Chapter 8: Poblacion

23 5 3
                                    

Ika-31 ng Agosto, taong 1901

Sabado nang umaga


SATURDAY came at sakay ng isang bangka ay nagtungo sina Cassie, Don Carlos at Doña Celestina sa Poblacion para dalawin ang gobernadorcillo ng bayan nila. Gobernadorcillo pa rin ang tawag nila sa mayor ng bayan nila dahil iyon na ang nakasanayang katawagan ng mga tao simula pa ng panahon ng mga Kastila kahit ayon sa Act No. 82 ng Philippine Legislature na naipasa ngayon panahon ng mga Amerikano noong January 31, 1901 tungkol sa municipal code ay president na dapat ang tawag sa gobernadorcillo at vice-president naman ang tawag sa teniente mayor which is the vice mayor.

Bagaman ang Isla Madriegos lang ang tanging barangay na nakahiwalay sa mga karatig barangay nito ay kabilang pa rin ito sa bayan ng Lacrimosa at si Don Carlos ang tumatayong cabeza de barangay o barangay captain ng Isla Madriegos.

"Magandang araw, Don Carlos, Doña Celestina," nakangiting bati ng isang lalakeng nakasuot ng magarang barong Tagalog sa mga magulang niya nang salubungin sila nito, kasama ang buong welcoming committee nito, nang makatapak sila sa dalampasigan ng Poblacion matapos ang halos fifteen minutes na biyahe. "Sayo rin Señorita Casiana."

Sa pormahan ng lalakeng sumalubong sa kanila, malakas ang kutob niyang ito ang gobernadorcillo ng buong Lacrimosa. "Magandang araw rin sa 'yo, kumpadre!" bati rin ni Don Carlos dito at saka nakipagkamay.

"Magandang araw, Señor Isagani Marasigan!" bati naman ng kaniyang ina rito.

So, tama nga 'ko, she praised herself. S'ya nga ang gobernadorcillo ng Lacrimosa. But, wait! Tama ba ang narinig kong pangalan n'ya? I-Isagani M-Marasigan?

"Casiana!" tawag sa kaniya ni Don Carlos. Mabuti na lang at medyo nasasanay na siya sa bago niyang pangalan kung kaya kaagad naman siyang lumingon nang tinawag siya nito. "Magbigay galang ka kay Señor Isagani."

"M-magandang araw po, Señor Isagani," utal niyang bati rito.

"Pagpasensyahan mo na ang anak namin, kumpadre," paghingi ni Don Carlos ng tawad kay Señor Isagani. "Marami na kasi siyang iniisip ngayon kaya minsan ay nawawala na siya sa sarili. Nagsisimula na kasi s'yang magturo ngayon sa paaralan sa isla."

"Wala 'yon, kumpadre," ani Señor Isagani. "Gan'yan na gan'yan din si Isidro nitong nakaraang mga araw. Madalas ay nakatulala s'ya sa kawalan. Siguro'y dahil sa trabaho n'ya bilang teniente mayor sa munisipyo. Kaya sana'y pagpasensya mo, hija, kung 'di nagawang makasama ng aking anak sa pagsalubong sa 'nyo rito. Masakit daw kasi ang ulo n'ya ngayong umaga."

"W-wala po 'yon," sabi niya rito.

Kanina pa niya iniisip kung anong kaugnayan ni Señor Isagani kay Isidro at parehas ang apelyido ng dalawang ito. Iyon pala ay mag-ama ang mga ito. Dahil doon ay bigla siyang kinabahan na baka sinabi na ni Isidro kay Señor Isagani ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Pero, sa palagay naman niya ay mukhang walang kaalam-alam si Señor Isagani tungkol sa totoong dahilan kung bakit palaging tulala si Isidro nitong nakalipas na mga araw. Dahil doon ay naisip niyang kailangan na niya talagang makausap si Isidro at maayos ang problema nila sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay siguradong mababago ang future ng angkan nila.

⏳⏳⏳

Wala pang labing-limang minuto ay nakarating na sila sa wakas sa Casa Marasigan sakay ng karawaheng pagmamay-ari ni Señor Isagani.

Nang masilayan niya ang Casa Marasigan pagkababa niya ng karawahe ay manghang-mangha siya tumambad sa kaniyang mga mata. Ang natatandaan niya ay may ancestral house talaga sila sa Lacrimosa at iyon nga ay ang Casa Marasigan na pinamana ni Casiana at Isidro sa anak nilang lalakeng si Ismael who is her great grandfather. Kaso, hindi pa siya nakakarating doon, and she doubt if her mother also does, dahil simula nga nang ipamana ni Casiana at Isidro ang buong Isla Madriegos kay Cassandra Marasigan who is her great grandmother naman ay nagkagalit na ang magkapatid at ganoon din ang mga next generations sa isa't isa.

Memoirs of Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن