Chapter 12: S.S. Orient

19 3 1
                                    

Ika-10 ng Setyembre, taong 1901

Martes nang umaga


KASALUKUYANG naghahanda si Cassie para sa klase niya ngayong umaga nang biglang dumating si Prince sa loob ng kaniyang silid-aralan.

"Good morning," bati nito sa kaniya.

Kung katulad lang ng dati ang lahat ay masaya na siya dahil sa pagdating nito. Kaso, kahapon ay nagpasya na siyang layuan ito para sa ikabubuti ng lahat.

"Good morning, too," malamig niyang bati rito nang walang tingin-tingin. Pagkatapos ay nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Is Zenaida here already?" tanong ni Prince sa kaniya.

Of course, sino pa bang pinunta n'ya rito? Eh, 'di ang girlfriend n'ya! she thought.

"I told here to come today and assist you in teaching," pagpapatuloy nito.

Kung hindi niya lang alam ang totoo ay iisipin niyang concerned ito sa kaniya kaya siya nito pinapatulungan kay Zenaida para magturo. Pero, ang totoo ay dahil iyon sa pabor na hinihingi nito sa kaniya at iyon ay ang igawa niya ng recommendation letter si Zenaida, na pinangako naman niyang gagawin para rito, kapag naging certified teacher na siya para makapag-apply rin ito bilang guro sa Bureau of Education sa Maynila.

So, para sa'n pa 'tong palabas n'yang 'to? she told within her.

"You don't have to do that," pahayag niya rito. "I'll give her the recommendation letter as promised."

"It's not like that, Cas–"

"By the way," singit niya sa pagsasalita nito. "Can you watch the classroom for me? I've got to do something in the faculty room."

"Is there something I can help you with?" tanong nito sa kaniya.

"None," diretsong sagot niya rito. "Just wait for your girlfriend here."

Hindi niya alam kung nahalata ba ni Prince ang mapang-uyam niyang pag-emphasize sa salitang 'girlfriend' dito. Basta tumayo siya kaagad mula sa teacher's chair, mabilis na pumasok sa loob ng faculty room at sinara ang pinto. She knew that she's being rude to him. Pero, mabuti na nga rin siguro iyon para magalit ito sa kaniya at iwasan din siya nito tulad ng pag-iwas niya rito.


⏳⏳⏳


Ika-11 ng Setyembre, taong 1901

Miyerkules ng umaga


"GOOD morning, Casiana," bati ni Prince sa kaniya nang dumating na naman ito sa paaralan.

"Good morning, too," malamig niyang bati rito. "Zenaida's not here yet."

"It's okay," wika naman nito. "I didn't come here for her."

Kung gano'n ay sinong pinunta mo rito? Ako? sarkastikong tanong niya rito. Pero, mas pinili na lang niyang hindi isatinig iyon. Sa halip ay hindi na siya nagsalita pa. Panandaliang namangitan sa pagitan nilang dalawa ang isang nakakailang na katahimikan na si Prince ang bumasag.

"Is there something wrong, Casiana?" kunot-noong tanong nito sa kaniya.

"None," mataray niyang sagot dito. "Why do you ask?"

"Never mind," tugon naman nito. "Anyway, I don't know if you already knew. But, the town fiesta will be next week. It means that there'll be no classes here at school for the whole next week because even the students will be busy in helping their parents for the week-long celebration. So, I suggest that we both go to the Bureau of Education in Manila next week because you have no classes to worry about."

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon