Chapter 28: Proclamation

14 3 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-16 ng Nobyembre, taong 1901

Sabado nang umaga

KINABUKASAN ay nagising si Cassie dahil sa ingay na nagmumula sa ibabang bahagi ng bahay nila. Para bang may commotion doon dahil sa ingay ng mga tao. Because of that ay mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama at bumaba. Nakita niya ang mga babaeng kasambahay nila na nag-iiyakan habang sina Mang Pedring – ang kutsero nila – ay nakatali ng lubid ang mga kamay at tinutulak ng mga Amerikanong sundalo palabas ng bahay nila. Ang ilan naman sa mga Amerikanong sundalo ay bitbit ang kanilang mga sako ng bigas at pati mga itak nila.

"Anong nangyayari rito?" tanong niya habang pababa siya ng hagdan.

"Casiana!" nag-aalalang tawag sa kaniya ni Doña Celestina. "Anong ginagawa mo rito? Bumalik ka sa 'yong silid! Ngayon din!"

Pero, hindi siya nakinig dito. Sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makalapit siya kay Doña Celestina. Alam niyang hindi ito natatakot. Siguro ay nag-aalala lang ito sa pwedeng gawin ni Captain Johnson sa kaniya lalo na at nakuwento na niya rito kahapon ang tangkang panggagahasa ni Captain Johnson sa kaniya at ang lahat ng mga lihim na binunyag nito sa kaniya. Isa kasi si Captain Johnson sa mga Amerikanong sundalong naroon sa bahay nila ngayon.

"Sa'n nila dadalhin si Mang Pedring? Anong kasalanan n'ya? May ginawa ba s'yang masama? Saka, bakit kinukuha nila ang mga sako ng bigas natin? Pati ang mga itak natin? Anong gagawin nila sa mga 'yon?" sunod-sunod niyang tanong kay Doña Celestina. Tinitigan naman siya nang masama ni Captain Johnson na nagpakilabot sa kaniya. Pagkatapos niyon ay umalis na ang mga ito kasama ang mga lalakeng kasambahay, mga sako ng bigas at mga itak nila.

"Wala s'yang kasalanan, hija," sagot sa kaniya ni Doña Celestina. "Utos lahat 'yon ng alcalde." Pagkatapos ay pinakita nito sa kaniya ang isang papel. Kinuha at binasa naman niya ang nakasulat doon.

PROCLAMATION

Town of Lacrimosa, November 16, 1901

To the people of Isla Madriegos,

By the power vested in me by the government of the United States of America, I allow the American soldiers to round up all healthy and adult men in Isla Madriegos to help them in their clean-up operations in the forest for one month. In addition to this, I also allow them to collect sacks of rice from every family which will be used to feed the men for days and to gather all of the bolo knives or itak from every family which will be used to cut down the trees. Another, no resident of Isla Madriegos or anything can come out of the island without Captain Jack Johnson's written permission.

Disobedience to this proclamation will be considered as a form of rebellion and that individual shall be punished accordingly.

By authority of the Municipal Mayor,

ISAGANI MARASIGAN

Pagkatapos mabasa ni Cassie ang nakasulat sa papel ay nilamukos niya ito.

"Tahan na po kayo, Aling Pacita, Manang Lourdes," pangongonsola ni Doña Celestina sa mga kapamilya nila Mang Pedring. Si Aling Pacita kasi ang nanay ni Mang Pedring, si Manang Lourdes naman ang asawa ni Mang Pedring. Ayon kay Doña Celestina, matagal ng naninilbihan bilang mga kasambahay ang pamilyang ito sa mga Madriegos mula pa nang kabataan ni Manong Rogelio – ang asawa ni Aling Pacita na matagal ng pumanaw. Marahil kaya iyak nang iyak ang mga ito ay dahil na-trauma na ang mga ito na baka mangyari kay Mang Pedring ang nangyari kay Don Carlos.

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now