Chapter 26: Judgement

13 3 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-5 ng Nobyembre, taong 1901

Martes nang umaga

"MAY gusto pa bang itanong ang prosekusyon sa nagrereklamo?" tanong ulit ng judge.

"Wala na rin po, Judge Delgado," sagot ng prosecution.

"Kung gayon ay maaari na bang tawagin naman ng depensa ang nasasakdal?" usisa ng hukom.

"Opo, Judge Delgado," sagot naman ni Ginoong David. Pagkatapos ay pinapunta nito si Don Carlos sa witness stand na sinunod naman nito.

"Don Carlos Madriegos, manatili ka munang nakatayo para sa 'yong panunumpa," paalala rito ni Judge Delgado. Pagkatapos ay pinanumpa ito ng clerk tulad ni Señor Isagani kanina.

"Opo, nangangako po 'ko," Don Carlos pledged.

"Maari ka nang maupo," utos ng judge dito. "Defense, you may now proceed."

"Don Carlos, nasa'n ka nang ika-5 ng Setyembre, taong 1901, sa ganap na ika-11 ng gabi?" tanong ni Ginoong David dito.

"Nasa bahay po 'ko ni Mr. Bertrand," sagot ni Don Carlos.

"At ano namang ginagawa mo ro'n sa gano'ng oras ng gabi?" usisang muli ni Ginoong David.

"Nag-iinuman po kami ni Mr. Bertrand," tugon ulit nito.

"At bakit naman nag-iinuman kayong dalawa?" the attorney asked.

"Nais ko po kasing makilala si Mr. Bertrand," Don Carlos answered.

"'Yong totoo, Don Carlos," the defense attorney demanded as if he was the prosecutor. Kung hindi lang niya alam na rehearsed na ang lahat ng mga katanungan at mga magiging sagot ni Don Carlos dito ay baka maniwala pa siya sa acting nito. "Bakit nag-iinuman kayong dalawa ni Mr. Bertrand?"

"Dahil s'ya po ang amo ng anak ko," pagtatapat ni Don Carlos. "Sa kan'ya nakasalalay ang pagiging isang ganap na guro ng anak ko. Kung kaya gano'n na lang ang pagnanais kong maging malapit kami sa isa't isa."

"At bakit sa bahay kayo ni Mr. Bertrand nag-iinuman? Bakit hindi na lang sa bahay n'yo?" Mr. Tanza inquired.

"Ayaw kasi ni Mr. Bertrand na makita s'ya ng aking anak na umiinom o 'di kaya'y lasing," Don Carlos replied. "Kaya nagpasya kaming dalawa ni Mr. Bertrand na sa bahay na lang n'ya uminom."

"Kayong dalawa lang ang nagpasya na sa bahay na lang ni Mr. Bertrand uminom? Pa'no si Señor Isagani? Akala ko ba'y kasama s'ya sa mga inaya mong uminom nang gabing 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Ginoong David.

"'Di po 'yon totoo," tanggi naman ni Don Carlos. "'Di ko po inaya si Señor Isagani na sumali sa inuman namin ni Mr. Bertrand nang gabing 'yon. Kaya nga 'di ko po maintindihan kung pa'no n'ya nasabing ako raw ang bumaril kay Mr. Bertrand at kasapi ako ng Pulahan gayong wala naman s'ya nang gabing 'yon. Isa pa'y maging ako'y muntik ng mamatay nang gabing 'yon dahil binaril ako ng isang Pulahan."

"Judge Delgado, narito po ang ulat na tinala ng mga Amerikanong sundalong nakatalaga sa Isla Madriegos." Pagkasabi niyon ay inabot nito sa bailiff ang dokumento na binigay naman ng bailiff sa hukom. "Nakasaad po r'yan na nakita nga ng mga Amerikanong sundalo si Don Carlos Madriegos nang ika-6 ng Setyembre, taong 1901, sa pagitan ng alas-doce at alas-doce y media ng hating-gabi na may tama ng bala ng baril sa balikat." Pagkatapos ay may inabot na naman itong papel sa bailiff na pinasa naman nito ulit sa judge. " pa r'yan ay 'yan naman po ang reseta ng mga gamot na mula sa doktor ni Don Carlos na nagpapatunay na nabaril nga si Don Carlos. At, panghuling ebidensya'y ang mismong sugat na natamo ni Don Carlos nang mabaril s'ya ng Pulahan sa balikat." Pagkatapos ay hinarap nito ang kliyente nito. "Don Carlos, maaari mo bang ipakita sa hukumang 'to ang 'yong sugat sa balikat?"

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon