Chapter 5: Teaching Assistant

22 5 2
                                    

Ika-19 ng Agosto, taong 1901

Lunes nang umaga


"T-TEACHING assistant?" utal na tanong ni Cassie sa antipatikong Amerikano na sinabihan niya ng asshole, jackass, jerk at marami pang nakakainsultong salita kahapon sa ilog. "M-me?"

Pagkatapos ay bigla niyang naalala kung anong sinabi ng antipatikong Amerikanong ito sa kaniya bago niya ito iwan mag-isa sa ilog.

You'll be a great employee for me.

Ang buong akala niya ay gusto siyang gawing katulong ng antipatikong Amerikanong ito nang sinabi nito iyon kahapon sa ilog. Ngayon niya nalaman na ang tinutukoy pala nito ay ang application ng totoong Casiana rito bilang teaching assistant nito.

"Yes," kumpirma nito. "Why? Don't you remember anymore? You applied for the post, right? Directly to me."

Shit! she cursed in her mind. Bakit ba kasi ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? Paano siya matatanggap nito – este, si Casiana – sa pagiging teaching assistant matapos niyang awayin ang antipatikong Amerikanong ito kahapon? Ano na ang gagawin niya ngayon?

"S-sir, a-about yesterday–"

Gusto niya sanang magpaliwanag dito tungkol sa nangyari kahapon at humingi na rin ng tawad. Kaso, natigilan siya nang biglang magsalita ito.

"Let the children in. They're already waiting outside for a long time."

Sinunod muna niya ang inutos nito. Nagpasya siyang mamaya na lang magpapaliwanag dito kaya naglakad na siya papunta sa pinto para papasukin ang mga bata. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya sina Don Carlos at Doña Celestina.

"Kumusta, hija?" excited na tanong sa kaniya ni Doña Celestina. "Mag-uumpisa na ba ang pakitang-turo mo?"

"Sandali lang," ani Don Carlos nang parang may nakita ito sa likuran niya. "S'ya ba ang magiging amo mo sa paaralang 'to?"

Lumingon si Cassie sa tinutukoy ng kaniyang ama. Alam niyang ang Amerikano ang tinutukoy nito dahil ito lang naman ang kasama niya sa loob ng silid-aralan.

"Opo, Papá," she answered.

Dire-diretsong pumasok si Don Carlos sa loob ng kwarto papunta sa Amerikano at naglahad ng kamay rito na tinanggap naman ng Amerikano.

"Nice meeting you again, sir," sabi ng Amerikano kay Don Carlos.

Halatang hindi naintindihan ni Don Carlos ang sinabi ng Amerikano kaya lumingon si Don Carlos sa kaniya na para bang nagsasabing i-translate niya ang sinabi nito sa Tagalog na siya namang ginawa niya. "Ikinagagalak n'ya raw kayong makita ulit, Papá." Then, she realized something. "Saglit. Ulit? Ibig sabihin ay magkakilala kayo?"

"Ikinagagalak din kitang makitang muli, Señor," sabi ni Don Carlos sa Amerikano nang matapos magkamayan ang mga ito. Pagkatapos ay sinagot nito ang tanong niya. "Oo, hija. S'ya 'yong sinasabi ko sa 'yong Amerikanong sundalo na nakakita sa 'yo sa kagubatan na walang malay at nagdala sa 'yo kay Calista para bigyan ka ng paunang lunas. S'ya rin ang naghatid sa 'yo sa bahay natin."

Shit! sa isip ni Cassie. Parang gusto niya tuloy kainin ng lupa ng buhay dahil sa kahihiyan. Ano ba namang kamalasan 'to? Bakit parang ang dami ko naman yatang atraso sa taong 'to?

"Hija," tawag sa kaniya ni Don Carlos na nakapagpanumbalik sa kaniya sa realidad. "Tanungin mo nga sa kan'ya kung anong pangalan niya. Pagkatapos ay ipakilala mo rin ako sa kan'ya."

"Um... Sir... My father wants to introduce himself to you," she said. "His name is Don Carlos Madriegos. And, he wants to know what's yours, sir."

"I already know him. Everybody knows the owner of this island," sabi ng Amerikano. "Anyway, my name's Prince Williams. Do you still remember me?"

Memoirs of LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang