Basement

585 32 4
                                    

ANNIKA

INIS KONG hinagis ang aking cellphone sa shotgun seat nang ma-lowbat ito. Hindi ko na matatawagan si Finian kaya wala akong choice kundi maghintay sa gitna ng madilim at tahimik na kalsada. Nakadagdag pa sa takot ang mga nagtataasang puno sa paligid. Hindi ako naniniwala sa multo o aswang ngunit dahil sa takot, iyon lang ang naiisip ko habang nandito sa loob ng sasakyan.

Ngumuso ako nang makaramdam ng gutom. Hindi pa ako kumakain kaya gusto ko na talagang umuwi. Sana rin ay hindi pa kumakain si Finian para may kasabay ako.

Ilang sandali pa'y nilingon ko ang likod ng sasakyan nang lumiwanag ang paligid. Napalunok ako nang huminto ang sasakyang pinanggagalingan ng liwanag. Takot ang una kong naramdaman ngunit agad ding nawala nang makilala ito.

Lumabas ako ng sasakyan para makita ang paglabas nina Andrus at Finian sa gladiator. Patakbong lumapit sa akin si Finian para suriin ang kalagayan ko. Ngumiti ako nang makita ang nag-aalala niyang mukha.

"Next time, hindi na talaga kita hahayaang bumyahe nang hindi ako kasama!"

Tinawanan ko iyon. "Tumigil ka nga, Fin! Ang OA mo. Nasiraan lang ako, eh."

Bumaling siya sa sasakyan at pumasok sa loob. Paulit-ulit niyang pinihit ang susi ng sasakyan ngunit hindi talaga bumubuhay ang makina.

Habang abala si Finian sa ginagawa, napansin ko si Andrus na unti-unting humahakbang palapit sa amin. Nakatitig siya sa akin no'ng una ngunit agad ding nilipat sa kapatid ko.

Tumikhim ako kaya napatingin ulit siya sa akin. Ngumiti ako habang seryoso ang kanyang mukha.

"Sorry sa abala," sabi ko. "Nasabi sa akin ni Papa na pupunta ka sa bahay pero hindi na kita nahintay dahil masama ang pakiramdam ni Tita Aurelia. Kailangan ko na siyang iuwi."

Sa loob ng ilang araw na hindi kami nagkita, napagtanto ko ang maraming bagay. Mas lalo ko pang naintindihan ang lahat dahil kay Tita Aurelia. Siya ang nagsabi sa akin ng mga ginagawa ni Andrus kaya humantong ako sa isang konklusyon: hindi dapat ako malito dahil sadyang pamilya lang talaga ang turing niya sa akin.

Iba lang talaga si Andrus. Hindi dapat siya kinukumpara sa ibang lalaki dahil malayong-malayo siya sa lahat. Hindi dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang actions niya dahil sadyang gano'n talaga siya. Mabait at malinis ang intensyon niya sa lahat ng bagay, at madali itong nami-misinterpret dahil hindi na ito normal sa panahon ngayon.

Iyon ang natutunan ko kaya ngayon, kalmado na ako.

"Kanina ka pa rito?" tanong niya bago tingnan ang madilim na paligid.

"Hindi naman."

Ilang sandali pa'y may isang sasakyan na naman ang huminto. Napangiti ako nang lumabas doon si Maverick. Siya ang tinawagan ko kanina dahil alam kong may sasakyan siya para mapuntahan ako. Hindi ko tinawagan si Finian dahil wala siyang sasakyan, at ayaw ko ring mag-commute siya kapag nalaman niya ito. Wala lang talaga akong choice kundi sabihin sa kanya ang kundisyon ko nang tumawag siya kanina.

"Annika!" Tumakbo si Maverick palapit sa akin. "Sh*t! I'm sorry, nasa kalagitnaan ako ng meeting nang tumawag ka."

Lumabas si Finian sa sasakyan upang harapin si Maverick. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Tinawagan ako ni Annika kanina. Nagpapasundo siya dahil nasiraan daw siya."

Kunot-noong tumitig sa akin si Finian. Nang balingan ko si Andrus, mas matindi ang emosyong pinakita niya. Hindi ko maintindihan kung sadyang seryoso lang talaga ang mukha niya o nagagalit na siya.

"Inistorbo mo pa si Mav, ate. And really? Hindi ako ang una mong tinawagan?"

Natawa ako. "Ayaw kong mag-commute ka kaya hindi kita tinawagan."

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon