Arrested

450 24 3
                                    

ANDRUS

HABANG LUMILIPAS ang araw, mas lalong humihirap ang imbestigasyong ginagawa ko. Hindi ko akalaing ganito kahirap malaman ang bawat galaw ni Lorenzo Savarino.

Bukod sa dami niyang bodyguards, wala pa akong suportang nakukuha. Hindi ako puwedeng humingi ng tulong kina Tito Alvaro, Tito Marcel, Captain Cervantes, at Spencer tungkol sa ginagawa ko. Alam ko na ang sasabihin at magiging reaksyon nila kapag ginawa ko 'yon.

Dahil doon, iba na lang ang nilapitan ko.

"Nagtanong-tanong ako sa mga kakilala kong malapit kay Lorenzo Savarino. Ang sabi nila, dito na raw talaga siya sa Elena lumaki at nagkapamilya. Laki rin daw siya sa hirap kaya nang mabigyan ng oportunidad makapag-aral, nagsumikap siya upang makapagtapos," salaysay ni Ravena.

"Kung ganoon ay mahirap lang talaga siya? Sino ang nagpaaral sa kanya?" tanong ni Dajani.

Nagkibit-balikat si Ravena. "Ang kuwento, nag-apply raw siya noon bilang manggagawa ng dating mayor ng Santa Fe. Nang madiskubre ang kanyang talino, pinag-aral siya nito nang libre."

Pumulot ng manipis na punong kahoy si Dajani habang naglalakad kami sa kagubatan. "Dating mayor? Noong panahong 'yon, ang matandang Ceja ang nakaluklok sa posisyon. Ibig sabihin naging tauhan siya ng pamilya ni Hugo Ceja?"

"Huh? Siguro? Hindi ko alam, eh. Malay ko ba kung sinong mayor ang tinutukoy. Pero baka nga ang mga Ceja 'yon."

Nilingon ako ni Dajani. Nagtagal ang titig niya sa akin hanggang sa bumaling siya ulit kay Ravena.

Silang dalawa ang naisip kong hingian ng tulong sa ginagawa ko. Alam ko kasi na marami silang kakilala rito sa Elena. Bukod sa rito sila nakatira, dito na rin sila nag-aral at nag-training. Hindi katulad ko na nag-aral sa Maynila at doon nag-training bago na-assign dito sa Elena.

Kumpara sa akin, mas marami silang kakilala sa iba't ibang bahagi ng lugar na ito.

Kaya lang, hindi naging madali ang pagkumbinsi ko sa kanila—lalong-lalo na kay Ravena—na tulungan ako. Ayaw nila akong tulungan hangga't hindi ko sinasabi kung para saan ang ginagawa ko.

Wala tuloy akong nagawa kundi sabihin sa kanila ang lahat ng sinabi sa akin nina Captain Cervantes, Tito Marcel, Spencer.

Oo, hindi ako tumupad sa usapan na itago ang plano. Nagpasya akong sabihin kina Dajani at Ravena ang lahat ng nangyayari. Kaya ngayon, alam na nila kung bakit nakakulong si Governor Hilario.

Noong una, hindi ito matanggap ni Dajani. Sa pananaw niya, hindi naman daw kailangan dumaan sa ganito. Puwede raw siyang tumestigo laban kay Lorenzo.

Sang-ayon ako roon, ngunit gaya nga ng sabi ni Captain Cervantes, wala kaming ebidensya. Puwedeng mabaliktad si Dajani kapag salaysay lang niya ang pinanghawakan namin.

Hindi rin naging madali kay Ravena ang lahat nang malaman niya ito. Hindi siya makapaniwala na ganito kabigat ang imbestigasyong ginagawa ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit alam niyang mapanganib, handa pa rin siyang tumulong upang mapabagsak ang mga plano ni Lorenzo.

Parehas ang hangarin naming tatlo na mapabilis ang imbestigasyong ito. Upang magawa iyon, kailangan naming malaman ang motibo ni Lorenzo. Kailangan masagot ang mga tanong namin kung bakit siya galit na galit sa pamilyang Ceja, at ano ang planong nakahanda ngayong nakabalik na ito sa Elena.

Hiwalay kami sa ginagawa nina Spencer at Captain Cervantes na pag-abang sa mga susunod na gagawin ni Lorenzo. Kung mag-aabang lang sila, matatagalan si Governor Hilario sa kulungan.

Alam kong plano na nila 'yon ngunit paano ang Elena? Kung ipagpapatuloy nila ang palabas na ito, magkakagulo ang mga nasa itaas. Kahit na ang bise gobernador ang pansalamantalang nakaluklok, gusto ko pa ring maibalik sa dating ayos ang lahat.

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon