Dream

447 27 4
                                    

ANDRUS

KAKAIBA ANG naramdaman ko pagtapak sa bahay ng mga Faustino. Hindi na bago ang katahimikan ngunit ang sabayan ito ng malamig at galit na mga mata ni Tito Alvaro ay nakapagtataka.

Hindi ko pa kailanman nakitang ganito ang mga mata niya sa akin. He's always strict but not angry, lalong-lalo na kapag ako ang kausap. Ngayon lang—sa loob ng ilang taong kasama siya—naging mabagsik ang mukha niya na para bang ako ang pinakahuli sa listahan ng mga taong gusto niyang makita. Na para bang isang krimen ang ginawa kong pagpasok dito sa bahay niya.

"Pa. Are you okay?" mahinang tanong ni Finian habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tito Alvaro. "If you're still angry dahil umalis ako kanina, I'm sorry, okay? Umalis ako dahil kailangan kong makausap si Inspector Dorantes. At isa pa, hindi na ako naihatid ni Damian dahil kailangan niyang i-report ang nangyari kay Governor Hilario. Kaya si Andrus na lang ang pinakiusapan ko."

Hindi tumugon si Tito Alvaro. Nanatili ang nanggagalaiti niyang titig sa akin kaya mas lalo akong naguluhan. May problema kaya?

"Si Ate Annika?" tanong pa ni Finian sabay angat ng tingin sa itaas ng hagdanan. Napatingin na rin tuloy ako roon. "Nasa kuwarto na agad?"

Pumikit nang mariin si Tito Alvaro bago tumikhim. Pag-angat niya ng tingin sa akin, mas lalo itong dumilim. "Andrus, let's talk."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Finian habang ako nama'y tumango na lang. Nilagpasan kami ni Tito Alvaro upang magtungo sa labas. Nagkatinginan kami ni Finian, at naintindihan ko agad ang lito roon. Nagtatanong ang mga mata niya na kinibit-balikat ko lang dahil hindi ko rin alam kung ano ang pag-uusapan namin ng kanyang ama.

Sumunod ako kay Tito Alvaro sa kanilang garden. Nang makaharap siya, wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi dilim at lamig na dulot ng matinding galit. Nalito lang ako lalo ngunit mas nangibabaw ang pag-intindi. Baka may kinalaman lang kay Brando Ramos ang sasabihin niya kaya siya galit.

"Pagkatapos ng bilangan ng boto, babalik na si Annika sa New York."

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko inasahan iyon kaya hindi ko na-control ang pagkabigla. Kahit kailan, hindi pa namin pinag-usapan si Annika tungkol sa ganitong bagay. Kadalasan kapag nababanggit niya ang anak, puro pagtatalo lang nila ang naririnig ko. Walang tungkol sa personal na bagay tulad nito.

"Doon na siya titira for good. Hindi na siya babalik dito sa Elena," dagdag pa ni Tito Alvaro.

Kumuyom ang kamao ko. Alam ko naman na may balak si Annika na bumalik sa New York pagkatapos ng eleksyon ngunit hindi ko na naisip iyon nang magsimula akong manligaw sa kanya.

Gusto kong isipin na hindi ito problema at ayos lang na umalis siya ngunit mahirap. Ayaw kong magmukhang mababaw, ngunit hindi ko mapigilan.

Mababaw na kung mababaw pero totoong mahihirapan ako kapag umalis siya, lalo na't kinukuha ko pa lang ang loob niya. Kabado ako na makakilala siya ng iba at makalimutan na naman niya ako.

Gusto kong kumbinsihin si Annika na huwag na umalis ngunit hindi ko puwedeng gawin 'yon dahil wala akong karapatan. Ayaw ko rin magmukhang kontra sa gusto niyang gawin sa buhay. Ayaw ko talaga maging hadlang sa kahit ano ngunit gusto ko rito lang siya! Kailangan ko siyang kumbinsihin sa paraan na hindi siya magagalit at hindi masasagasaan ang mga bagay na gusto niya.

"Mahirap kay Annika ang umalis ngunit pangarap niya ito, Andrus," ani Tito Alvaro sa kalmadong boses. Natigilan ako roon. "Mahirap din sa akin ang pag-alis niya ngunit gusto ko siyang lumigaya. Pinagbigyan niya akong umuwi siya rito para suportahan ako kaya sino ako para hindi siya pagbigyan?"

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon