Chapter 4: The River

23 4 2
                                    

Ika-18 ng Agosto, taong 1901
Linggo nang umaga

ALAM ni Cassie na kailangan niyang gawin ang misyong binigay sa kaniya ng Lola Casiana niya kaya nga siya nagpunta sa panahong iyon. Kaso, hindi niya maalala kung ano iyon. Alam niya ring may nangyaring masama sa isla dahil alam niyang nakasulat iyon sa diary at sa mga textbooks nang nag-aaral pa siya. Kaso, hindi niya maalala particularly kung ano iyon. Naisip niyang, siguro nga ay may ganito talagang nagkaka-amnesia. Iyong tipong kung ano pa iyong mahalaga ay iyon pa iyong nakakalimutan. Pero, bakit ngayon pa?

As Cassie knocked her head with her knuckles, an idea came into her mind. "Pa'no kung bumalik muna 'ko sa panahong pinagmulan ko? 'Tapos, babasahin at tatandaan ko ulit 'yong mga nakasulat sa diary ni Casiana? Pwede ba 'yon?"

"Ayon sa patakaran sa pagbalik sa nakaraan ay makakabalik ka lang sa panahong pinagmulan mo kung natapos mo na ang misyon mo," sagot ni Calista sa kaniya. "Maliban doon ay wala ng ibang paraan para makabalik ka sa pinanggalingan mong panahon. Isa pa'y wala ka rin dapat pagsabihan na galing ka sa hinaharap o 'di kaya'y magkuwento ng mga pangyayari tungkol sa hinaharap kahit kanino dahil sa oras na gawin mo 'yon ay 'di mo na mababago ang kasaysayan at 'di ka na rin makababalik sa panahon mo."

"Eh, pa'no ka? Alam mo ang tungkol sa totoong pagkatao ko't gano'n din ang panahong pinanggalingan ko," aniya rito.

"Hindi ako kasama ro'n dahil ako ang magsisilbing gabay mo rito sa nakaraan," paliwanag ni Calista. Pagkatapos ay biglang may dumating sa loob ng bahay-kubo.

"Sinasabi ko na nga ba't dito kita matatagpuan," wika ng isang pamilyar na boses.

Lumingon si Cassie at nakita niya kung sino iyon – it's Doña Celestina. And, her eyes were filled with anger. Siguro, kung naglalabas lang ng apoy ang mga mata nito ay natupok na si Calista ngayon dahil doon ito nakatingin.

"Manang Lourdes, kunin mo na ang señorita mo," mariing utos ni Doña Celestina sa middle-aged woman na kasama nito. Kaagad namang tumalima si Manang Lourdes.

Nang hawak na siya ni Manang Lourdes ay lumapit naman si Doña Celestina kay Calista at bigla itong sinampal sa pisngi nang napakalakas dahilan para maiwan ang bakas ng kamay nito sa kayumangging mukha ni Calista. Sa kabila niyon ay parang hindi man lang nasaktan si Calista.

"'Di ba't sinabihan na kitang layuan mo ang anak ko!" sigaw ni Doña Celestina kay Calista. "Mahirap bang intindihin 'yon?! Sa susunod na lumapit kang muli kay Casiana, sinasabi ko sa 'yo, papalayasin kita sa islang 'to't sinisigurado ko sa 'yong walang magagawa si Carlos. Tandaan mo 'yan!" Pagkatapos ay tinalikuran nito si Calista at nagsimulang maglakad palabas ng bahay kasama siya habang hawak siya ni Manang Lourdes. Parehas silang walang nagawa ni Calista kung 'di sundan na lang ng tingin ang isa't isa hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng bahay nito.

Marami pa sana siyang tanong kay Calista. Kaso, hindi na niya alam kung kailan siya muling makakalapit kay Calista lalo na at pinagbantaan ni Doña Celestina na palalayasin ito kapag lumapit itong muli sa kaniya – or the other way around.

Bukod sa mga katanungan niya rito, she also wanted to apologize to her dahil naisip niyang kaya ito nasampal ni Doña Celestina ay dahil sa kaniya – dahil pinuntahan niya ito sa bahay nito.

Bakit ba kasi sinaktan kaagad ni Doña Celestina nang ganoon si Calista nang walang tanong-tanong? she thought while riding back home. Ano bang kasalanan ni Calista kay Doña Celestina?

Naisip niyang kung tutuusin ay siya dapat ang kaladkarin pauwi nito dahil siya ang pasaway na tumakas ng bahay nila para hanapin mag-isa ang diary niya.

⏳⏳⏳

Ika-18 ng Agosto, taong 1901
Linggo nang umaga

"DOÑA Celestina – este, Mamá pala," Cassie corrected herself nang makauwi sila ng bahay at napagpasyahan niyang kumprontahin si Doña Celestina tungkol sa ginawa nito kay Calista nang ihatid siya nito sa kwarto niya. "Mali ang ginawa mo kay Calista. 'Di mo s'ya dapat sinampal."

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now