Chapter 20: Dance

18 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-23 ng Setyembre, taong 1901

Lunes nang gabi

"LASING ka na yata, Isidro," komento ni Casiana rito na kasalukuyang nakikipagsayawa sa kaniya. Damn! She doesn't like the stink of alcohol.

"'Di naman masyado, Casiana," nakangiting wika nito sa kaniya, iyong tipong ngiti ng isang taong lasing. "Nakainom lang."

"Gano'n na rin 'yon!" inis niyang singhal dito. Gusto na sana niyang alisin ang pagkakapatong ng mga kamay niya sa balikat nito at ang pagkakahawak ng magkabilang kamay nito sa bewang niya. Kaso, hindi niya magawa.

Kung may isang lalake mang pinaniniwalaan niyang hindi lasing sa okasyong ito ay walang iba iyon kung 'di si Prince. Well, kanina pa kasi niya pasimpleng minamatyagan ito at nakikita niyang hindi ito gaano umiinom ng alak. Hindi tulad ng mga kasamahan nitong Amerikanong sundalo, lalo na iyong nagngangalang Captain Johnson na kanina pa siya tinititigan nang nakakakilabot, na kanina pa nilalantakan ang tuba kasama ang mga kainuman nitong sina Don Carlos, Señor Isagani, Chino, Urbano, David at ilan pang mga Pilipino.

"Bakit 'di ka makisali sa kanila?" tanong ni Cassie kay Isidro. TInutukoy niya ay ang kumpol ng mga lalakeng nag-iinuman sa hindi kalayuan.

"Ayaw mo na ba 'kong makasayaw, Casiana?" ganting-tanong nito sa kaniya habang nakanguso na animo'y nagtatampo.

The heck! "'Di naman sa gano'n," aniya rito. "Napapagod na kasi 'ko. Kanina pa tayo sayaw nang sayaw."

Totoo naman iyon. Simula kasi nang saluhin siya ni Prince mula sa pagkalaglag sa hagdan kanina ay hindi na siya nilubayan ni Isidro. Daig pa nito ang Doberman sa pagbabantay sa kaniya. Muntik na nga siyang hindi maisayaw ng ama niya sa panahong ito na si Don Carlos. Mabuti na lang at hindi pa ganoon kalasing si Isidro kanina kaya siguro ay alam pa nito ang lugar nito.

"Gusto ko na'ng magpahinga," pagpapatuloy niya.

"Gano'n ba? Sabagay, gabi na pala. Oras mo na para matulog," sang-ayon ni Isidro sa kaniya. "Tara! Ihahatid na kita sa kwarto mo."

"'Di na kailangan pa, Isidro," pigil niya rito. "Kaya ko ang sarili ko. Isa pa'y baka ikaw naman ang mahulog sa hagdan dahil sa kalasingan mo."

"Tinutulungan kasi akong maging manhid ng alak, Casiana," sabi nito sa kaniya.

"Huh? Manhid? Bakit?" nagugulumihanan niyang tanong dito.

"Natatandaan mo ba nang sinabi ko sa 'yo nang nakaraang nasa Poblacion tayo na ayokong maghiwalay tayo nang gano'n lang," sagot nito.

Naalala nga niya iyon. Tumango naman siya rito bilang tugon.

"Pinangako ko rin sa 'yong gagawin kong 'di malilimutan ang kaarawan mong 'to, 'di ba?" pagpapatuloy nito. "Ayoko kasing maghiwalay tayo nang 'di maayos, may galit at pagsisisi sa huli."

"'Di kita maintindihan," salubong ang kilay na wika niya rito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Pinapalaya na kita, Casiana," wika nito sa gumagaralgal na tinig. (Insert "Paubaya" by Moira Dela Torre.) Tumingala ito para siguro pigilin sa pagbagsak ang namumuong luha sa mga mata nito. Pagkatapos ay huminga muna ito nang malalim bago ito nagsalitang muli. "Napagtanto ko kasing ayokong matulad sa Mama ko. Ayokong makulong sa isang relasyon na ako lang ang nagmamahal. Gayunding ayokong makulong ka sa isang relasyong kasama ang isang taong 'di mo naman mahal. Nakita ko kung pa'no naging miserable ang buhay ng mga magulang ko sa piling ng isa't isa hanggang sa pumanaw na lang ang Mama ko't ayokong maranasan mo 'yon, Casiana. Sapat ng ako na lang ang makaranas ng kahirapan at kalungkutan dahil sa pagkawala mo. 'Wag lang ikaw, mahal ko."

Memoirs of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora