Chapter 19: Birthday

17 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-23 ng Setyembre, taong 1901

Lunes nang umaga

NAGISING si Cassie dahil nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa kanina ay nakasarang bintana ng kwarto niya na nakabukas na ngayon. Pero, hindi pa rin sapat iyon para bumangon siya sa kaniyang higaan hanggang sa nakarinig siya ng tugtog mula sa isang gitara.

"Maligayang bati... Maligayang araw..."

Nang makarinig siya ng mga tinig ay pupungas-pungas niyang dinilat ang kaniyang mga mata at nakita sina Don Carlos, Doña Celestina, Calista, Isidro at ang mga kasambahay nila na may kaniya-kaniyang hawak na bandehado ng iba't ibang uri ng pagkain habang kumakanta.

"Sumaiyo nawa ang ligayang tunay... Kahimanawari'y humaba ang buhay..."

Dahil sa kinakanta ng mga ito ay doon niya naalalang kaarawan pala niya – este, ni Casiana – ngayon. At ang paraan ng pagbati ng mga ito sa kaniya ngayon ay ayon sa lumang tradisyon na kung tawagin ay mañanita kung saan ginigising sa pamamagitan ng awit ang birthday celebrant sa umaga.

"Maligayang bati... Maligayang araw... Maligayang bati sa iyong pagsilang..."

Pagkatapos ay isa-isang hinapag ng mga kasambahay nila, kasama si Calista, ang mga bandehandong may lamang pagkain sa bedside table niya habang inaawitan siya.

"Sumaiyo nawa ang ligayang tunay... Kahimanawari'y humaba ang buhay..."

Pagkatapos ay sina Don Carlos at Doña Celestina naman ang lumapit sa kaniya at ginawaran siya ng halik sa pisngi bilang pagbati. Gayundin naman si Isidro na lumapit din sa kaniya at nilagay ang breakfast table tray sa ibabaw ng kama niya na naglalaman ng iba't ibang masasarap na pagkain na hindi niya kalimitan kinakain tuwing almusal.

"Kahimanawari'y humaba ang buhay..."

Nang matapos ang kanta ay doon pa lang nag-sink in kay Cassie ang lahat. Ngayon lang niya naranasan ang ganito. She commonly hates other people looking at her lalo na kapag bagong gising siya dahil paano kung mukha siyang bruha dahil sa gulo ng kaniyang buhok? Paano kung may panis pa siyang laway? Paano kung may muta pa siya sa mata? Pero, lahat ng mga aalalahaning iyon ay wala ng halaga dahil pinaramdam sa kaniya ng mga ito na siya ang pinaka-espesyal na tao sa araw na ito. And, because of that, her heart was overflowing with joy.

"Maligayang kaarawan, aking mahal," bati sa kaniya ni Isidro. Pagkatapos ay pinagkalooban siya nito ng isang bungkos ng bulaklak na inabot ng isa sa mga kasambahay nila rito.

"Maraming salamat sa 'yo," she thanked him nang tanggapin niya ang bouquet mula rito at amuyin ang napakabangong samyo niyon. "Sa 'nyong lahat..." Pagkatapos ay pinaglipat-lipat niya ang panignin niya mula kay Don Carlos, Doña Celestina, Calista at sa mga kasambahay nila. "Sa pag-alaala n'yo sa kaarawan ko. 'Di ko inaasahang susorpresahin n'yo 'ko nang gan'to."

"'Di pa nagtatapos d'yan ang mga sorpresang ginawa namin ng Mama mo't ni Isidro para sa kaarawan mo, hija," pahayag ni Don Carlos sa kaniya. Pagkatapos ay sinenyasan nito ang isa sa mga kasambahay nila. Inilagay naman nito bitbit nitong tampipi sa ibabaw ng kama niya. "'Yan ang regalo ko para sa kaarawan mo, hija. Buksan mo."

Sinunod naman niya ang inutos nito. Binuksan nga niya ang tampipi, kinuha ang laman niyon at niladlad sa harapan niya. Doon niya napagalamang isa pala iyong baro't saya! Pero, hindi iyon pangkaraniwan tulad ng mga pangaraw-araw niyang baro't saya dahil halatang mas mataas ang uri ng kulay rosas na telang piña na ginamit sa baro, saya at alampay nito. Pagkatapos, ang pop sleeves pa ng manggas ng baro niyon ay yari sa mamahaling kulay fuchsia na tela na binurdahan ng mga bulaklak at dahon gamit ang ginintuang sinulid katulad sa disenyo ng mahabang tapis niyon na siyang unang layer ng saya niya.

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now