Chapter 36: The Plan

12 3 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-5 ng Disyembre, taong 1901

Huwebes ng umaga

NANG magising si Cassie nang umagang iyon ay nakapulupot na sa palapulsuhan ng kanang kamay niya ang kwintas na may ginintuang locket pendant na rinegalo ni Prince sa kaniya nang nakaraang kaarawan niya. Kung paano bumalik iyon sa kaniya ay hindi niya alam. Pero, malakas ang hinala niyang si Prince ang may kagagawan niyon.

Kanina kasing madaling-araw, nararamdaman niyang parang may humawak sa kanang kamay niya at nang bahagyang idilat niya ang mga mata niya ay nakita niyang si Prince pala iyon. Pagkatapos ay sinambit niya ang pangalan nito. Nginitian naman siya nito. Ang nasa isip niya ay nananaginip lang siya kung kaya nanumbalik siyang muli sa pagtulog

Malamang, nang madaling-araw na papatakas na sina Prince at Melchor ay nagpunta muna ang mga ito sa bahay-kubo kung saan sila mahimbing na natutulog. At sa haligi ng kubo kung saan siya natutulog katabi niyon ay nilusot ni Prince ang kamay nito sa butas ng haligi para isuot sa palapulsuhan niya ang polseras.

Nang madaling-araw rin kasing iyo ay nagkaroon na naman siya ng pangitain. Nakita niya ang isang madugong labanan sa pagitan ng mga Amerikanong sundalo at mga Pilipino. Pero, sa huli ay natalo ng mga Pilipino ang mga Amerikanong sundalo. Hindi niya alam kung paano. Pero, ang mahalaga ay nanalo ang mga Pilipino at napalayas nila sa isla ang mga Amerikanong sundalo. At ang mahalagang bagay na nalaman niya mula sa pangitaing iyon ay ang oras at petsa kung kailan mangyayari iyon – ika-8 ng Disyembre, taong 1901, sa ganap na ika-11 ng umaga.

Nakita niya ang petsa mula sa kalendaryong nakakabit sa haligi ng isang gusaling kinaroroonan niya at ang oras mula sa pocket watch na rinegalo sa kaniya ni Urbano nang kaarawan niya. Ang hindi niya lang alam ay kung nasaang gusali siya noon, bakit niya dala ang pocket watch at anong ginagwa niya roon.

"Casiana! Nakatakas na si Prince!" masayang balita ni Calista sa kaniya nang pumasok ito sa loob ng bahay-kubo nila. Palagi kasi itong nauunang magising sa kanila. Napabalikwas naman siya mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi nito. Masaya rin siya sa binalita nito. Pero, hindi ganoon ang itsura ng mga kasamahan niya. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pagtataka kung bakit parang napakasaya nila dahil sa balita.

"A-ang ibig kong sabihin ay nawawala si Prince," utal na pahayag ni Calista Naglaho na ang ngiti nito sa mga labi. "Pati si Melchor."

"Ano?! Pati si Melchor?! Sa'n daw sila nagpunta?" nagtatakang tanong ni Aling Pacita na nagising din dahil sa pagdating ni Calista.

"Wala pong nakakaalam," sagot ni Calista. "Ang palagay ng nakakarami'y bumaba silang dalawa papuntang kapatagan."

"Pero, bakit daw? Sa anong dahilan?" usisa naman ni Manang Lourdes dito.

"Sabi nila'y no'n pa man ay 'di na sang-ayon si Melchor sa planong pagdukot ng mga Pulahan kay Prince dahil naniniwala raw 'tong baka imbis na magamit nila si Prince para mapigilan ang masamang balak ni Señor Isagani't mapaalis ang mga Amerikanong sundalo rito sa isla'y baka ang mga Amerikanong sundalo pa ang makaisip na gamitin ang mga mamamayan ng isla para isuko ng mga Pulahan si Prince at pababain sila mula sa kabundukan. Kaso, 'di nila pinakinggan si Melchor. Sa halip ay pinagpatuloy pa rin nila ang pagdukot kay Prince," mahabang tugon ni Calista.

"Sabagay, may punto rin naman si Melchor," komento ni Doña Celestian. "Pero, ano na ngayon ang mangyayari kay Melchor? Babalik ba s'ya rito o mananatili na s'ya sa kapatagan? 'Di ba nila alam kung anong balak gawin ni Melchor pagkatapos n'yang patakasin si Prince? Kakampi na ba s'ya sa mga Amerikanong sundalo?"

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon