Chapter 17: Arnis

16 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-17 ng Setyembre, taong 1901

Martes nang umaga


"PRINCE," tawag ni David Tanza rito kasabay nang pagsambit ni Cassie sa pangalan nito. Mabuti na lang at nagkasabay sila nang banggit sa pangalan ni Prince dahilan para hindi nito marinig na tinawag niya ang ngalan nito. Hindi naman sa dahil ayaw niyang malaman nitong tinawag niya ito. Kung 'di sa kadahilanang ayaw niyang mapahiya rito. Paano ba naman? Hindi siya pinansin nito. Walang tinging-tingin lang siyang nilampasan nito. And, it pained her heart that from being close friends, they now turned into strangers. "What're you doing here? Where's Zenaida?"

"We're together just a while ago," sagot ni Prince dito. "But, something came up that's why she went home early to the island."

"I wonder what really happened that she decided to go home just by herself," sabad ni Isidro sa usapan na animo'y nagpapasaring.

"What do you mean? Are you implying something, Isidro?" kunot-noong tanong ni Prince dito.

"Ano ka ba, Isidro? Kanina'y si David ang inaaway mo. Ngayon nama'y si Prince ang pinagdidiskatahan mo! Bakit parang ang init-init yata ng ulo mo ngayon? Minsan na nga lang tayo makumpletong lima. 'Tapos ay 'di pa ba tayo magkakasundo-sundo?" sermon ni Urbano rito.

"Oo nga naman," sang-ayon ni Chino rito. "Bakit 'di na lang kaya tayo manood ng mga paligsahan para malibang naman tayo?"

"Ayoko," masungit na tanggi ni isidro. "Nakakainip 'yon."

"Ganito na lang. Imbis na manood, bakit 'di na lang kaya tayo ang sumali sa mga paligsahan?" suhestiyon ni David sa mga kasama.

"Magandang ideya 'yan, David!" sang-ayon ni Urbano. "Ang totoo n'ya'y kaming mga nasa Philippine Constabulary ay merong paligsahan na pangungunahan mamaya – ang paligsahan sa pakikipaglaban gamit ang arnis! Baka nais n'yong sumali?"

"Talaga? Gusto ko 'yan!" excited na wika ni Isidro. "Nais ko rin namang magpapawis ngayon. Sinong sumasang-ayon sa 'nyong makilahok tayo sa paligsahan gamit ang arnis sa pakikipaglaban?"

"Ako!" sang-ayon ni Urbano na may kasamang pagtaas ng kamay. Kasabay niyon ay pinagtinginan siyang bigla nina Prince, Isidro, David at Urbano na parang tinubuan ito ng isa pang ulo.

"Pinagloloko mo ba kami, Urbano?!" tanong ni Isidro rito sa mataas na boses. "Alam naman nating sa 'ting lima'y ikaw ang pinakamagaling sa paggamit ng arnis. Nakalimutan mo na bang ikaw ang nagturo sa 'min kung pa'no gumamit n'on?!"

"Nagbibiro lang ako, Isidro," bawi ni Urbano rito. "'Wag kayong mag-alala. 'Di ako kasali. Sa halip ay ako ang tatayo bilang tagahatol sa paligsahan. Saka, kahit 'di naman ako sumali'y 'di rin kayo nakakasigurado kung aabot kayo sa huling bahagi ng paligsahan na magpapahayag kung sino ang pinakamagaling sa pakikipaglaban gamit ang arnis."

"Ah, gano'n ba? Masyado mo yata kaming minamaliit, Urbano. Ang pinakaayoko sa lahat ay ang hinuhusgahan kaagad ang kakayahan ko. Sige. Sasali ako!" ani David.

"Ako rin!" Chino volunteered. "At kung sakaling manalo ko, na siguradong mangyayari, ay gusto kong maglaban tayong dalawa, Urbano!"

"How about you, Prince? Are you not going to join the contest?" tanong ni Isidro rito na may kasamang isang nakakalokong ngiti. "Oh, yeah! I remembered that among us five, you're the least experienced when it comes to fighting using arnis. I understand it now. Of course, if I were you, I would really scared to get embarrassed when I lose in front of the spectators."

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon