The Governor

672 40 4
                                    

ANNIKA

TODAY'S SUNDAY kaya hindi maglilibot sila Papa. Dahil doon ay nag-expect ako na buong araw siyang nandito sa bahay ngunit nagkamali ako. 

Alas sais pa lang ng umaga ay nakaalis na siya para sa meeting na pupuntahan niya. Nabalitaan ko pa 'yon sa mga kasambahay dahil ayaw raw ni Papa na istorbohin ang tulog ko para lang magpaalam.

"Ano, may nakita ka na ba sa internet na gustong lutuin?" tanong ni Tita Aurelia na tumabi na sa akin sa counter top nang mapansin na masyado akong matagal. Sinilip niya ang ginagawa kong pag-scroll sa iPad.

"I don't know how to cook these." Ngumuso ako at humalumbaba bago binigay sa kanya ang iPad. Pinakita ko sa kanya ang listahan ng mga Filipino dish na madali raw lutuin ayon sa internet. "Pasta and pizza lang ang alam ko, tita."

Ngumiti siya. "Iyan ba ang palagi mong kinakain sa ibang bansa?"

"Yeah. Pasta Primavera or New York-Style Pizza. Minsan naman ay seafoods, 'yong may Oyster or Clams."

Bumuntong-hininga ako habang ini-imagine ang mga pagkaing 'yon. Kailan kaya ulit ako makakakain no'n? Hays.

"Bakit hindi na lang iyon ang lutuin mo ngayon?"

Umiling ako. "No. Nandito ako sa Pilipinas kaya pinoy food dapat ang kainin ko. Kaya lang, mahirap ang mga nandiyan sa internet. Can you teach me how to cook the easiest dish?"

Ngumiti siya bago binuksan ang refrigerator at kumuha ng hilaw na manok. Naglabas din siya ng mga breading at eggs.

"Fried Chicken na lang ang lutuin mo," natatawa niyang sambit. "Siguradong hindi ka mahihirapan dito."

Tumango ako at lumapit sa kanya. "Okay! First time ko magluto nito kaya tulungan mo ako, tita."

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya habang natatawa. Sinimangutan ko siya dahil alam kong pinagtatawanan lang niya ako.

Si Tita Aurelia ang naglinis ng manok habang hinahanda ko ang breading at itlog. Paglublob ko ng manok sa breading, napangiwi ako nang kumalat ito sa lababo. Tinawanan lang ako ni tita dahil ang kalat ko raw sa harina. Well, this is my first time kaya talagang makalat ako.

Natigilan kami sa tawanan at kuwentuhan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Naghugas muna siya ng kamay bago ito kinuha sa bulsa. Natutukso akong silipin kung sino ang caller kaya tinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawa.

"Si Andrus..." bulong niya dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit kaya tumawag ang batang ito? Sandali lang, Annika, ha? Sagutin ko lang 'to. Puwede mo na ilagay 'yang mga manok sa mantika. Hinaan mo lang ang apoy para hindi masunog."

Ngumiti at tumango lang ako bago siya lumabas ng kusina. Nasa hamba lang naman siya kaya natatanaw ko pa rin ang kilos niya. Hindi ko lang marinig ang sinasabi niya dahil masyado itong mahina.

Huminga ako nang malalim at binalikwas na lang ang tingin papunta sa mga manok.

Simula nang dalawin ako ni Andrus dito sa bahay dalawang araw na ang nakararaan, hindi na kami ulit nagkita. Noong sumama ako no'ng Friday kina Papa para maglibot, hindi siya sumama. Ang tanging kasama lang namin ay ang dobleng bilang ng mga pulis na pinadala raw ni Inspector Dorantes, alinsunod sa gustong mangyari ni Andrus.

Hindi ko pa natatanong si Papa kung bakit hindi na sumasama si Andrus sa paglilibot pero may kutob na ako. Siguradong iniimbestigahan niya ang nangyari sa palengke kaya palagi siyang wala. Wala naman akong problema roon pero sa tuwing naaalala ko ang huli naming pag-uusap, kinakabahan ako.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lahat ng posibilidad na puwede niyang gawin sa oras na mahuli ang mga kriminal na hinahanap niya. Natatakot ako sa puwede niyang gawin. Hindi ko yata matatanggap kapag nalaman kong... nakapatay siya.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon