Chapter 34: Hostage

12 1 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-27 ng Nobyembre, taong 1901

Miyerkules nang umaga

NANG imulat ni Cassie ang kaniyang mga mata ay natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang bahay-kubo. Hindi niya maalala kung paano siya nakarating doon. Ang huli lang niyang natatandaan ay nakita niyang nakahandusay ang walang-malay na si Prince sa ibabaw ng lupa dahil pinukpok ito ni Zenaida ng kahoy sa likod ng ulo. Maging siya rin ay nawalan ng malay nang may nagtakip ng panyo sa kaniyang ilong dahilan para siya ay makatulog.

"Gising na po s'ya, Doña Celestina!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin niya ang pinagmulan ng tinig na iyon ay hindi nga siya nagkamali – it was Calista. Nakatayo ito sa pintuan kung saan pumasok mula roon ang nag-aalalang si Doña Celestina.

"Casiana!" tawag nito sa kaniya. "Kumusta ka na, hija?"

"M-medyo inaantok pa rin po 'ko," groggy niyang sagot dito.

"Sige, hija," wika nito sa kaniya habang hinahaplos ang ibabaw ng ulo niya. "Matulog ka pa."

Umiling naman siya rito bilang sagot habang pinipilit na maupo. She might be sleepy. But, her curiosity gets the most of her. "N-nasa'n po 'ko? P-pa'no po 'ko nakarating dito? S-si Prince? Si Zenaida! T-in-raydor n'ya kami! A-ano pong nangyari kay Prince?!"

"Narito pa rin tayo sa kuta ng mga Pulahan, hija," sagot ni Doña Celestina sa sunod-sunod niyang mga tanong. "Pero, bago ko sagutin ang iba mo pang mga katanungan, nais ko munang malaman kung bakit ka bumaba ng kapatagan nang 'di ko man lang nalalaman? Pa'no kung may masamang nangyari sa 'yo? H-hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawawala sa 'kin, Casiana!" Then, Doña Celestina burst into tears. Bigla tuloy siya nakaramdam ng guilt.

"Paumanhin po, Mama," sinserong paghingi niya ng tawad dito. "Pasensiya na po kung 'di ako nag-isip nang matino. Masyado po 'kong nagpadalos-dalos sa desisyon kong makipagkita kay Prince sa huling pagkakataon kasama si Zenaida."

"Si Zenaida," mapang-uyam na banggit ni Doña Celestina nang tumahan ito sa pangalan ng kaibigan niya – este, ng totoong Casiana – na ulit silang pinagtataksilan. "Sabagay, kahit 'di ka naman pumayag ay gagawa't gagawa sila ng paraan para mapasang-ayon ka't maisakatuparan ang plano nila."

"Ano pong ibig n'yong sabihin, Mama?" she asked confusedly.

"Ginamit ka lang ng mga Pulahan para dukutin si Prince," Doña Celestina answered. "Nakipagsabwatan sila kay Zenaida para malaman nila kung nasaan si Prince at dukutin ito na matagumpay nilang nagawa."

Then, she remembered ang ginawang panloloko ni Zenaida sa kanilang dalawa ni Prince. Her blood boiled because of her.

"Kailangan kong makausap si Zenaida," wika niya habang tumatayo mula sa higaan niya. Medyo nawala na ang hilo niya at bahagyang nanumbalik na rin ang kaniyang lakas. Hindi na siya nagawang pigilan nina Doña Celestina at Calista. Mabilis siyang lumabas ng bahay-kubo at saktong nakita ito kaagad. "Zenaida!" galit niyang tawag dito. Pagkatapos ay nag-martsa siya papalapit dito. Gustong-gusto niya itong sabunutan, sampalin at hampasin din ng kahoy sa ulo. Kaso, mas pinili niyang magtimpi. "Isa kang sinungaling! Akala ko pa naman ay bukal sa kalooban mo ang pakikipagbati mo sa 'kin. Bakit nagawa mo sa 'kin 'to?!"

"Sa tingin mo ba'y makikipag-ayos talaga 'ko sa 'yo?" sarkastikong tanong sa kaniya ni Zenaida. "Sa babaeng tinuring kong matalik na kaibigan. Pero, sumira sa buhay ko, umagawa sa kasintahan ko't naging dahilan ng pagkamatay ng Papa ko?"

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now