Chapter 18: Confrontation

15 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-17 ng Setyembre, taong 1901

Martes nang tanghali

TINAKPAN ni Cassie ng kaniyang mga kamay ang kaniyang mga mata sa takot na masaksihan ang susunod na mangyayari. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao. Pagkatapos ay ang nakabibinging katahimikan. Out of curiosity ay dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay niya mula sa pagkakatakip niyon sa mga mata niya at doon ay nakita niya si Isidro na nakatapak na sa lupa. He was crouched over Prince who was lying on his back on the ground habang nakatukod ang arnis nito sa lupa, malapit sa ulo ni Prince. Mabuti na lang at hindi nito tuluyang sinaktan si Prince.

She sighed a breath of relief. Pero, hindi napigilan niyon ang pag-aalburuto ng damdamin niya kay Isidro. Mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang upuan at dali-daling lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Naunahan niya pa si Urbano na makalapit sa mga ito gayung mas malapit pa ito sa dalawang binate kumpara sa kaniya.

"Ano bang pumasok sa kokote mo, Isidro?!" nanggagalaiting tanong niya rito. "Pa'no kung nasaktan mo si Prince?! Ano?! May balak ka bang patayin s'ya?!"

"Don't worry about me, Casiana," wika ni Prince nang bumangon na ito mula sa pagkakahiga sa ibabaw ng lupa at tumayo mag-isa. "It's okay. I'm fine."

"That's what you thought," tiim-bagang na sabi ni Isidro nang ito naman ang tumayo nang tuwid. "But, it's not!"

"What's wrong with you, man?!" inis na tanong ni Prince dito. "I was just holding my temper against you since earlier because I thought that, maybe, you're just in a bad mood! But, now, I think you're really way out of line! Did I do something bad to you?! Tell me!"

"Really? You didn't know what mistake you did to me?!" sarkastikong tanong ni Isidro kay Prince. "Or, maybe, I should rephrase that question. What did you two do in Manila?" Pagkatapos ay pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Prince.

Biglang namutla si Cassie. Hindi siya makapagsalita. She opened her mouth to say something. But, nothing came out. Parang biglang umurong ang kaniyang dila.

"H-how did you know?" isinatinig ni Prince ang katanungan sa isip niya. "W-who told you?"

"It's not important how did I know or who told me," pahayag ni Isidro rito. "What's important is that if it's true!" Pagkatapos ay bumaling ito sa kaniya. "Totoo ba, Casiana?!"

Hindi makasagot si Cassie. Alam niyang hindi na niya maaaring itanggi pa iyon kay Isidro dahil sigurado siyang alam na nito ang totoo. Kung paano nito nalaman at kung sinong nagsabi rito ay hindi niya alam. Ang alam lang niya, bukod sa kanilang dalawa ni Prince ay si Calista lang ang nakakaalam niyon dahil kasama nila ito sa Maynila. Kaso, imposible namang ito ang nagsabi niyon kay Isidro dahil pinagkakatiwalaan niya ito.

Batid niyang wala ng silbi kung itatago niya pa ang bagay na iyon dahil, higit sa lahat, ay wala naman silang ginawang masama ni Prince kaya sa palagay niya ay wala siyang dapat ikahiya o ikatakot tungkol doon. Ang kinaiinis lang niya ay sa ganitong lugar pa talaga siya nito kinumpronta. At, sa harap ng napakaraming tao pa!

She felt embarrassed. Alam niyang hindi tama ang ginawa niyang paglilihim kay Isidro. Pero, wala itong karapatan na ipahiya siya nang ganito sa harapan ng maraming tao kung kaya naman hindi niya napaigilang bumangon ang galit niya rito.

"Yes, it's true," Prince confirmed for her. "But, it's just a coincidence that we met each other at the ship going to Manila. When we got there, we slept in the same room at a motel because we've got no choice. All the hotels and other lodging houses were full and its already night time. But, we did nothing wrong! You can even ask Casiana's yaya – Cristina! She's with us in Manila."

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now