Chapter 32: Separation

10 2 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-26 ng Nobyembre, taong 1901

Martes nang umaga

"PRINCE?" 'di makapaniwalang sambit ni Cassie sa pangalan nito habang nakasakay ito sa kabayo nitong nakaharang sa caruaje nila. Sa kabila ng sitwasyon nila ay hindi niya maiwasang hangaan ito dahil lahat ng mga kasamahan nito ay napatumba na ng mga Pulahan maliban dito.

"Casiana! Doña Celestina!" tawag ni Prince sa kanilang dalawa. "Where are you going? Are you really on the Pulahan's side now?"

"We don't know Prince," naguguluhang sagot niya rito. "But, I think they're the only ones we can trust now."

"You're just going to worsen the situation if you join them," katwiran nito. "But, if you'll just surrender, I'll do everything in my power to prove you and Doña Celestina's innocence."

"Yes, Prince. You may prove our innocence. But, it's not long enough before Señor Isagani and Captain Johnson kills us," she retorted.

"Don't you trust me, Casiana?" makabagbag-damdaming usisa ni Prince sa kaniya.

"I trust you, Prince," madamdamin ding tugon niya rito. "I really do. But, right now. We don't want to take the risk. Down here, we're surrounded by our enemies. Up there, we've got all the same enemies."

"Paparating na sila, Casiana!" sigaw ni Doña Celestina. Nang lumingon siya sa likuran ay natanaw niya mula sa malayo ang mga papalapit na Amerikanong sundalo at Philippine Constabulary sa kanila.

"Have faith in me, Casiana," Prince pleaded.

"Señorita Casiana, ilang saglit lang ay narito na sila!" babala ni Aling Pacita.

"Let me help you, Casiana," ani Prince.

Alam ni Cassie na hindi siya titigilan ni Prince maliban na lang siguro kung gawin niya ang isang bagay na mahirap maatim ng konsensiya niya.

"No, Prince!" sigaw niya rito. "There's nothing you can do to help us! I know how loyal you are to your duty, to your father, to your flag! Can you turn your back on them for us? I don't think so. I won't do the same mistake my father did which cost him his life. I won't just easily trust anyone – especially an American. So, please, for the last time, let us go!"

Biglang napayuko si Prince pagkasabi niya niyon. Pagkatapos ay bumaba ito mula sa kabayong sinasakyan nito at tinapik nito iyon dahilan para bigla itong tumakbo papalayo.

Tumabi ito sa daraanan nila at walang tinging-tinging sinabi, "You may go now."

Pagkasabi nito niyon ay mabilis na pinatakbong muli ni Manang Lourdes ang caruaje nila patungo sa kung saan, palayo sa mga humahabol sa kanila, palayo kay Prince na nakatayo at tinatanaw sila mula sa malayo, palayo sa lalakeng sinabihan niya ng masasakit na salita at hindi niya alam kung kailan niya muling makikita.

⏳⏳⏳

Ika-26 ng Nobyembre, taong 1901

Martes nang gabi

NAKAUPO sina Cassie, Doña Celestina, Calista, Aling Pacita at Manang Lourdes sa paligid ng isang bonfire habang humihigop ng mainit na sabaw sa kuta ng mga Pulahan sa kabundukan nang biglang dumating ang ilang kasapi ng mga Pulahan kasama si Mang Peping. Tinupad ng mga Pulahan ang pangako ng mga ito kina Aling Pacita at Manang Lourdes na itatakas si Mang Peping mula sa kamay ng mga Amerikanong sundalo kapag nakatakas sila mula sa kamay nina Captain Johnson. Halos kadarating-dating lang din nila roon bago lumubog ang araw. Iniwan na lang nila ang karawahe sa paanan nh

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now