Chapter 22: True Color

17 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-2 ng Oktubre, taong 1901

Miyerkules nang umaga

TULAD ng inaasahan ay naging matagumpay naman ang pakitang-turo ni Cassie. Ibig sabihin, as of now, ay isa na siyang ganap na schoolteacher. Pero, hindi siya lubos na masaya dahil sa isang bagay na pilit gumugulo sa isipan niya.

Ilang saglit lang ay biglang dumating si Zenaida. Himalang hindi ito late sa klase ngayon.

"Binabati kita, Casiana," wika nito sa kaniya na may kasamang ngiting-aso nang pumasok ito sa silid-aralan. Ang mga estudyante ay nakapila pa rin sa labas ng classroom at hinihintay ang hudyat ng kanilang mga guro kung pwede na silang pumasok sa loob. "Ngayong isa ka ng ganap na guro, maaari mo na ba 'kong igawa ng recommendation letter ko?"

"Ito, oh! Kunin mo," malamig niyang sabi rito habang inaabot ang sobreng naglalaman ng sulat na ginawa niya para rito. Kunot-noong kinuha naman iyon ni Zenaida sa kaniya. Marahil ay nagtataka ito dahil sa inasal niya. Pero, may dahilan naman kasi siya. Pagkatapos ay padabog niya pa itong tinalikuran.

"Galit ka ba sa 'kin dahil 'di ako nakarating sa pakitang-turo mo kahapon?" tanong nito sa kaniya.

She smirked at her back. The nerve of this girl! she thought. "Gano'n ba kababaw ang tingin mo sa 'kin, Zenaida?!"

Bigla niya tuloy naalala ang sinabi sa kaniya ni David kahapon matapos niyang mairaos ang kaniyang teaching demonstration.

"Casiana," tawag sa kaniya ni David. "Maaari ba kitang makausap ng sarilinan sandali?"

"Sige," pagpapaunlak niya rito. She excused herself from Mr. White nang matapos siya nitong interview-hin at habang abala pa ito sa pag-compute ng grades niya. Pagkatapos ay nagtungo sila sa loob ng faculty room, malayo sa mga taong makakarinig sa kung anumang sasabihin nito sa kaniya. Pero, iniwan naman nilang nakabukas ang pinto.

"Una sa lahat ay binabati kita't naging matagumpay ang pakitang-turo mo, Casiana," bati nito sa kaniya kasabay nang paglahad nito ng kamay sa kaniya. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito.

"Maraming salamat, David," she sincerely thanked him. "Ang totoo n'ya'y 'di ko mairaraos ang lahat ng 'to kung 'di dahil sa tulong n'yong lahat sa 'kin. At sa 'yo rin, syempre! Ikaw ang sumundo sa mga estudyante ko kaya narito silang lahat ngayon. Maraming salamat talaga!"

"Walang anuman 'yon, Casiana," maginoong ngiti sa kaniya ni David. "S'ya nga pala. Ayokong sabihin sa 'yo ang tungkol sa bagay na 'to kanina dahil ayokong makadagdag pa ang bagay na 'to sa mga suliranin at alalahanin mo. Pero, ngayong nakapasa ka na'y sa tingin ko'y dapat mo ng malaman ang tungkol sa bagay na 'to."

"Tungkol sa'n ba 'yon, David?" kunot-noong usisa niya rito kasabay ng disimuladong pagbitiw niya sa kamay nito. Bahagya namang napangiti ito dahil sa ginawa niya. Siguro ay nakahalata ito. Pero, hindi na lang niya pinansin iyon at nagpanggap na wala lang iyon sa kaniya.

"Ang sabi kasi sa 'kin ng isa sa mga mag-aaral mong sinundo ko kanina na si Kiko'y pinauwi raw s'ya ni Zenaida," sagot nito sa kaniya.

"Huh? P-pa'nong mangyayari 'yon? Eh, 'di nga pumasok si Zenaida ngayong araw na 'to," nagtatakang katwiran niya rito. "Ang sabi n'ya sa 'kin kahapon ay masama raw ang pakiramdam n'ya kaya 'yon na rin siguro ang dahilan kung bakit 'di s'ya nakapasok ngayon."

"Hindi, Casiana. Ang kuwento sa 'kin ni Kiko'y pumasok daw s'ya nang maaga kaninang umaga dahil lumiban s'ya sa klase kahapon," istorya nito. "Nagkataon naman daw na narito na si Zenaida nang mga oras na 'yon at sinabihan s'yang umuwi na dahil wala daw klase ngayong araw na 'to. Tinanong pa nga raw s'ya ni Zenaida kung 'di raw ba s'ya sinabihan ng mga kaklase n'yang walang pasok ngayon dahil binilin daw nito sa mga kaklase n'ya kahapon na walang pasok ngayon."

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now