Work

392 19 1
                                    

ANNIKA

UMAGA PA lang, grabeng trabaho na agad ang kinaharap ko. Hindi ito tungkol sa trabaho sa opisina, kundi sa trabaho sa gawaing bahay!

Madaling araw umalis si Lisa kanina kaya wala akong choice kundi gumalaw.

Ako ang nag-ayos ng higaan ko dahil gusto kong hihiga ako mamaya pag-uwi galing sa trabaho nang maayos ang aking kama. Ako rin ang nagluto ng umagahan dahil for sure wala na akong time mag-breakfast mamaya sa office. Ayaw kong humarap sa kliyente nang gutom dahil pakiramdam ko hindi productive ang kalalabasan ng trabaho.

Simple lang lahat 'yon noong nakikita kong si Lisa ang gumagawa, pero ngayong ako na ang gagawa, bakit parang ang hirap-hirap? Basic lang 'to pero bakit parang napaka-complicated kapag ako na?

Kaya naman, hindi pa nag-uumpisa ang araw ay pakiramdam ko pagod na agad ako. Nang makarating sa opisina, kinailangan ko pang umupo muna sa saglit bago humarap sa aking laptop.

Ms. Santiago:
Hi Annika. Sorry, hindi pala ako puwede ngayong morning. I have a shoot. Can we reschedule it on dinner tonight? I'll bring my fiancé para dalawa kaming titingin sa disenyo mo.

Kung siguro sa ibang araw ko nabasa ang text na 'yon, baka mainis pa ako. Pero dahil iba ang pagod ko ngayon, hindi ko napigilang makaramdam ng tuwa. Mabuti na lang at na-resched ang meeting namin.

Me:
Sure, ma'am. No problem.

Pagkatapos kong i-send 'yon, number naman ni Finian ang hinanap ko sa contact list para tawagan. Wala pang ilang segundo nang sagutin niya ang tawag.

"Good morning, ate!" maligayang bati ng aking kapatid.

Umirap ako habang nakatitig sa aking drawing na nasa laptop. "Nasaan na ang pansalamantang papalit kay Lisa? Didn't you tell her na dapat nandito na siya ngayong araw?"

"Oh, wala pa ba siya? Baka na-traffic?"

"Hindi mo ba siya sinabihan na madaling araw aalis si Lisa rito kaya dapat bago pa sumikat ang araw ay nandito na siya?!"

Hindi ko gustong masira ang araw ko, ngunit dahil sa pagod at sa sinabi ni Finian, pakiramdam ko'y kaunti na lang ang pasensyang mayroon ako.

Hindi raw si Belen ang papalit kay Lisa kaya natutuwa ako. Pero kung ganito pala ang mangyayari, sana pala si Belen na lang ang pumalit! Kahit hindi kami close no'n, alam ko naman na hindi 'yon nali-late, gaya ni Lisa.

"Hey, chill ka lang, okay? Bakit ang init ng ulo natin—"

"Because I woke up earlier without a kasambahay! Walang maglilinis. Walang magluluto! Ako lahat ang gumawa no'n, at muntik pa akong ma-late dahil lang doon."

Mas lalo lamang akong nainis nang marinig ang tawa niya. Wow, sa tingin ba niya nakatutuwa ito?

"You're such a spoiled brat. Palibhasa'y ako ang gumagawa niyan lahat noong tayong dalawa ang magkasama. And now you're—"

"Oh, Fin! I don't have time for that!"

Dahil alam kong sesermonan na naman niya ako. Wala akong oras para makinig sa sasabihin niya. I'm currently working, at tumatawag lang naman ako sa kanya para sa kasambahay na hindi pa dumarating!

"Don't worry, okay? Darating din 'yong papalit kay Lisa. Baka may dinaanan lang."

Hindi ko na napigilang matawa nang mapakla sa sinabi niya.

"Ano'ng akala niya sa pagpunta niya rito sa Maynila, bakasyon? Fin, sigurado ka bang maayos 'yang pinalit mo kay Lisa?"

"Ate, don't worry, okay? Sige na, may kailangan pa akong gawin. Bye."

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon