Chapter 23: Arrest

18 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-3 ng Oktubre, taong 1901

Huwebes nang umaga

"Good morning, Mr. Williams!" biglang bati ng mga estudyante ni Casiana na kumuha ng pansin niya. Mula sa pagmamarka sa mga pagsusulit ng mga mag-aaral ay napatingin siya kaagad sa nakabukas na pintuan ng silid-aralan. Doon niya nakita kung sino ang dumating. It was none other than Prince.

"Good morning, class," ganting-bati naman ni Prince sa dati nitong mga estudyante. "You're all grown up now, eh? You may all take your seats."

Sinunod naman siya ng mga bata. Pagkatapos ay nagpatuloy ang mga ito sa pagkopya ng nakasulat sa pisara sa sariling kwaderno ng mga ito.

"Good morning to you, too, Casiana," Prince greeted her, too. "I'm sorry if I disturbed you."

"No, it's okay. Come in," anyaya niya kay Prince. Humakbang naman nga ito papasok loob ng silid-aralan. Pero, hanggang sa pinto lang ito. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya sa teacher's chair at saka naglakad papalapit dito. "Class, continue copying what's written on the board," tagubilin niya sa mga ito. "What're you doing here, Prince?" tanong niya rito nang makalapit siya rito.

"Well... I saw Zenaida earlier," Prince answered. "I asked her why is she not at the school. Then, she told me that she quitted her job here yesterday. Is that true?"

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Prince sa kaniya dahil wala naman talaga silang usapan kahapon ni Zenaida na magre-resign na ito. Bigla na lang itong hindi pumasok ngayon. Although, sa palagay niya, kaya hindi ito pumasok ngayon ay dahil sa alitang namagitan sa kanilang dalawa kahapon.

"I think so, too," may kalabuang sagot niya rito.

"She also told me about your confrontation yesterday," sabi ni Prince dahilan para mapatingin siya rito, curious about how much Zenaida told him. "She told me that you already knew the whole story about why we broke up."

So, he knew everything, she thought. Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkailang sa pagitan nilang dalawa. How can this man stand here knowing that I know that he likes me? Dapat ko na rin bang aminin sa kan'yang gusto ko rin s'ya? Talaga bang gusto n'ya rin ako?

"Y-yes, Prince," she confirmed, stammering and blushing. "I... I was really wondering how did Isidro knew that we're together in Manila last time. But, when Zenaida told me that she's the one who told Isidro about it, I was surprised. But, what shocked me the most was when she told me that she never thought of me as a friend. That's because I really thought that we're best friends." Pagkasabi niya niyon ay napayakap siya sa sarili niya.

Hindi kaagad nakakibo si Prince. Napayuko na lang ito. Pagkatapos ay bumuntong-hininnga nang napakalalim. Then, he spoke again. "I'm sorry that you had to be involved in our fight, Casiana. I was just being honest about what I'm feeling because I don't want to keep lying to her. I don't want to keep her around even though I knew that I'm not in love with her anymore. Because, when I love someone, it's for real."

Prince's last sentence caught her attention. Dahil doon ay nag-angat siya ng paningin dito. Their gazes were locked at one another. May kung ano sa mga mata nito na nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Suddenly, the surroundings were fading away and the time stopped. Pakiramdam niya ay gumagalaw ang hamba ng pintuan, slowly squeezing them closer together. Bumalik lang siya sa wisyo niya nang tumama ang likod niya sa hamba ng pinto. Doon niya napagtantong dahan-dahan palang tinatawid ni Prince ang espasyo sa pagitan nilang dalawa habang siya ay nahakbang nang paurong mula rito. Hindi siya makapaniwalang hindi niya napansin iyon. Prince hypnotized her with his dazzling blue eyes. Para siyang nabudol nito!

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon