Chapter 3: Babaylan

29 5 2
                                    

Ika-18 ng Agosto, taong 1901

Linggo nang madaling-araw


TULAD ng inaasahan ni Cassie ay hindi nga siya nakatulog nang gabing iyon dahil bukod sa marami siyang iniisip ay namamahay rin siya. Kung kaya naman bago pa sumikat ang araw ay bumangon na siya kaagad para magtungo sa timog na bahagi nito kung saan nakatira si Calista – ang babaylan o shaman or spirit guide na maaaring makatulong sa kaniya.

Mabuti na lang at marunong siyang kumilala ng direksyon kahit walang compass, sa pamamagitan lang ng sikat ng araw. Pagkatapos ay tinunton niya iyon. Panaka-nakang may nakakasalubong siya sa daan kahit madaling-araw pa lang. Pero, sa tuwing mangyayari iyon ay kinukubli niya ang mukha niya sa pamamagitan ng isang balabal na nakuha niya mula sa loob ng bahay kaninapara hindi siya makilala hanggang sa makasalubong niya ang isang Amerikanong sundalo.

"Wait! Where're you going?!" sigaw nito sa kaniya nang malampasan niya ito. Bigla siyang kinabahan dahil madilim, walang tao sa paligid at babae pa naman siya. Pagkatapos ay bigla pang pumasok sa isip niya ang mga pang-aabuso ng mga Amerikano sa mga Pilipino nang panahong iyon. Dahil sa takot, pangamba at pagkataranta, sa halip na huminto siya sa paglalakad at lingunin niya ang Amerikanong sundalong iyon ay tumakbo siya papunta sa talahiban hanggang sa makarating siya sa bungad ng kagubatan. Kahit nagaalinlangan at natatakot siya ay sinuong pa rin iyon dahil sumisikat na ang araw. At isa pa ay baka maabutan siya ng Amerikanong sundalo – kahit hindi naman siya sigurado kung hinahabol pa rin siya nito.

Nang makarating siya sa bungad ng kakahuyan, kahit nagaalinlangan at natatakot siya, ay sinuong niya pa rin iyon. Mabuti na lang at may konting liwanag nang tumatagos mula sa mayayabong na puno. Ibig sabihin ay unti-unti nang sumisikat ang Haring Araw.

Nang sa palagay niya ay nasa malalim na bahagi na siya ng kagubatan ay parang nakarinig siya ng boses ng isang tao. Hinanap niya ang pinagmumulan niyon at doon niya nakita ang isang babaeng umaawit at nagsasayaw. Iniikutan nito ang isang aso na nakatali ang mga paa at nakahiga sa ibabaw ng kamang yari sa kawayan. Mayroon ding nakasinding sulo malapit sa higaan at marami pang mga bagay tulad ng mga bao ng niyog na may laman na kung ano-anong bagay na hindi na niya matanaw kung ano. Hindi niya maintindihan ang liriko sa kanta ng babae dahil, siguro, ay sa sarili nitong dialect iyon na hindi niya alam. Ang babae naman ay nakasuot ng isang napakaputing damit na umaabot lampas sa tuhod. Sa leeg nito ay nakasabit ang napakaraming kwintas na yari sa iba't ibang klase ng buto. Pagkatapos ay nakapatong naman sa ibabaw ng buhaghag nitong buhok ang isang koronang yari sa bulaklak.

Gusto na sana niyang iwan ang babae at magpatuloy na lang sa paglalakbay. Kaso, parang naku-curious siya sa ginagawa ng babae kaya pinagpatuloy niya lang ang panonood dito. Nang matapos sumayaw ang babae ay kinuha nito ang sulo at sinindihan ang mga bao sa pamamagitan niyon dahilan para masunog ang laman ng mga iyon sa loob. Napakabango ng usok na lumalabas mula roon.

Pagkatapos niyon ay lumuhod sa lupa ang babae paharap sa nakataling aso sa higaan. Naiintriga siya kung anong susunod na gagawin nito. When, suddenly, the girl raised a long, sharp and shiny thing in the air. Ilang saglit lang ay napagtanto niya kung ano iyon – it's a knife! Pagkatapos ay mabilis nitong tinarak ang kutsilyo sa walang kalabang-labang aso. She covered her mouth in shock with her own hands as she watched the poor animal being stabbed over and over again. At sa bawat pagtarak ng patalim nito roon ay unti-unting humihina ang iyak ng aso hanggang sa tuluyan na siyang walang narinig.

Is the pitiful animal dead? tanong niya sa sarili. Sa mga oras na iyon ay nanumbalik na ang kaniyang wisyo at napagisip-isip niyang mali ang desisyon niyang hanaping mag-isa si Calista. Bakit ba hindi niya naisip na baka may masasamang tao sa kagubatang ito o, mas malala, ay mga baliw. She started stepping backward nang madulas siya sa putik, mapasalampak sa basang lupa at mapasigaw dahil sa sakit ng kaniyang puwitan.

Memoirs of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora