Chapter 2: August 17, 1901

35 4 5
                                    

Ika-17 ng Agosto, taong 1901

Sabado nang hapon

NANG minulat ni Cassie ang mga mata niya ay tumambad sa harapan niya ang mukha ng isang magandang babaeng sa palagay niya ay nasa mid-forties na at nakadungaw sa kaniya habang siya ay nakahiga sa ibabaw ng isang kama.

"Gising na s'ya!" masayang pahayag nito.

"Talaga?" 'di makapaniwalang wika ng isang panibagong tinig. Nang lingunin niya ang pinanggalingan niyon ay nakita niya ang isang lalake. Abot-tenga ang ngiti nito habang nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ay bigla siyang nilapitan nito at niyakap. Dahil sa pagkagulat sa ginawa nito ay bigla niya itong tinulak. "S-sino ka? B-bakit mo 'ko niyakap? N-nasa'n ako? A-anong ginagawa ko rito?" sunud-sunod at takot na takot niyang tanong sa mga ito.

Natulala at naging blangko ang ekspresyon ng lalake sa kaniya. Ang babae namang nakaupo sa gilid ng higaan niya ay biglang napatakip ng kamay sa bibig nito at parang maluha-luha.

"D-Doktor, a-ano pong nangyari sa 'ming anak? B-bakit 'di po n'ya kami nakikilala?" naghihisteryang tanong ng lalake sa isang matandang lalakeng nasa loob ng kwarto na tinawag nitong "doktor".

"Minsan ay nangyayari talaga 'yan sa mga taong nakaranas nang malakas na pagkakabagok ng ulo," paliwanang ng doktor. "'Wag kayong mag-alala dahil baka bumalik din ang kan'yang mga alaala."

"Baka?" the lady repeated the operative word. Bakas ang pagkabahala sa mukha nito. "Baka? Ano pong ibig n'yong sabihin sa 'baka', doktor?"

Huminga muna nang malalim ang doktor bago sumagot. "May mga pangyayari kasing 'di na bumabalik ang alaala ng mga taong nakararanas ng pagkalimot dahil sa pagkabagok ng ulo. Sa ngayon ay magpasalamat na lang tayo't nagising ang inyong anak. Pero, kailangan pa rin natin s'yang obserbahan sa mga susunod na araw para malaman natin kung tunay ngang maayos na ang kan'yang kalagayan."

"Wala na po ba tayong ibang magagawa para makasiguradong babalik ang alaala ng anak namin?" tanong ng lalake sa doktor.

"Wala na," nakatungong sagot ng doktor. "Ang tanging magagawa natin ay manalangin at maghintay na sana'y bumalik ang alaala ng anak n'yo sa lalong madaling panahon. Sige. Paalam sa 'nyo't kailangan ko ng umuwi sa Poblacion." Pagkatapos ay siya naman ang pinagtuunan ng pansin ng doktor. "Magpahinga at magpagaling ka lang, hija. Babalik ako sa susunod na araw para suriing muli ang kalagayan ng 'yong sugat sa ulo. Paalam sa 'nyo." At saka lumabas ang doktor mula sa silid.

Hindi alam ni Cassie kung paano magre-react. Everything seemed like a dream.

Tama! Baka nananaginip lang ako, she thought. Then, she pinched herself.

"Ouch!" daing niya.

Shit! she mentally cursed. It hurts!

"Anong nangyari sa 'yo, anak ko?!" nag-aalalang tanong ng babae sa kaniya.

"Masakit ba ang sugat mo sa ulo?" natatarantang tanong din ng lalake sa kaniya nang daluhan siya nito.

Then, she noticed their clothes for the first time. Bakit nakasuot ang babaeng 'to ng pang-Maria Clara't ang lalakeng 'to ng camisa de chino saka slacks? Nagsayaw ba sila ng folk dance?

Pagkatapos ay napansin niya rin ang sariling damit niya.

What the heck?! reklamo niya sa isip. Anong nangyari sa t-shirt at denim pants ko? Bakit nakasuot din ako ng baro't saya?!

Sunod naman niyang napansin ang kwartong kinaroroonan niya. Bakit parang makaluma ang interior design ng kwartong 'to? 'Di naman sa nagrereklamo 'kong mainit dahil malamig naman ang paligid. Pero, bakit parang wala man lang aircon o electric fan dito? Saka bakit may lampara rito? Brownout ba? Kaso, wala rin naman akong nakikitang fluorescent light.

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now