Chapter 21: Observation

17 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.

Ika-24 ng Setyembre, taong 1901

Martes nang umaga

BALIK-ESKWELA na muli ang mga bata sa Isla Madriegos. Maagang dumating si Cassie sa paaralan. Si Zenaida naman ay nahuli na naman tulad ng dati. Nag-uumpisa na ang klase nang dumating ito. Matagal din silang hindi nagkausap na dalawa. Ang huling pagkikita nila ay iyong may pasok pa sa ekwelahan. Sa labis niyang pagtataka ay hindi ito nagpunta sa kaarawan niya kahapon. Nang tanungin niya ang ama nitong si Ginoong Sergio Segovia na dumalo sa kaarawan niya ay sinabi lang nitong masama raw ang pakiramdam ng anak nito. Hindi niya kaagad nakuhang kumustahin ang kalagayan nito dahil naging abala siya sa paghahabol ng mga leksyon sa klase nila na nalampasan nila dahil sa sunud-sunod na okasyon sa bayan nila. Nang magre-record na siya ng attendance ng mga estudyante ay nag-volunteer si Zenaida na ito na raw ang gagawa niyon para makapag-check na siya ng mga exams ng mga ito sa loob ng faculty room. Nang tahimik na sa silid-aralan, na ang ibig sabihin ay nakauwi na ang mga estudyante, ay pinuntahan niya na ito para makipagkuwentuhan.

"Zenaida? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya rito nang lapitan niya ito. "Sinabi kasi sa 'kin kagabi ni Ginoong Sergio na kaya 'di ka nakadalo sa kaarawan ko'y dahil masama ang pakiramdam mo."

"Oo. Masama nga ang pakiramdam ko. Pasensya ka na pala't 'di man lang ako nakabili ng regalo para sa kaarawan mo. May sakit na kasi ako simula nang dumating ka rito – este – simula nang Miyerkules," malamig nitong sagot.

"Ah... Oo nga. Natatandaan ko na. 'Yon 'yong araw na nagkita-kita kami sa Poblacion at sinabi ni Prince sa 'min na kailangan mong umuwi kaagad dahil may nangyari sa 'nyo. 'Di naman n'ya nasabing masama pala ang pakiramdam mo. Pero, ayos ka na ba? Anong nangyari sa 'yo? Nakapagpatingin ka na ba sa doktor?" sunud-sunod niyang usisa rito.

"Ayos na 'ko, Casiana. Kaya nga nakapasok na 'ko ngayon sa eskwela, 'di ba?" mapang-uyam nitong wika. At sa tingin niya ay alam niya kung bakit.

"Sandali. May problema ka ba, Zenaida?" she asked her back.

"Oo, Casiana!" pasigaw na sagot nito. "May problema 'ko."

"Ano 'yon, Zenaida? Tungkol ba 'yon kay Prince?" she inquired concerningly.

"P-pa'no mo nalaman?" nagtatakang tanong naman nito sa kaniya.

Humingan muna siya nang malalim. Pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay nito to show sympathy. Pero, binawi rin nito ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya at nagpatuloy sa pagsasalansan ng mga textbook sa bookshelf. Inunawa na lang niya ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabi n'ya sa 'kin kagabing nag-cool-off daw muna kayo. 'Wag kang mag-alala dahil ang ibig sabihin ng cool-off sa salitang Ingles ay pahinga. Kaya, 'di pa naman talaga kayo hiwalay na dalawa. Malay mo, 'pag nakapagisip-isip si Prince ay bumalik s'yang muli sa 'yo."

"'Di ako naniniwala r'yan, Casiana!" mariing kontra nito. "Sa palagay ko'y may ibang babae na s'yang kinahuhumalingan!"

Nagulat siya sa biglang pag-aalsa ng boses nito. Nagpasya na lang siyang sakyan ang hinuha nito dahil nagngingitngit na ito sa galit. "Sigurado ka ba r'yan, Zenaida? Sino naman sa tingin mo ang babaeng 'yon? Kilala mo ba?" she indulged her.

"Syempre, 'di n'ya aaminin sa 'kin 'yon at lalong 'di n'ya sasabihin sa 'kin kung sino!" she replied vehemently to her. "Pero, 'pag nalaman ko kung sino 'yon ay sisiguraduhin kong pagbabayaran n'ya ang pang-aakit n'ya sa pinakamamahal ko!"

"'Wag kang magpadalos-dalos sa mga salitang binibitiwan mo, Zenaida," she warned her in a friendly way, afraid to irritate her more. "Gusto mo bang kausapin ko s'ya para sa 'yo?"

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now