Chapter 10: Yayá

33 6 5
                                    

Ika-6 ng Setyembre, taong 1901

Biyernes nang umaga

MAG-IISANG linggo nang walang pasok sa Isla Madriegos Primary School bilang pagluluksa simula nang mamatay ang Thomasite na si Mr. Bertrand. Pero, hindi na ito pinaglamayan sa isla dahil dinala rin kaagad ang bangkay nito sa Amerika para doon ilibing kasama ang mga pumanaw nitong mga magulang ayon na rin sa huling habilin nito na kung sakaling mamatay ito sa Pilipinas ay sa Amerika pa rin ang gusto nitong maging huling hantungan.

Noon lang niya napag-alaman mula kay Prince na nag-iisa na lang pala sa buhay si Mr. Bertrand. Kaya pala malakas ang loob nitong maging isa sa mga gurong ipinadala sa Pilipinas. Bukod kasi sa wala na itong mga magulang ay wala rin itong asawa at anak. Naisip niyang kaya pala ito masungit ay marahil dahil nag-iisa na ito sa buhay. Sana pala ay inunawa na lang niya ito imbis na kinainisan. Kaso, huli na ang lahat. Wala na si Mr. Bertrand.

Pero, hindi ibig sabihin niyon ay titigil na ang edukasyon para sa mga bata dahil wala na si Mr. Bertrand. Dahil doon ay sinamantala niya ang mga araw na walang pasok para gawin ang mga pagbabagong nais niyang gawin sa paaralan. Bumili siya ng mga kagamitan sa pag-aaral at pagtuturo sa pinakamalaki at nag-iisang general merchandise store sa loob ng isla na pagmamay-ari ng Intsik na si Chino Syjuco.

Bagaman purong Intsik si Chino ay Western ang naming convention na ginagamit nito dahil nang panahon ng mga Kastila, iyong mga Intsik na piniling manirahan dito sa Pilipinas ay pinabago ng mga Espanyol ang mga pangalan nila. Iyong mga Chinese names nila na kalimitan ay binubuo ng three syllables ay ginawang apelyido nila. Pagkatapos ay pinagamit sila ng Spanish names bilang first names nila. Kaya hindi na siya magtataka kung ang Chinese name ni Chino ay baka Sy Wu Co, See Yu Ko or something which sounds like that. Pagkatapos ay in-adopt na lang nito ang Spanish name na Chino. Kaya naging Chino Syjuco ang pangalan nito sa Pilipinas.

Pagkatapos niyon ay nagpahatid na ito kay Mang Oscar papunta sa paaralan para ayusin ang magiging leksyon ng mga estudyante para sa pagpapatuloy ng klase sa susunod na linggo. Napakarami niyang kailangang asikasuhin lalo na at siya na lang ang mag-isang magtataguyod ng pag-aaral ng mga bata.

Kasalukuyang inihahanda niya ang lesson plans niya para sa susunod na linggo nang biglang dumating ang isang taong gustong-gusto na niyang makita simula pa nang nakaraan.

"Calista!" tawag niya sa pangalan ng babaylan.

"Casiana," tawag naman nito sa kaniya. Nakalimutan niyang hindi pa pala niya nasasabi rito ang totoong pangalan niya. Inalis naman nito ang telang nakabalabal sa mukha nito, revealing her whole face.

"Sige," aniya rito. "Hahayaan kitang tawagin mo 'kong Casiana. Pero, Cassie Anne Palafox talaga ang buong pangalan ko. Pero, tawagin mo na lang akong Cassie para maikli."

"Cassie," pag-uulit ni Calista sa palayaw niya.

"Maupo ka," sabi niya rito. Naupo naman ito sa bench malapit sa teacher's table kung saan siya naroon. "Alam mo bang matagal na kitang gustong puntahan. 'Buti na lang at pinuntahan mo 'ko rito. Pero, bakit ka nga pala napadpad dito?"

"Narito 'ko para sana makibalita kung anong nangyari kay Don Carlos," sagot nito sa kaniya.

"Oo nga pala," aniya nang maalalang tatay nga rin pala nito si Don Carlos. "Nabaril siya ng isang Insurrecto kagabi. Pero, 'wag kang mag-alala. Nasa maayos na s'yang kalagayan ngayon."

"Gano'n ba?" wika ni Calista. Kahit sinabi niyang nasa mabuting kalagayan na si Don Carlos ay mababakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala para sa ama. "S'ya nga pala, bakit mo nga pala 'ko gustong puntahan? 'Di ba't pinagbabawalan ka na ni Doña Celestina na makipagkita sa 'kin?"

"Alam kong bawal tayong magkita," sabi niya rito. "Kaso, kailangang-kailangang ko ang tulong mo dahil ikaw lang naman ang nakakaalam tungkol sa totoong pagkatao ko. Saka babaylan ka, 'di ba? Kaya, maipapaliwanag mo siguro kung ano 'tong nangyayari sa 'kin."

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now