Desperate

476 32 3
                                    

ANNIKA

"Hindi malubha ang lagay ni Papa. Natamaan daw siya ng bala sa binti habang si Tito Marcel nama'y sa braso. They're now both in good condition."

NAGLALAGAY AKO ng makeup sa mukha habang sinasabi 'yon ni Finian. Parehas kaming naghahanda na umalis nang biglang tumawag si Maverick sa kanya para sabihin 'yon.

Hindi ko pinahalata sa kapatid ko ang relief na naramdaman ko nang marinig ang kundisyon ni Papa. Bukod sa hindi malala ang natamo nito, hindi ko na rin kakailanganing bumalik sa Pilipinas.

Hindi ako uuwi hangga't hindi ko napapatunayan ang sarili ko sa kanya at...

"I booked a ticket for two." Tumayo si Finian mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama upang lapitan ako sa dressing table. Pinakita niya sa akin ang dalawang ticket para sa amin, pauwi sa Pilipinas. "Next week pa 'yan kaya may time ka pa para pag-isipang maigi ang desisyon mo."

Nagkatinginan kami sa salamin. Pairap kong inalis ang tingin sa kanya bago takpan ang lipstick at ilagay ito sa aking bag.

"Hindi na magbabago ang desisyon ko, Fin. May event nga kami next month at kailangan kong puntahan 'yon."

"Mas mahalaga pa ba 'yan kaysa kay Papa?"

Hindi ako nagsalita. What kind of question is that?

Tinago niya muli ang ticket sa loob ng kanyang semi-formal blazer. Humalukipkip siya at binaba ang tingin sa akin. Hindi ako kumportable sa tensyong hatid no'n kaya napilitan akong tumayo at abalahin ang sarili sa paghahanap ng aking blazer sa closet. Hindi siya sumunod ngunit ramdam ko ang mariin niyang titig sa akin.

"O baka naman kaya ayaw mong umuwi because of him?

Natigilan ako sa paghawi sa mga naka-hanger na damit at iritadong pumikit. Mas lalo nga lang akong nainis dahil nakita ko lang ulit ang mukha ni Andrus.

Kainis! Kasalanan ito ng kapatid ko! Bakit pa kasi kailangan niyang ipaalala ang lahat sa taong gusto nang makalimot?

Ayaw kong ipakita sa kanya na apektado pa rin ako kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa. Hinablot ko ang blazer na pinakamalapit sa kamay ko at padabog na sinarado ang closet.

"So, tama ako? Hindi trabaho o ang galit mo kay Papa ang dahilan kung bakit ayaw mong umuwi? This is still because of Andrus?"

Tiim-bagang kong hinarap ang salamin habang sinusuot ang blazer. Nasulyapan ko siya sandali kaya nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. Mas lalo lang akong nairita kaya agad akong nagmatsa patungo sa shoe rock.

He's making fun of me! Alam niyang ganito ang epekto sa akin ni Andrus kaya tuwang-tuwa siya. Pwes, mas lalo akong hindi sasama sa kanya! Hindi niya ako madadaan sa pang-aasar dahil hindi nakatutuwa!

"Why don't you come back to the Philippines and make revenge by showing yourself that you've moved on? Ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan. Ipakita mo sa kanya na hindi ka apektado sa relasyon nila no'ng bago niya."

Natigilan ako sa pagsuot ng boots dahil doon. Tumayo ako nang tuwid at hinarap siya nang maayos. Mas malaki na ngayon ang ngisi niya habang nakataas naman ang kilay ko.

"Who said that I haven't moved on? I'm perfectly fine, Fin. I don't need to show myself to him. At isa pa, how sure are you na may pakialam siya sa pagdating ko? He's with someone else now. Umuwi man ako o hindi, wala siyang pakialam."

I'm hundred percent sure na isa ito sa mga patibong niya para kumbinsihin akong umuwi. Show myself to Andrus that I've moved on? In your dreams, brother! Hinding-hindi ako magpapakita kay Andrus kahit pa para ipakita sa kanya na okay na ako. Bakit ko gagawin 'yon? Hindi ko kailangang ipamukha 'yon kay Andrus dahil ayaw kong isipin niya na ginagawa ko 'yon para sa paghihiganti.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon