Chapter 1: The Emerald Ticket

69 4 4
                                    

September 23, 2021

Present-day


CASSIE Anne Palafox was at the cemetery today because it was her grandmother's third death anniversary. At kahit kailan ay hindi pa niya nakalimutang dalawin ang kaniyang namayapang lola sa araw ng kamatayan nito kahit pa sabihing nasa ibang bansa na sila nakatira ng buong pamilya niya ngayon. As she laid a bouquet of fresh flowers upon her grandmother's grave ay hindi niya maiwasang mapansin ang sariwang mga bulaklak na nakapatong din sa puntod ng great great grandmother niyana katabi lang ng puntod ng lola niya. Naisip niyang baka isa na naman iyon sa mga tagahanga ng lola niya sa talampakan because, as everybody know, her great great grandmother was a national hero. And, in fact, it's her birthday today also. So, she just decided na huwag na lang pansinin iyon.

She was a lola's girl dahil na rin sa ito ang nagpalaki sa kaniya. Parehas kasing OFW ang mga magulang niya kaya naman ang lola niya ang nag-aruga sa kaniya simula nang bata pa siya. Nagkahiwalay lang naman sila nang makapagtapos siya ng high school dito sa Pilipinas at sinama siya ng mga magulang niya sa Amerika para roon na manirahan at magpatuloy ngpag-aaral.

At the age of 81, her grandmother was as strong as a bull. Actually, nagsu-zumba pa nga ito kaya laking gulat niya nang isang araw ay nabalitaan niyang inatake ito sa puso. Ang tanging alam niya lang ay palagi itong high blood at dahil doon ay nagmi-maintenance na ito para sa presyon. Kaso hindi nito regular na iniinom ang mga gamot nito sa kabila ng mga araw-araw niyang pagpapaalala rito sa pamamagitan ng video call. And, she blames herself. Kung siguro ay hindi niya ito iniwan, kung siguro ay kasama siya nito, kung siguro ay hindi siya nagpunta sa Amerika, ay baka buhay pa rin hanggang ngayon ang lola niya.

Dahil doon ay hindi niya tuloy napigilang tumulo ang kaniyang mga luha. But, she knew her grandmother so well. Hindi nito gustong malamang sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pagkamatay nito. If there's one thing that her grandmother always told her about – it is destiny. That everything's bound to happen however you evade it.

She lifted her aviator glasses a little to wipe her own tears away. Kaso, nang dukutin niya ang panyo mula sa bulsa niya ay maling panyo ang nakuha niya – iyong vintage handkerchief na nagmula pa sa great great grandmother niya. Suddenly, a cold wind came by and blow her handkerchief away which was impossible because it's just a gentle breeze.

Paanong kayang tangayin ng isang mayuming hangin ang panyo 'ko? she asked herself.

Hinabol niya ang panyo niya dahil hindi maaaring mawala iyon. It's almost a family heirloom na direktang pinasa ng Lola Casimira niya sa kaniya at hindi na niya hiniwalay sa kaniya simula nang ibigay nito iyon sa kaniya. Isa pa ay nakaugalian na lang niyang dinadala iyon palagi dahil nagsisilbi iyong alaala sa kaniya ng isang nakaraang ayaw niyang kalimutan.

Ilang saglit lang ay bumagsak iyon sa hindi kalayuan – sa harapan ng isang lalakeng hindi niya masyadong mamukhaan dahil nasisilaw siya sa liwanag ng araw na nasa likuran nito. Because of that, she shielded her face with her hand.

Nakita niyang yumuko ang lalake at dinampot ang panyo niya. Pagkatapos ay dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kaniya. Sa bawat hakbang nito ay lumilinaw ang mukha nito sa kaniya hanggang sa tumigil ito sa harapan niya.

She was shocked. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Dahil paano mo ipapaliwanag ang presensiya ng lalakeng ito na nakatayo sa harapan niya ngayon? The last time she saw him was in 1901. Is he a ghost? Is it because of magic again? Or, maybe, is this destiny?

⏳⏳⏳


Three years ago...

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now