto mo talagang patunayan na sila ang hinahanap namin, sige, mag-imbestiga ka. Ngunit sinasabi ko na sa 'yo, mag-aaksaya ka lang ng oras. At isa pa, pagagalitan ka ni Captain Cervantes."

"Kaya nga sinasabi ko ito sa inyo para kayo ang mag-imbestiga! Hindi ako papayagan ni Captain Cervantes dahil delikado, at alam ko 'yon. Hindi ako susuway sa kanya pagdating sa ganito ka-seryosong kaso."

"Tapos na, Dajani. Nag-imbestiga na ako at case closed na ito." Dinampot ni Spencer ang isang white folder sa kanyang lamesa upang ibigay kay Dajani. "There. Nandiyan ang resulta ng ginawa kong imbestigasyon. Ayaw ko sana ipakita sa 'yo 'yan dahil hindi ako nagbibigay ng pribadong file pero dahil makulit ka, ayan. Basahin mo para maintindihan mong maigi."

Tumahimik si Dajani upang basahin ang laman ng folder. Nakakunot ang noo niya at parang naghahanap pa siya ng mali sa resulta ng imbestigasyon para lamang mangyari ang gusto niya. Inilingan ko 'yon at muling tinuon ang atensyon sa binabasa kong profile ni Brando Ramos.

Naghahanap ako ng clue kung saan ko siya puwedeng makita ngunit wala. Walang nakalagay rito kung saan siya kasalukuyang nakatira. Pinuntahan ko kahapon ang dati niyang tirahan bago siya makulong ngunit matagal na raw siyang wala roon.

Kaya naman sinubukan kong hingiin ang detalye ng naging kaso niya. Napag-alaman ko na kaya siya nakulong dahil pinatay niya ang kanyang asawa at dalawang anak. Nalulong daw kasi ito sa bisyo, pagsusugal, at droga.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon