Yes

492 28 1
                                    

ANNIKA

MATAGAL KONG pinag-isipan ang pagbalik sa Pilipinas kaya inis na inis sa akin ang kapatid ko.

"Ate, you're being difficult again!" singhal niya sa telepono. "Sure, puwedeng pumunta si Andrus diyan sa New York. Hindi ko siya pipigilan kung gusto niya talaga. Pero sa sitwasyon ngayon, hindi puwede! Tumutulong siya sa investigation kaya hindi siya puwedeng umalis."

Ah, hindi siya puwede kaya ako puwede? Hindi ba niya naisip na may ginagawa rin ako rito? Tss.

Malungkot na buntong-hininga ang pinakawalan ng kapatid ko nang makita ang matibay kong desisyon na hindi umuwi.

"Please, ate. I need you, too. Hindi ko kayang makita si Papa nang ganito, mag-isa."

There. Hindi ko kayang makita na hinaharap mag-isa ng kapatid ko ang problema naming pamilya. He's alone right now. Sa oras na ito, kailangan niya ng masasandalan.

Bumalik ako sa Pilipinas na ang inisip ay ang aking kapatid. Kung gusto mang makipag-usap ni Andrus, fine, I'll give it. Pero hindi siya ang priority ko sa pag-uwing ito. I don't care about him anymore.

Sa muling pagtapak ng paa ko sa lupa ng Pilipinas, pakiramdam ko'y biglang bumigat ang hangin para sa akin. Ilang gabi kong binuo ang senaryong ito sa isipan ko. Dapat pag-uwi ko, okay ako. Dapat pag-uwi ko, parang walang nangyari. Kaya lang, naglaho lahat 'yon.

Si Finian ang sumundo sa akin sa airport. Imbis na sa hotel o sa bahay, dumiretso kami sa ospital kung saan ngayon naka-confine sina Papa at Tito Marcel.

Gaya ng inasahan, nadatnan namin doon sina Lorenzo Savarino, Captain Cervantes, Inspector Dorantes, at si... Andrus.

Nang magtama ang mata namin, uminit agad ang buong mukha ko. Ibang-iba iyon sa ekspresyon niyang napakalamig at galit na galit.

Bakit kaya siya galit? 'Di ba dapat ako ang galit ngayon?

"Bakit kayo bumalik?" pagbasag ni Papa sa katahimikan. Nakatingin siya sa akin noong una bago niya nilipat ang tingin kay Andrus.

Umirap ako bago bumulong kay Finian. "Sabi ko sa 'yo dapat hindi na ako umuwi.."

Hindi niya ako pinansin. Sinamaan lang niya ako ng tingin bago bumaling kay Papa. "Pa, kailangan naming umuwi dahil sa nangyari sa 'yo. You can't expect us to stay in New York while you're in critical condition."

"Pasensya na, Alvaro. Ako ang nagsabi sa kanila na umuwi rito," sabat ni Lorenzo kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Inisip ko rin na hahanapin mo sila paggising mo kaya..."

Tumango si Papa nang makuha ang ibig sabihin ni Lorenzo. Gumalaw siya sa kama kaya agad lumapit si Finian para umalalay. Tinulungan niya si Papa na isandal ang likod sa headboard ng kama habang si Lorenzo naman ang nag-unat ng nagusot na kumot.

Tumikhim si Captain Cervantes na ngayo'y tuwid nakatayo sa harap ng kama ni Papa kasama sina Inspector Dorantes at Andrus. Para silang mga masungit na bodyguard dahil sa sobrang seryoso ng kanilang mukha. Parang hindi mo sila puwedeng biruin manlang.

"Itutuloy namin ang pagsampa ng kaso kay Governor Hilario, gaya ng sabi n'yo. Hihingiin lang ng PNP ang statement n'yo ni Marcellus Montano upang mas tumibay ang ebidensya—"

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon