Chapter 14: Bureau of Education

16 4 1
                                    

Ika-16 ng Setyembre, taong 1901

Lunes nang umaga


HINDI alam ni Cassie kung anong ginagawa niya sa bahay nila sa Isla Madriegos gayong ang huli niyang natatandaan ay nasa Pearl Motel siya. Kasalukuyan siyang nasa opisina ni Don Carlos at hindi niya rin alam kung bakit siya naroroon. Nakita niya sina Don Carlos, Señor Isagani, Isidro, ilang mga Amerikanong sundalo at ilan pang Pilipino na hindi niya kilala. Tila nagpupulong ang mga ito at hindi niya alam kung anong ginagawa niya sa lugar na iyon. Isa pa ay parang wala namang nakakapansin sa presensiya niya roon na para bang hindi siya nakikita ng mga ito. Doon niya napagtantong baka nananaginip lang siya, na baka isa na naman itong pangitain. Naisip niyang ito marahil ang karugtong ng huli niyang panaginip kung saan nabaril si Mr. Bertrand.

"We're planning to bomb the mountains to extract all the Insurrectos out from it," pahayag ng isa sa mga Amerikanong sundalo na sa palagay niya ay ang may pinakamataas na rango sa mga Amerikanong sundalong naroon. Nakita na niya ito noon dahil isa ito sa mga kasama ni Prince nang hinatid ng mga ito si Don Carlos sa bahay nila nang nabaril ito.

Isinaling-wika naman ng Pilipinong translator ang sinabi ng Amerikanong sundalo kay Don Carlos.

"Alam n'yong 'di n'yo maaaring gawin 'yan," kontra ni Don Carlos sa Amerikanong sundalo. "Sisirain n'yo ang likas na yaman ng buong isla. Bukod do'n ay 'di n'yo rin alam ang eksaktong lugar sa kabundukan kung sa'n naro'n ang mga Insurrecto."

"So, what're you suggesting that we do?" sarkastikong tanong ng Amerikanong sundalo kay Don Carlos matapos isaling-wika ng translator ang sinabi ni Don Carlos sa wikang English. "Let me remind you that the Insurrectos, being led by your brother, knows every edges and crevices of this damn island including the mountains and the forests. How many of our soldiers died fighting them already? How many of your fellow men also have disappeared searching for them in the mountains? Who knows what the hell even happened to those people? What're you waiting for, Don Carlos?"

Doon niya napatunayang tama nga ang sinabi sa kaniya ni Prince noon kung bakit hindi madakip ang mga Insurrecto na nasa isla nila – dahil saulo ni Calixto ang bawat sulok at bahagi ng buong isla.

"Don Carlos said that he'll think of a much better plan," sabi ng Pilipinong translator sa Amerikanong sundalo. "For now, he wants to focus in the upcoming town festival. After that, he'll attend to this problem."

"He better be," wika ng Amerikanong sundalo na may tinig ng pagbabanta. "Please, remind him that we entrusted him in managing this island because he said that he's against his brother's rebellion. But, if the Insurrectos continues to threaten the safety of this island, we've got to entrust his job to someone better."

"Isn't his gunshot wound from the hands of an Insurrecto is still not enough proof of his loyalty to the Americans?" mapang-uyam na tanong ni Isidro sa Amerikanong sundalo. Nakita niya ang pag-awat ni Señor Isagani sa anak nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito dahil mukhang nanggigigil pa itong magsalitang muli. Nagpahinuhod naman si Isidro sa ama dahilan para hindi na lang pansinin ng Amerikanong sundalo ang sinabi nito.

"The night draws nigh," wika ng Amerikanong sundalo. "We need to go." Pagkatapos ay nagpaalam na ang mga ito sa kanila. Gayundin ang lahat ng mga bisita ni Don Carlos na kapwa Pilipino. Pagkatapos ay nagsiuwian na ang mga ito.

Tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa niya dahil sinusundan niya ngayon ang Pilipinong translator sa pulong kanina hanggang sa makarating ito sa bahay nito. Nang buksan nito ang pinto ng bahay nito ay laking gulat niya nang makita niya ang isang grupo ng mga kalalakihang nasa loob ng bahay nito na para bang hinihintay talaga ang pagdating nito.

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon