Chapter 29: Search Warrant

11 2 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-18 ng Nobyembre, taong 1901

Lunes nang umaga

HINDI alam ni Cassie kung matutuwa ba siya kay Prince o hindi dahil sa pagdating nito. Paano ba naman? Tinutulungan nga sila nito sa pagbubuhat ng mga kaban-kabang ginapas na palay papunta sa kamalig. Kaso, binabalandra naman nito sa madla ang mala-Adonis nitong katawan. Tuloy, kitang-kita niya sa mata ng mga kadalagahan, at kahit nga may-asawa na, ang pagnanasa rito. At hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit ba naiinis siya sa mga ito, lalo na kay Prince.

"Wear your clothes, will you?!" sarkastiko niyang utos dito nang lumapit ito sa kinaroroonan niya para kunin ang sako ng ginapas na palay at dalhin sa kamalig.

"My shirt is so wet of sweat," sagot nito sa kaniya. "I might get sick if I can continue wearing it. Why? Is my being shirtless bothering you?"

Her cheeks colored because of Prince's question at her. "What?! No! Why would I be bothered of you being shirtless?! Flaunt your body to everyone here if you want! Showoff! Bahala ka nga r'yan!" Pagkatapos ay nilayasan niya ito para lumapit sa kinaroroonan ni Doña Celestina.

"Wait," pigil sa kaniya ni Prince. "What?!" Pero, hindi niya pinansin ito. Paano ba naman? Nakakainis kasi ito! Pagkatapos, nasabi pa niyang "flaunt your body to everyone here if you want" imbis na "you can get sick if you want". Para sa kaniya, mas okay na iyong isipin ni Prince na concerned siya sa health nito kesa isipin nitong ayaw niyang dini-display nito ang katawan nito sa madla. Baka isipin pa nitong nagseselos siya.

⏳⏳⏳

SUMAPIT na ang gabi sa buong isla kung kaya naman nagsipaguwian na ang mga tao sa kaniya-kaniyang bahay ng mga ito. Gayundin sina Cassie, Doña Celestina, Manang Lourdes, Nene at Calista. Hindi nila kasama si Aling Pacita dahil naiwan ito sa bahay para magluto ng pagkain nila at dahil matanda na rin ito para tumulong pa sa gawaing-bukid.

Kasama rin nila sa pauwi sa bahay nila ang lalakeng kanina pa niya iniiwasan – walang iba kung 'di si Prince Williams III!

"So, where have you been again, Prince? Why're you not with the other American soldiers that are in the forest?" tanong ni Doña Celestina which lifted the awkwardness between them.

"As I've told you earlier, I just came back from Manila," sagot ni Prince dito. "Our captain gave me an errand at Fort Santiago."

"Ah... Yes, I remember now," wika ni Doña Celestina nang magunita nito ang pangyayari kaninang hapon nang tinanong din nito si Prince kung saan ito nanggaling. Iyon din ang pagkakataong kitang-kita niya sa mga mukha ni Prince ang pagkagulat nang marinig nitong nagsalita sa wikang Ingles si Doña Celestina. "So, you don't have any idea about the mayor's orders, huh?"

Prince nodded. "Yes, ma'am. All I know is that our superiors from Baguio are coming soon to this island for inspection."

"Did you say that your superiors are from Baguio?" usisa ni Doña Celestina kay Prince.

"Yes, ma'am," sagot ni Prince.

May sasabihin pa sana si Doña Celestina kay Prince. Kaso, naudlot iyon nang bigla siyang nagsalita.

"Then, why don't just the Americans do the cleanup operations by themselves?" mainit na ulo niyang tanong. Hindi niya alam kung dahil mainit talaga ang ulo niya kay Prince o baka dahil lalong uminit ang ulo niya nang malamang isa pala sa dahilan kung bakit sapilitang pinagtrabaho ang mga kalalakihan sa isla nila ay dahil sa pagdating ng mga bossing ng mga Amerikanong sundalo. "It's their bosses, not ours!"

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon