Storm

431 23 1
                                    

ANDRUS

SINULIT KO ang bawat araw kasama si Annika. Pakiramdam ko kasi, palaging bitin ang isang araw kaya kailangan sulitin.

Sa tuwing papasok siya, palagi akong nagpe-presintang ihatid siya sa kanyang opisina bago ako pumasok. Gano'n din sa pagsundo pagkatapos ng kanyang trabaho. Sabay na kaming umuuwi sa kanyang condo.

Gabi lang kami nagkakasama nang matagal. Hindi niya muna kasi ako pinapauwi pagkatapos kong magluto dahil pinagpapahinga niya muna ako. Minsan ay naiisahan niya ako roon dahil nakatutulog ako nang mahaba at hindi na nakakaalis.

Natatawa na lang ako kapag nangyayari 'yon. Akala niya talaga siya lang ang gustong magkasama kami nang mas matagal. Ang hindi niya alam, gustong-gusto ko ring makasama siya. Nagpipigil lang talaga ako.

"Aray!" sigaw ng isang sundalong nalaglag sa isang obstacle na may taas na 10 feet.

Lumapit agad ako sa kanya nang makita ang matinding pamimilipit dahil sa nasaktang paa. Sinubukan pa niyang tumayo upang ipagpatuloy ang pag-akyat ngunit natutumba lang siya.

"Pahinga muna?" pang-uuyam ko. Tatlong beses lang sila puwedeng magpahinga kaya dapat pag-isipan nilang maigi kung kailan nila gagamitin 'yon.

"No, sir!" matapang niyang tugon habang umiiyak. Sinubukan niya ulit tumayo sa maingat na paraan hanggang sa unti-unting makalakad at makaakyat muli.

Ngumisi ako. Totoo ngang mahina pa ang mga baguhang sundalong ito.

"Technical Sargeant Dela Cerna," boses ng tinyente sa likod ko. Agad akong sumaludo sa kanya bilang pagbati na agad naman niyang tinugunan. "Ako muna rito. May tawag ka sa loob."

Sandali akong napaisip kung sino ang tinutukoy niya ngunit nang sumagi sa isipan ko ang isang taong may kapangyarihang tumawag dito kung kailan niya gusto, napabuntong-hininga na lang ako.

"Captain Cervantes..." bungad ko nang damputin ang naghihintay na telepono sa isa sa mga lamesa.

"Maghanda ka na. May susundo sa inyong helicopter mamayang alas dos ng madaling araw."

Hindi pa tapos ang natitirang linggo ko rito kaya gusto ko sanang magreklamo. Kaya lang, may kutob ako kung para saan ang biglaan kong pag-uwi kaya nanatili akong tahimik.

"Masyadong maraming lugar rito sa Elena ang naapektuhan ng bagyo. Kulang ang bilang ng PNP kaya nanghingi ng tulong si Inspector Dorantes sa atin. Kulang din tayo kaya kailangan mong umuwi kasama ang ibang sundalo na ide-deploy rito."

Sabi ko na nga ba.

"Okay, sir."

Kaya naman, pagkatapos ng trabaho, naghanda agad ako ng mga salitang sasabihin kay Annika. Masyadong biglaan ang gustong mangyari ni Captain Cervantes kaya hindi ko alam kung paano ito uumpisahan.

Tumigil ako sa harap ng building ng opisina ni Annika. Nawala lahat ng pagod ko nang makita siyang naghihintay sa labas para sa pagdating ko.

Nabuhayan siya nang makita ang aking sasakyan bago tumakbo palapit sa akin.

"Hi!" bati niya pagpasok sa loob. Abala pa siya sa paglagay ng bag niya sa likod at pagkabit ng seatbelt nang magsalita siya ulit, "Sobrang nakakapagod today! Hindi pa tapos ang trabaho ko dahil may kailangan pa akong daanan na materyales. Okay lang ba?"

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon