Chapter 38: Wardrobe

17 3 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-7 ng Disyembre, taong 1901

Sabado nang tanghali

"PRINCE..." sambit niya sa pangalan nito dahilan para mapalingon ito sa pintuan ng opisina kung saan siya nakatayo. Animo'y napako ang mga paa niya sa kinaroroonan niya nang makita si Prince sa loob ng silid.

"Casiana..." tawag naman ni Prince sa kaniya. Hearing him say her name was like music to her ears.

"Casiana!" tawag ng isang panibagong boses sa kaniya dahilan para mapukaw ang pansin niya mula kay Prince. Hinanap niya kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. "Kumusta ka na?"

"Urbano?" She uttered his name. Then, suddenly, she became aware of the people who were inside the room. "Chino? Isidro? Anong ginagawa n'yong lahat dito?" Pagkatapos ay tuluyan silang pumasok ni David sa loob ng kwarto, nilapat ang pinto at sinara ang seradura niyon.

"Narito kami para kumustahin, kausapin, makita at humingi ng tawad sa 'yo, Casiana," sagot ni Urbano. "Pasensya ka na kung palaging ginugulo ng mga Philippine Constabulary ang pamilya n'yo, Casiana. Wala lang talaga 'kong magawa kung 'di sundin ang utos nina Señor Isagani't Captain Johnson dahil mas nakatataas sila kumpara sa 'kin. Pero, 'wag kang mag-alala. Sinigurado ko namang tanging ang mga pinakamababait kong tauhan ang pinagbantay at pinag-alaga ko kay Don Carlos nang nakulong s'ya no'n sa piitan sa Poblacion at ang mga pinakamahihinang tauhan ko naman ang pinadala ko nang tinugis kayo dati ni Captain Johnson."

"'Wag kang mag-alala, Urbano, tanggap ko na ang mga nangyari," sabi niya rito. "Alam kong pare-parehas lang tayong walang kontrol sa mga pangyayari."

"Ako rin, Casiana," wika naman ni Chino. "Patawarin mo sana 'ko kung 'di ko man lang kayo natulungan ng pamilya n'yo sa kabila ng kabutihang pinakita n'yo sa 'kin nang dumating ako rito sa isla n'yo."

"Gayundin ako, Casiana," gaya ni Isidro. "Humihingi ako ng dispensa para sa mga kasalanang nagawa ng Papa ko sa pamilya n'yo."

"'Di ikaw dapat ang humingi ng tawad sa 'kin, Isidro," pahayag niya rito na may halong inis. Hindi para rito. Kung 'di para kay Señor Isagani. "Pero, sabagay, kahit kahit na lumuha pa ng dugo ang Papa mo sa harapan ko'y 'di ko talaga s'ya kayang patawarin dahil sa pagsira n'ya sa paimlya ko."

"Pasensya ka na talaga, Casiana," ani Isidro. "Kung maaari ko lang itakwil ang Papa ko'y ginawa ko na. Kaso, pagbali-baliktarin man ang mundo'y ama ko pa rin s'ya. Pero, 'wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para tulungan kayo laban sa masasamang plano ng Papa ko't kay Captain Johnson."

"Salamat, Isidro," she sincerely thanked him.

"Me, too, Casiana." Prince talked to her, finally. "I would like to apologize to you for getting mad at you the last time we saw each other. I was just so frustrated, angry and desperate that time because the Pulahan abducted me. But, don't worry. Melchor told me everything. He said that you're the one who convinced him to help me escape. Thank you and I'm sorry."

"I should be the one to apologize to you," she said. "It was my fault that the Pulahan abducted you in the first place. If I just didn't believe in Zenaida that time, you wouldn't have been kidnapped. And, I'm really, really sorry for that."

"It's not your fault, Casiana," Prince told her. "Melchor told me that if the Pulahan wasn't successful in convincing you, they have another way on how to kidnap me. So, it's really just a matter od time before they can abduct me."

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon